"Ihahatid ko lang si Cris sa labas." Paalam ko kay Mommy at tumango naman ito.
"Tita uwi na po ako. Your the best, tita! Promise, I will make sure that Peach will fall for me. Hindi ko na ho siya ibibigay sa maling tao." Masayang saad ni Cris kaya nailing na lang ako. Para bang siya ang magdedesisyon nun. Tss.
"Then I will look forward to it." Nakangiting saad pa ni Mom saka tumango kay tumalikod na kami at umalis.
"Narinig mo 'yon? Botong-boto talaga si Tita sa akin, Peach. Puwede na tayong magpakasal nito." Saad niya pa at humigpit ang hawak sa kamay ko. Kanina niya pa hawak at hindi niya na binitawan.
"Tss. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko gusto." Saad ko. Humaba naman ang nguso niya at tumigil sa paglalakad.
"Sinasaktan mo na ako, Peach. Kanina mo pa sinasabi 'yan." Saad niya kaya natigilan naman ako saka napangiwi.
"Alangan sabihin ko na gusto kita kahit hindi naman totoo?" Inosenteng asik ko.
Nakita ko namang nalungkot na talaga ang mukha niya kaya napakamot naman ako ng ulo saka napabuntong-hininga. "Sige na. Sige na. Hindi ko na sasabihin." Saad ko.
"Nasaan ang halik?"
"Anong---kinginang 'yan." Saad ko saka mabilis na hinawakan ito sa batok at inilapit ang labi ko sa labi niya.
Gumalaw ang dalawang kamay nito ang isa ay nasa bewang ko habang ang isa ay hinawakan ang baba ko at sinimulang galawin ang labi niya. Tumaas naman ang sulok ng labi ko dahil kahit papaano ay alam niya na ngayong gawin iyon ng tama.
"Gusto kung kagatin ang labi mo." Nakangusong saad niya ng maghiwalay ang labi naming dalawa.
"Subukan mo at itim na 'yang isang mata mo bukas." Pagbabanta ko.
"Ang sarap kasi ng labi mo." Ngiti-ngiting saad niya pa.
"Alam ko." Saad ko. "Umuwi ka na nga." Pagtataboy ko sa kaniya.
"Ayaw mo na akong makasama?" Pang-iinarte niya na naman.
"Tss. Makakasama mo pa ako bukas. Marami pang oras na makakasama mo ako. Kaya ngayon umuwi ka na dahil gabi na. Kingina, tinapok ka na naman." Naiiling na saad ko.
"Sige na nga." Saad nito saka lumapit at humalik sa pisngi at sa labi ko saka tuluyang pumunta papunta sa sasakyan niya saka kumaway. "Bye. Goodnight."
Napakurap-kurap naman ako saka tumango. "Geh. Ingat." Nasabi ko na lang.
Nakita ko pang umalis ang sasakyan niya pero nanatili lang akong nakatayo sa kung nasaan ako.
Palagi talaga akong natitigilan dahil sa halik sa pisngi na ginagawa niya.
Tss. That guy...
Mas pinili ko na lang bumalik sa loob ng bahay at naabotan ko si Mommy na nasa salas pa rin.
"Naihatid mo na siya?" Tanong niya.
"Yeah." Sagot ko saka naupo sa kabilang sofa at nagpatuloy sa pagkain sa cake ko.
It taste good.
"You're so cold."
"You too." Simpleng sagot ko.
"Anong nangyari sa babaeng katulong dito ng nakaraan. Bakit wala na siya dito? Nalaman mo na ba ang totoo?" Tanong niya.
"Yeah. She's a bitch." Sagot ko.
"That's why don't fall for someone like her."
"Botong-boto talaga kayo kay Cris mula pa noon, no? Bakit?" Tanong ko sa kaniya saka sumubo ulit ng cake at napatango-tango. "This taste good. Parang kagaya sa café na binibilhan ko."
"It's from Barcelona. It's a gift from a friend." Saad niya naman. "And about Cris? Maybe because I know him too well. Pareho kayong matigas ang ulo. But he's a good guy."
"And how about us, Mom?" Tanong ko.
"What about us?"
"Don't act like you didn't know what I mean, Mom."
Bumuga naman ito ng hangin saka kumuha rin ng cake saka kumain. Namana ko sa kaniya iyon. Kapag may problema ay sweets ang kinakain.
"Actually, I don't know. When Cristy said that you and Cristoff is in the 'ligawan' stage na. I just felt too happy and I rushed home and wait for the two of you to come home. Hindi ko na napagplanuhan pa ang gagawin kapag nasa ganitong sitwasyon na tayo. Inaasahan ko na magtatanong ka. Pero hindi ko alam kung anong isasagot ko. Gusto kung bumawi. Pero parang hindi ko na alam kung anong mga gusto mo."
"Just be home everyday. Kahit hindi matagal basta nakikita lang kita. Always love daddy because he really loves you. And always buy something good for me. And maybe a little love from you too. Then we're fine. I don't need alot of ka-echosan o drama. I don't need it." Sagot ko saka humiwa ulit sa cake.
Nang tingnan ko ito ay halatang nagulat ito pero agad ring ngumiti. "You're still the Peach that I know. Hindi ka masyadong humihingi ng mga bagay-bagay. You're contented in little things."
"Because that's enough for me." Napatingin naman ako sa cellphone ko ng bigla itong umilaw. Tumaas naman ang sulok ng labi ko ng makitang message iyon galing kay Cris. Kinuha ko naman iyon saka nagtype ng message at ibinalik sa mesa ang cellphone pero maya-maya lang ay umilaw na naman ito.
Kulit ng kingina.
Nagreply pa ulit ako saka hindi na pinansin pa ang ibang mga message niya. "Tss."
"Wala ka pa rin ba talagang nararamdaman para kay Cristoff?" Biglang tanong ni Mommy kaya napatingin naman ako sa kaniya.
"Wala." Sagot ko saka humiwa sa cake ko at isinubo iyon.
"Huwag mo sanang isarado ang puso mo at gawing laro na lang ang lahat Peach. Baka magsisi ka." Saad nito dahilan para matigilan ako at nabitin sa balak na pagsubo ulit.
Pero agad rin naman akong ngumisi saka inilagay sa mesa ang platong hawak saka nadilaan ang labi ko.
"Games are fun. Fun and entertaining things are exciting. Exciting things makes me amused. And when I'm amused... I might like that thing. So chill, Mom. Maybe I will like him soon." Sagot ko at nadilaan pa ulit ang pang-ibabang labi ng may maalala.
"Tss. You always insert games in love. Baka karmahin ka at hindi ka na pakawalan ng pag-ibig, Peach." Saad niya pa kaya lalo namang lumapad ang pagkakangisi.
"Let's see then..." Sagot ko saka nagkibit-balikat.
That's what I'm waiting for, Mom. I want love to cage me that I cannot get out anymore. It will bring so much fun for sure.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...