Sa mabuting palad ay nakapasok naman kaming lahat. Palibhasa ay kaunti lang ang nainom namin kagabi. Pero itong katabi ko... Ito at dama-dama yung ulo.
Tsh. Inom ng inom hindi naman kaya.
Bigla ko na namang naalala ang nangyari...
Papauwi na kami at tahimik lang siya kaya akala ko ay nakaidlip na dahil sa kalasingan pero pagka-park ko ng motor ko ay bigla na lang ako nitong hinigit at niyakap ng sobrang higpit at sinabing...
Nagseselos ako.
Dalawang salitang hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba o hindi. Bakit naman siya magseselos? Tsh. Dala siguro ng kalasingan kaya nasabi niya iyon.
Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin iyon. Kahit na parang wala lang namang nangyari kung kumilos si Cris ngayon. Kagaya pa rin ng dati.
Mas pinili ko na lang na manahimik at makinig sa teacher namin na nagtuturo ngayon sa harapan. Kailangang malinis pa rin naman ang card ko. Walang pula o palakol na nakalagay. Ayaw ni Dad na may dumi ang card ko.
Naging maayos ang takbo ng klase namin hanggang sa sumunod pang mga klase.
Napabuntong-hininga na lang at nilaro ang ballpen na hawak at nanatiling nasa harapan ang paningin. Napupunta kasi sa ibang bagay ang isip ko kapag tumingin ako sa iba.
Pagkarating ng recess ay sabay-sabay pa rin kaming pumunta sa cafeteria. "Anong kakainin mo ngayong araw?" Tanong ni Cris habang nasa pila kami.
"Apple pie at juice." Sagot ko.
"Iyon na lang rin ang akin." Nakangiting saad nito.
"Gaya-gaya ka na pala ngayon?" Tanong ko sa kaniya.
"Luh? Bawal bang kainin 'yon? Gusto ko rin na kumain ng gano'n, eh." Saad niya.
"Tsh. Kamusta yung ulo mo?"
"Medyo ayos na. Nakainom na ako ng gamot kanina." Sagot niya kaya napatango-tango naman ako.
"Mabuti. Order ka na. Baka hampasin ka ng silver tray ng tindera." Naghihintay na 'yung manang ta's ito at nakikipag-usap pa siya.
Nang matapos siyang mag-order ay sumunod naman rin ako saka kinuha ang pagkain na binili at nagbayad. Pumunta na ako sa table namin habang subo-subo ang apple pie.
May bigla namang bumunggo sa akin kaya napakunot naman ang noo ko. "Hoy." Tawag ko rito kaya nagulat naman itong nagtaas sa akin ng tingin.
"P-Po?" Tanong niya.
Tiningnan ko ang kabuuan nito. Pandak, maliit at may suot na glasses na bata. Freshman. "Naliligaw ka ata? Cafeteria 'to ng seniors, bata." Saad ko.
Mapapansin mo talaga iyon dahil sa uniforms. Puro puti lang at yung mga shorts at tie lang ang ibang kulay ng uniforms sa juniors.
"I-Inutusan lang ho ako..." Sagot nito. Napatingin naman ako sa hawak niya at nakita ang Set S na pagkain.
"Sige. Makakaalis ka na. Huwag ka ng bumalik ulit dito. Bawal pumunta ang mga juniors dito para lang bumili ng pagkain." Saad ko at naglakad papunta sa table namin at ibinaba ang juice na hawak.
Paulit-ulit ko namang binilang ang sukli na nasa kamay ko. Puro na iyon coins. Mahilig akong humawak ng mga coins at nalilibang ako sa pagbibilang ng mga iyon.
"Sino 'yon, Peach? Junior 'yon, diba?" Tanong ni Cris.
"Hm... Inutusan siguro ng mga loko sa juniors. Mukhang bigatin ang batang 'yon kahit na ang pangit niya." Saad ko at sinulyapan si Cris na tumayo. Mag-c-cr ata.
"Wow! Pinuri tapos nilait? Tindi rin talaga ng trip mo, pre." Natatawang saad ni Derk.
"Bakit? Nagsasabi lang ako ng totoo. Pandak na nga tapos naka-glasses pa at sobrang luwang pa ng mga damit na suot. Pwede ka na ngang tumira ro'n, eh. Tsh. Kunting ayos na lang ang kailangan ta's hindi pa magawa. Kaya siya mas lalong na-bu-bully, eh. " Saad ko saka isinubo ang natitirang piraso ng pie.
"Si Peach oh nang-ta-trashtalk. Iyak na tuloy si Derk, baby boy." Saad ni Art kaya nakatikim naman ito ng batok mula kay Derk.
Matapos maubos ang pie ay agad ko naman ng tinusok ang juice ko ng straw na hawak at sinimulang inumin iyon hanggang sa maubos ang laman. "Washroom muna ako." Paalam ko saka tumayo at itinapon sa basurahan ang basura na dala ko.
Deri-deritso lang ako sa paglabas papunta sa washroom pero hindi pa man ako nakakarating doon ay agad na akong napatigil at napatingin sa isang tabi. Nakita ko si Cris...
Balak ko na sana siyang tawagin pero bigla ko na lang nakita ang isang babae na nanggaling sa gilid at bigla na lang silang naghalikan. Natigilan pa ako ng ilang sandali pero napabuntong-hininga na lang din kinalaunan at dumeritso sa paglalakad papunta sa washroom.
Tahimik naman akong tumigil sa harap ng salamin at napatitig sandali sa sarili ko. "Tss. Sakit naman nun." Mahinang saad ko saka naghilamos na lang ng mukha. Halos ilang sandali ko pa iyong ginawa bago tuluyang tumigil at tinuyo na ang mukha gamit ang panyo na dala.
Napabuntong-hininga pa ulit ako saka lumabas. Bigla ay nakita ko naman si Cris na pinupunasan ang labi niya. Parang nagulat pa ito nang makita ako pero agad ring ngumiti. "K-Kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya.
"Bago lang." Sagot ko.
"Andiyan na si Sir, pre." Narinig ko namang sigaw nila Art na papunta na rin sa gawi namin.
"Pasok na tayo." Saad ko at nauna ng maglakad papunta sa room namin at naupo sa upuan ko. Hindi na ulit ako kumibo pa. Normal ko naman ng gawain iyon. Dumating na rin naman si Sir kaya sa kaniya ko na lang ibinuhos ang atensiyon ko.
Sa tuweng naaalala ko ang nakita ko ay kumikirot ang puso ko.
Mabuti na lang at hindi kita pinaniwalaan sa sinabi mo...
Doble sana yung sakit kung naniwala ako kaagad. Mabuti na lang talaga...
Pero sakit talaga, pre...
Parang may tumutusok sa puso ko ngayon at may sumasakal sa leeg ko kaya nahihirapan akong huminga. Pero kahit gano'n ay walang pumatak na luha mula sa mga mata ko. Masyado na atang namanhid
yung puso at buong pagkatao ko kaya maski ang umiyak ay hindi ko na magawa. Pero kahit manhid ay nasasaktan pa rin ako. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman at nararamdaman ko.Ilang ulit ko na kasing nakita iyon. At naaalala ko ang bawat isa sa mga iyon. At wala akong magawa para pigilan ang sakit na lumulukob sa puso ko.
Walang-ingay ako nitong kinakain. Nasasaktan ako pero hindi ko iyon ipinapakita. Ayaw kung maging mahina...
Minsan kahit anong laban ko para saktan din siya ay parang wala lang naman sa kaniya pero kapag siya na ang gumagawa niyon ay wasak na wasak agad yung puso ko.
Nakakainis...
Parang wala akong laban.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
Teen FictionPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...