30

74 3 0
                                    

"Kuya! Kuya! Someone's calling you." Nagmamadaling ibinigay ni Crey sa akin ang cellphone ko. "Who is PD, Kuya?" Tanong pa niya.

Napatingin naman ako sa caller at agad na nakilala iyon. "It's your Ate Peach so be quiet and go to your room." Saad ko. Tumango naman ito at agad na umalis. Masunurin 'yan kapag narinig ang pangalan ni Peach.

Agad ko namang sinagot ang tawag niya pero nakakunot pa rin ang noo ko. Hindi ugali ni Peach na tumawag.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Punta ka naman dito sa bahay." Saad niya. Bigla naman akong kinabahan at nanibaguhan.

"Ayos ka lang?" Iyon agad ang naitanong ko.

"Tss. Punta ka muna kasi rito. Hintayin kita." Saad nito at namatay na lang bigla ang tawag.

Agad naman akong nagmadaling nagbihis at halos takbuhin na pababa ng hagdan dahil sa pag-aalala sa kaniya.

Tsk. Ano na naman kayang nangyari?

"Bakit ka nagmamadali, anak?" Tanong ni Dad ng makita akong makababa.

"Peach needs me rightnow. May problema siguro." Sagot ko.

"Oh sige, puntahan mo na siya. Baka kailangan ka niya ngayon." Tumango naman ako.

"Bye, dad. Pakisabi na lang kay mommy kung saan ako pupunta." Saad ko pa saka kinuha na ang susi ng sasakyan ko saka agad ng pinaandar iyon at pinaharurot na paalis sa bahay.

Halos paliparin ko na yung sasakyan dahil sa labis na pag-aalala para sa kaniya. Baka pinagalitan na naman ito ni Tita o hindi kaya ay may masamang nangyari?

Tch!

Halos nasa twenty minutes pa bago ako tuluyang makarating sa bahay nila. Agad na akong bumaba at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.

"Peach? Where are you?" Pasigaw na tawag ko habang nagpalinga-linga sa paligid.

"I'm here." Nagmumula iyon sa kusina kaya agad na akong tumakbo papunta doon at nagulat ng makita siya...

Kumakain...

Kumakain siya ng cake!

"What the---"

"Ang bilis mong makarating, ah?" Natatawang saad niya at senenyasan ako na maupo at binigyan ng tubig. "Inom ka muna. Tss. Alalang-alala ka ba sa'kin?"

"Akala ko ano na ang nangyari sa 'yo. Ito ka lang pala at kumakain ng cake." Singhal ko sa kaniya at tinawanan naman ako nito at tumusok ulit sa cake na hawak niya. Uminom naman muna ako ng tubig dahil uhaw na uhaw ako sa pagtakbo.

"Niloko niya ako, Cris."

Napatigil ako sa pag-inom at naibaba ang basong hawak dahil sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa kaniya at nakatitig lang ito sa cake na nasa plato.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Pft. 'Yon na 'yon. Niloko niya ako. She's just using me to take my money. In short, she's a bitch. A trash." Simpleng saad niya saka nagkibit-balikat.

Natahimik naman ako sandali dahil sa labis na pagkagulat sa mga nalaman at nang makabawi ay nagtanong naman ako sa kaniya. "Anong ginawa mo?"

"Pinakulong ko." Sagot niya naman at sumubo na naman ng cake.

"Pero gusto mo siya, hindi ba?" Tanong ko pa ulit.

Gusto mo siya kaya nakalimutan mo'ko kaagad...

"Hm, yeah. Pero natapos na 'yon kanina." Saad niya saka sumubo ulit ng cake kaya napangiwi naman ako. Ganoon ba talaga siya? Maya-maya ay bigla naman itong natawa. "Did you know... They're having sex in my bed. Damn it! Bakit ba ako naloko ng babaeng 'yon. Tss. Maybe because she's my type. Maybe because she act so kind towards me. Damn it." Naiiling na saad niya.

Agad naman akong naguluhan dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari... Nagugulat na naguguluhan ako sa mga naririnig.

"Oh, hindi mo pala alam ang nangyari. Ito ikukuwento ko." Saad niya pa at pumunta sa katabi kung upuan na para bang masyadong interesante ang kuwentong iyon at kailangan kung marinig. "Kanina umalis ako sa school para umuwi, right? Dumeritso muna ako sa café na pinagbilhan ko ng cake na 'to. Pagkatapos n'on ay umuwi na ako rito para sana surpresahin si Jane. Kaso pre, ako yung nasorpresa sa nakita ko. Naghahalikan sila sa harapan ko, Cris. Jane and that shit! Tss. Pero hindi ko man lang nagawang sugurin sila ng mga oras na 'yon. Hinayaan ko lang. Pumasok sila sa bahay at sinundan ko naman. Nagtanong ako sa isang katulong kung sino yung kasama ni Jane at sinabing kapatid raw ni Jane. Tangina, may kapatid bang naghahalikan? At parati pa raw pumupunta rito sa bahay. Tindi rin ng apog, eh. Kaya ayon sinundan ko na naman sila sa taas. Balak ko na sanang buksan ang pinto ng marinig silang nag-uusap. Doon na tumigil yung mundo ng panandalian. Kasi yung babaeng gusto ko eh narinig kung sinabi lahat ng katotohanan. Masasakit na katotohanan para sa part ko. Natahimik na lang akong naupo sa gilid ng pintuan at pinagpatuloy ang pakikinig sa kanila. I record their convo. Para wala ng takas ang mga kingina. Maya-maya pa eh napalitan na ng mga ungol, pre! HAHAHA ang intense nilang dalawa. Shit! Naririnig ko pa nga ata hanggang ngayon, eh. That girl was moaning like a whore. Pft. Nang tuluyan na silang matapos iyon at agad na akong tumayo at pumasok. Nilumpo ko yung gago at yung babae... tinawanan ko. Hindi man lang ako nakaramdam ng awa sa kaniya maski isang porsiyento kahit na umiyak pa siya ng umiyak sa harap ko. Heto ngayon at kinakain ko na rin yung dapat para sa kaniya. Wala na akong pakialam sa lintek na 'yon. Gusto ko siya pero lolokohin niya lang ako? That was a bad choice." Natatawang pagtatapos pa niya sa kuwento at sumubo ulit ng cake.

Natahimik ang buong paligid matapos itong magsalita. Nanatili akong tahimik habang inaalala ang oras na sinabi niya sa'kin ang totoo.

Gusto ko siya pero lolokohin niya lang ako? That was a bad choice.

Yes. It is...

Just like I did to you...

Gusto kita pero sinayang mo'ko? That was a bad choice.

Iyon ang bagay na sabihin niya para sa akin. Dahil iyon ang nararadaman at naiisip ko.

That was a bad choice. Kasi ngayon ako naman yung may lihim na pagtingin sayo. Pilit itinatago ang tunay na emosiyon para lang makalapit pa rin sayo...

"Damn! I don't want to fall inlove again." Saad nito dahilan para mapataas naman ang tingin ko sa kaniya pero agad akong nagulat ng makitang umiiyak na ito.

Parang winawasak ang puso ko habang tinitingnan siya ngayong umiiyak. I see her crying again. But this time iba na yung dahilan ng pag-iyak niya at ako na yung kasama niya.

Hindi ko na namalayan ang sunod kung ginawa. Na-realize ko na lang iyon nang tuluyan ng magdikit ang labi naming dalawa. Hinalikan ko siya. "Stop crying already. I don't want to see you in tears." Saad ko at ipinahid ang mga luha niya habang nakatingin sa mismong mga mata niya saka unti-unting inilapit ang labi at hinalikan ito ulit. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ang nakakalipas. Basta nagulat na lang ako ng gumalaw ang labi nito sa labi ko at bago ko pa namalayan ay gumaganti na ako ro'n.

Napatigil lang ako nang tumigil ito saka humalakhak dahilan para mangunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Makaraan pa ang ilang segundo ay tumigil na ito saka ngumisi. Dinilaan pa nito ang sariling labi habang nakatingin sa labi ko bago napunta sa mga mata ko. "You didn't even know how to kiss properly, Cris. Are you really a guy?" Tanong nito dahilan para matigilan naman ako at unti-unting napaawang ang mga labi pero ng makabawi ay agad naman akong sumeryuso.

"Then teach me..."

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon