It's Tuesday today! May pasok. It means makikita ko si Peach. At makakasama ng buong araw.
Nag-aayos na ako ngayon ng uniform ko para makababa na para kumain. Kagabi ay halos hindi ako tinigilan nila Mom at Dad kakatanong tungkol sa panliligaw ko kay Peach. Kung seryuso raw na talaga ako?
Tch! Si Peach ang hindi mo gugustuhin na iwanan sa ere o paasahin. Masyadong malupit gumanti ang isang 'yon.
Kita mo noong nagsinungaling ako na hindi ko siya gusto ng gabing iyon. Kinaumagahan ay nawala na lahat ng pagkagusto niya dahilan para ako naman ito ngayong naghahabol at nanliligaw sa kaniya.
"Kuya? Let's go na sa baba. Breakfast is ready." Saad ni Crey na sumilip sa pinto ko.
"Okay. Okay. Let's go." Saad ko saka kinuha ang bag ko matapos ayusin ang sapatos ko.
Bumaba na kami at dumeritso sa hapagkainan para kumain. Nag-rice ako dahil masarap yung ulam. Kadalasan kasi ay tinapay lang ang kinakain kapag breakfast.
Pagkatapos kung kumain ay kumuha ako ng tinapay saka nilagyan iyon ng sandwich spread. Gumawa ako ng apat at kinain ang isa at inilagay sa supot ang tatlo. "Dadalhin mo 'yan, 'nak?" Tanong ni Mommy.
"Ibibigay ko sa matakaw na si Peach. Gusto niya ng ganito, eh. 'Yon nga lang walang gumagawa para sa kaniya." Nakangiting saad ko saka inilagay na sa paper bag iyon na maliit.
"Extra sweet ka na ngayon kay Peach, ah? Masaya ako kasi naging matapang ka na para sa kaniya, anak." Nakangiting saad ni Mommy.
"Extra sweet tapos siya wala lang pakialam." Nakangusong saad ko. "Pero ayos lang 'yon. Bibigay rin 'yon." Saad ko saka ibinalik na ang sandwich spread sa may cabinet. "Alis na po ako, Mom." Paalam ko saka humalik sa pisngi niya.
"Ingat ka." Habilin pa nito.
Pagkarating sa may living room ay nakita ko naman si Dad. Kinuha ko muna yung susi ng kotse ko saka nagpaalam. "Alis na ako, Dad." Paalam ko.
"Dalhin mo ulit mamaya si Peach dito. Bibili ako ng kimchi." Saad ni daddy kaya lumapad naman ang ngiti ko.
"Sige po." Saad ko saka tuluyan ng lumabas.
Nasundo na kanina ng school bus si Crey kaya hindi ko na siya kasama. Sa Andromeda rin siya nag-aaral. Kaso medyo malayo yung grade school sa senior high. Nasa kabilang plot pa iyon.
*From pre-school to college yung Andromeda. Magkakatabi lang sila pero dahil sa lawak ng bawat isa ay nagkakalayo na ang mga ito lalo na kapag lalakarin mo lang.*
Makaraan ang ilang sandali ay tuluyan na akong nakarating sa school at agad rin naman akong dumeritso papunta sa room.
Pagpasok ko ay agad ko namang nakita si Peach na kausap si Derk. Pumunta naman ako sa gawi niya at humalik sa pisngi niya saka ibinigay ang paper bag. "Good morning." Bati ko pa.
"Morning. Ano 'to?" Tanong niya habang nakatingin sa paper bag.
"Pagkain." Saad ko. Agad naman nitong binuksan iyon saka kinuha ang supot at agad na kinain ang isang sandwich.
"Thanks. Timing gutom ako." Saad niya.
"Tch! Hindi ka na naman nag-umagahan?" Tanong ko sa kaniya at nagkibit-balikat naman ito.
Minsan may ugali siyang gano'n. Hindi kakain ng umagahan kaya pagdating ng recess ay gutom na gutom at marami ang nakakain.
"Si Peach lang yung meron? Kami wala?" Tanong ni Art na nakanguso.
"Si Peach lang ang gusto ko kaya siya lang ang dinalhan ko." Sagot ko.
"Ang sama na ng ugali niyong dalawa. Parang hindi na tayo friends, ah!" Pag-iinarte pa ni Art at sinundan pa ng iba.
"Narinig niyo? Ako lang raw yung gusto kaya ako lang ang binigyan. Kaya kayo bumili ng sa inyo, huwag maging kuripot." Nakangising saad ni Peach habang nakatingin sa akin.
Napasipol at nagsidramahan naman ang iba naming mga tropa kaya natawa na lang ako saka nailing.
Natigil lang kami nang dumating na ang Miss na magtuturo sa amin ngayon. Pero paminsan-minsan ay tumitingin naman ako sa gawi nito pero nasa ballpen na nilalaro ng daliri niya ang paningin at nasa Miss naman ang atensiyon.
Napailing na lang ako at nakinig na rin sa mga sinasabi ng Miss. Nasa ganoong paraan ko pinalipas ang oras kagaya ng iba. Ganoon rin ang ginawa ko sa sumunod pang subject. May pa-recitation at quiz pero ayos lang dahil may naisagot naman ako.
Hindi ako masyadong matalino pero may alam rin naman ako. Dahil sa pakikinig at pag-te-take down ng mga importanteng mga bagay kaya ako may naisasagot at ang iba ay stock knowledge na.
Mabilis akong matuto sa mga bagay-bagay lalo na kapag interesado ako masyado sa bagay na iyon. Gagawin ko ang lahat para matuto.
Mabilis na lumipas ang oras at recess na kaya dumeritso na kami sa cafeteria para kumain. Kagaya ng palagi kung ginawa ay tinanong ko naman siya kung anong gusto niyang kainin. "What do you want to eat?"
"Pancakes and chocolate shake." Sagot niya naman.
"How about the ice cream?" Tanong ko.
"Oh... I want that too. The vanilla and strawberry." Sagot niya.
"Okay. Punta ka na lang do'n sa table at hintayin kami." Saad ko at agad naman itong tumango at pumunta na sa bakanteng table.
"You're spoiling her too much when if it comes to food, Cris. Peach will get a lot of fat." Natatawang saad ni Derk.
"Parang mangyayari naman 'yon. Dati pa 'yang ugali niyang kumakain ng marami pero hindi ko man lang nakitang tumataba. Ang sabihin mo mas tumatangkad lalo. Mas matangkad pa kesa sa'tin, eh." Naiiling na saad ko.
"Pft. Pero pre... namimihasa ka kakahalik kay Peach, ah." Nakangising asik niya.
"Tch! Eh, sa gusto ko siyang halikan? Bahala ka diyan. Bibili pa ako ng pagkain." Saad ko saka humarap na ulit at tiyempong umalis na yung nasa harapan kaya ako na ang sunod na bibili.
Binili ko na lahat ng gusto ni Peach saka bumili rin ng pagkain ko at nagbayad at pumunta sa table kung nasaan si Peach kanina pero hindi ko siya nakita. "Nasaan na 'yon?" Pabulong na tanong ko habang nagpalinga-linga at inilapag ang pagkain na binili.
"Sino hinahanap mo?" Tanong ni Art na naupo na kasama si Derk.
"Peach. Bantayan niyo muna 'tong pagkain namin. Hahanapin ko lang." Saad ko saka agad ng umalis sa cafeteria at hinanap siya.
Saan kaya 'yon?
Baka nasa lumang room ng GAS at nag-smoke na naman?
Napabuntong-hininga na lang ako saka pumunta na nga doon pero hindi pa man din ako nakakarating ay agad ko na siyang nakita.
Nasa gilid siya ng room... may kahalikan na babae.
"What the fuck?!"
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]
أدب المراهقينPeach Demonteverde, A tomboy who fall inlove with her own fucking best friend. Ang isa sa kaibigang lalaki na nakasama niya na simula pa pagkabata. Cristoff Reyes, a boy that keeping their promise. Meron kasing batas silang ginawa na 'Bawal taluhin...