Agad kung ipinarada ang big bike sa labas ng bahay at dumeritso na sa loob. Pagbukas ng pinto ay agad ko namang nakita si Jane na may kausap sa cellphone pero agad din niya iyong pinatay at nilapitan ako. "Ang sabi mo hindi ka maglalasing masyado?" Alalang tanong nito.
"I want some hug rightnow, Jane. Can you hug me? Kahit sandali lang? Kailangang-kailangan ko lang talaga." Pakiusap ko sa kaniya.
"Sige... Ano bang nangyari? Bakit ang lungkot ng boses mo?" Tanong niya. Agad naman akong yumakap sa kaniya ng mahigpit. Hinagod naman nito ang likod ko na nakatulong ng malaki sa akin.
"I've got rejected. Inaasahan ko na naman iyon pero bakit ang sakit pa rin?" Sobrang sakit! Parang winawasak yung puso ko. "Ang tanga ko lang din kasi umasa pa talaga ako."
"Huwag mong sabihin 'yan." Saad nito kaya ngumiti naman ako saka kumawala na ng yakap sa kaniya.
"Yeah. Yeah. Mabuti pa ay magpapahinga na lang muna ako. Mawawala rin naman 'to siguro mamaya." Saad ko at balak sanang tumayo pero bigla na lang akong nahilo. Mabuti na lang at nasalo ako ni Jane kaya hindi ako natumba sa sahig.
"Tutulungan na kitang umakyat. Baka mapano ka pa." Saad nito at tinulungan akong umakyat.
"Thanks." Saad ko at nagsimula ng maglakad kahit medyo nanlalabo na ang paningin ko.
Uminom ako ng limang beer sa tindahan na nadaanan ko habang papauwi. Sobrang sakit kasi ng nararamdaman ko. Alak na lang yung inaasahan ko para mamanhid na yung puso ko at hindi ko na maramdaman yung sakit. Pero ito at nasasaktan pa rin ako ngayon kahit na marami na akong nainom.
Pakiramdam ko ay nilakad ko ang buong disyerto dahil sa tagal namin bago makarating sa kuwarto.
Pasuray-sursay na ang paglalakad ko at kanina pa ako siguro tumimbawang kung hindi dahil sa tulong ni Jane.
"Andito na tayo." Imporma nito at inihiga ako sa kama at kinuha yung sapatos na suot ko. "Kukuha ako ng bempo at pupunasan ka." Narinig kung saad pa nito kaya napamulat naman ang mata ko at agad na hinawakan ang kamay niya.
"Dito ka lang." Saad ko at hinigit siya dahilan para mapahiga ito dibdib ko.
"P-Peach... ayos ka lang? Mabigat ako..."
"I really like your lips." Saad ko habang nakatitig doon. "I want to kiss you rightnow... But you're uncomfortable with it. Ah! Bummer..." Saad ko habang nakatitig sa labi nito.
"Magiging maayos ba ang pakiramdaman mo kapag nahalikan mo'ko?" Tanong niya.
"I don't know." Sagot ko.
"Kung mababawasan 'yang sakit na nararamdaman mo... sige. Puwede mo'kong halikan."
Agad ko naman itong inihiga saka kinubabawan. "I won't decline that offer." Saad ko at inangkin ang mga labi niya pero agad ring napatigil.
"Damn it! I'm sorry." Hingi ko ng paumanhin at nahilot ang sentido.
"Bakit hindi mo tinuloy?" Tanong niya.
"Hindi ko na uulitin ang pagkakamaling ginawa ko noon. Hindi kita gagamitin para lang mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon." Sagot ko at hinaplos ang pisngi niya. "Did I scare you?" Tanong ko.
"Hindi naman... Pero paano ka?" Alalang tanong niya.
"Shower lang ako. Magpapalamig muna ako ng ulo. I just want to ask a favor from you."
"A-Ano 'yon?" Agad na tanong niya.
"Please... stay with me, Jane. I want someone to stay with me rightnow. Mababaliw ako kapag nag-isa ako sa tahimik na kuwarto na 'to." Pakiusap ko.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Teen FictionPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...