20

77 3 0
                                    

"I gotta go, Jane." Paalam ko sa kaniya.

"Sige, sige. Ingat ka." Saad niya.

"Nasaan na halik ko?" Biro ko sa kaniya pero hindi ko inaasahan na bigla na lang itong lalapit at dudukwang para halikan ako saka ngumiti.

Nagbibiro lang naman ako...

"Alis kana. Baka ma-late ka pa." Saad niya kaya tumango naman ako saka kinuha na ang susi ko at tuluyan ng lumabas ng bahay.

Dumeritso na ako sa kotse ko at pinaandar na iyon saka umalis na. Maaga pa pero maingay na ang kalsada. Marami ng sasakyan ang kasabay ko pero kahit ganoon ay hindi naman traffic.

Maganda ang araw ngayon. Hindi masyadong mainit at hindi rin malamig ang hangin. Tamang-tama lang.

Pagkarating ko sa school ay agad akong pinagtinginan ng mga HUMSS. Iyon ang strand ng tanginang Brandon na 'yon. Ewan ko nga at nakapasok pa siya ro'n eh halos gabutil ng bigas ang utak ng lalaking 'yon. Puro yabang dahil mapera yung pamilya at lahat ng gusto niya ay nakukuha. Tss. Walang kuwenta.

Sa oval na ako dumaan dahil mas mapapabilis akong makarating sa room kapag doon dumaan. Kapag kasi sa gilid ay halos iikot pa ako.

*Oval - Malapad na Field sa Andromeda. Iyong gilid nun ay yung tinatakbuhan keneme.*

Hindi naman mainit masyado kaya walang problema. Hindi rin naman ako natatakot umitim. Hindi naman kasi mangyayari 'yon.

Dumaan lang ako sa harap ng cafeteria pero hindi na ako pumasok pa. Wala naman akong bibilhin. Mamaya na lang. Dumeritso na ako sa  room namin at naabotan kung andoon na ang iba.

"Yown, oh! Parang walang bakas ng two days suspension, ah?" Natatawang asik ni Geld.

"Wala pa si Cristoff?" Tanong ko.

"Bakit mo hinahanap si Cristoff? Narinig ko magkasama raw kayo kagabi." Biglang saad ni Art na may kakaibang tingin. Baliw siya ng umalis ako, baliw pa rin siya pagbalik ko.

"Tss. Broken yung gago. Tinawagan ako kaya pinuntahan ko dahil baka magbigti." Sagot ko saka naupo sa upuan ko.

"Legit? Akala ko seseryusuhin niya na yung babae?" Tanong naman ni Derk.

"Yung babae yung nakipaghiwalay. Common sense nga. Tss. Huwag nga ako ang tinatanong niyo ng mga 'yan." Singhal ko saka naglagay ng bubble gum sa bibig.

Biglang pumasok naman mula sa pintuan si Cris na hawak-hawak ang ulo.

"Andito ka na pala." Saad niya at agad na naupo sa gilid ko kung nasaan ang upuan niya.

"Wala. Alien lang 'tong katabi mo ngayon." Bored na saad ko kaya natawa naman ito.

"Salamat pala kagabi, pre. Hindi ako pinagalitan ni Daddy dahil ikaw naghatid sa'kin." Saad niya kaya pinaningkitan ko naman siya ng mata.

"Kung hindi lang talaga kita kaibigan ay ihuhulog talaga kita ro'n sa building. Pinahirapan mo pa ako." Angil ko.

"Pasensiya naman. Lasing ako, eh." Nakangusong saad niya naman.

"Reasons. Oh, nakita ko kahapon kaya binilhan kita." Bigay ko ng paper bag na hawak.

"Ano 'to?" Kunot-noong tanong niya.

"Buksan mo. Tangina naman." Naiinis na talaga ako sa pisteng 'to. May mata at kamay pero magtatanong pa. Tss.

Nanlaki naman ang mata niya ng makita ang nasa loob at tumingin sa akin. "Para talaga sa'kin 'to?"

"Ayaw mo?"

"Gusto." Agad na sagot niya at inilayo iyon sa'kin.

"Kami wala?" Biglang tanong ni Art na nakanguso.

"Ano ba gusto niyo?" Tanong ko pabalik at pinalubo yung gum ko hanggang sa pumutok.

"Pagkain!" Sigaw nilang lahat.

"Aga-aga, pagkain agad? Wala bang pagkain sa bahay niyo?" Kunot-noong tanong ko.

"Si Cris nga, oh! Kumakain na ng chocolates." Turo ni Lix kay Cris na nabuksan na yung isang chocolate na paborito niya.

"Tss. Libre ko mamayang recess." Saad ko na lang saka bumuntong-hininga. Agad naman silang naghiyawang lahat.

Ang mga gago ang yayaman pero ang kukuripot pero kapag sa bar gastos lang ng gastos.

Maya-maya pa ay dumating na si Sir at kasama ulit si Ken na pumunta naman agad sa amin.

Sa inaasahan ay ginisa na naman ako ni Sir dahil sa pagkasuspende ko pero dahil wala naman akong pakialam sa sasabihin niya ay tumigil rin ito ng mapagod.

"Te. Te. Gusto ko n'on." Turo ni Ken sa chocolate na pasimpleng kinakain ni Cris.

Siniko ko naman si Cris at humingi ng kaunti at agad na isinubo kay Ken. "Keep quiet. Your lolo will be mad if he sees us eating." Bulong ko pa sa bata kaya tumango-tango naman ito at nginuya ang chocolates.

Kumuha naman ako ulit ng isang piraso kay Cris saka sinubo rin pero pare-pareho kaming tatlo na napatigil sa pagnguya ng mapatingin sa amin si Sir na may mapanuring mga tingin pero agad naman niyang ibinalik ang tingin sa board kaya nagpatuloy na kami sa pagnguya. Iyong bata ay humagikhik pa.

Nang sumunod na mga subjects ay nakinig pa rin kami. Si Ken naman ay nagsusulat lang sa yellow pad ko ng kung ano-ano. Hinayaan ko na lang dahil mukhang masaya naman siya sa ginagawa.

Dumating ang recess at sayang-saya naman ang iba dahil libre ko pagkain nila. Karga-karga ko pa rin si Ken dahil ayaw niya sa iba. Mga pangit kasi.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kaniya ng makarating kami sa harap ng pila.

"Jelly, Te Peach. The red one." Sagot niya.

"Kayo anong set gusto niyo?" Tanong ko sa iba.

"Set A!" Sigaw nila.

"You heard their orders, right?" Tanong ko sa babaeng nagtitinda at tumango naman ito. "Add two siopao." Dagdag ko pa.

Inihanda naman nito iyon at agad na namang kinuha ng iba iyon ng ibigay na ng nagtitinda dahil marami. Iyong jelly ay ibinigay ko naman sa bata pero hindi pa nabubuksan iyon kaya yakap-yakap niya na lang muna iyon. Nagbayad na ako gamit ang card ko saka pumunta sa table.

*Set A- burgers, fries and pizza plus drinks. Set B- Chips plus drinks. Set C- pure filipino foods(snacks) plus drinks. Set D- rice, porks, beef, chicken and more, plus drinks. Set S- customized order. (Mix)*

"Ate Cristoff can you open this for me?" Tunghay ng bata kay Cris ng Jelly niya na nakaseal pa.

"Ofcourse. But call me Kuya." Saad pa niya.

Nailing na lang ako saka nilagyan ng ketchup ang siopao ko saka kumagat at napatango-tango.

"Ate po. You're my Ate Cristoff." Nakangiting saad ng bata. Nagsihagikhikan naman ang iba pero agad silang sinamaan ni Cris ng tingin.

"No, I'm your Kuya Cristoff, Ken. Your only ate is ate Peach, okay?" Paliwanag niya pa.

"No! You're my ate!" Pagmamatigas ng bata kaya bumagsak naman ang balikat niya saka binuksan na lang yung jelly ng bata.

"Ayan kasi. Kita mo ng Ate na, eh. Huwag mo ng ipagpilitan." Saad ko saka kumagat ulit sa siopao na hawak.

"Kung ano-ano kasing tinuturo mo sa bata. Akin na nga 'to." Balak niyang kunin ang siopao na nasa mesa kaya agad ko namang kinuha iyon.

"Bumili ka. This is mine." Saad ko.

"Bakit hindi mo kasi ako binilhan?" Tanong niya.

"Malay ko ba. Ayon burger kainin mo." Turo ko sa burger na nasa mesa.

"Tch. Damot!" Saad niya at kumuha ng burger.

"Topakin." Pabulong na saad ko. Sobra pa sa babaeng may regla. Tss.

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon