01

154 4 0
                                    

"Sino ang may sabi na puwede kayong kumain sa klase ko?" Sigaw ni Sir. Nagkunwari naman kami na parang wala lang kaming narinig pero itinago pa rin ang mga pagkain na hawak.

Narinig pa namin itong bumuntong-hininga bago nagpatuloy sa pagtuturo.

Inilabas ko ulit ang pagkain na hawak at nagpatuloy sa pagkain. Wala eh, matigas ang ulo ko at... gutom ako.

"Excuse me, Sir." Biglang may lumitaw na isang estudyante sa gilid ng pinto kaya naudlot naman ulit ang klase namin. Napangiti naman ako ng makita ang apo ni Sir.

Mula noong grade eleven kami ay palagi niya ng dinadala ang apo niyang lalaki rito sa school. Wala kasing magbabantay rito sa bahay nila. Siguro nasa apat na taong gulang na ito ngayon.

"Ate Peach!" Sigaw nito at tumakbo papunta sa gawi ko at bastang iniwan ang lolo niya.

"Naalala mo pa ako?" Nakangiting tanong  ko at pinaupo siya sa hita ko.

"Opo!" Masiglang sagot nito habang pumapalakpak ang mga kamay.

"Eh, nasaan na yung kiss ko?" Tanong ko at inilapit ang pisngi sa kaniya. Agad naman itong humalik at yumakap. Ginulo ko pa ang buhok nito at pinisil ang pisngi niya. Ang cute ng batang 'to. "Good. Punta ka muna ro'n sa iba mong Ate. Gusto ka rin nilang makausap." Binuhat ko ito at ibinigay kay Cristoff.

Ate rin ang tawag niya sa mga kaklase ko na puro lalaki. Lahat ay ate niya, eh.

Nilaro naman ni Cris ang bata at nagpahalik din sa pisngi bago niya ito tuluyang ibigay kay Art. Pinagpasapasahan nila yung bata at ng huli ay sa akin din ulit napunta. Nagklase na ulit si Sir at nakinig naman kami. Pati iyong apo niya ay nakikinig din kunwari habang kumakain ng chichirya. Animo'y seryusong-seryuso sa pakikinig pero nasa pagkain naman talaga yung atensiyon.

Naging maayos naman ang lahat hanggang sa dumating ang panibagong teacher namin. Iniwan ni Sir ang apo niya sa amin dahil sa amin lang naman ito  napalapitng husto. Adviser pa rin namin si Sir ngayong taon kaya pabalik-balik naman ito sa room para kumuha ng mga libro o tools. May tiwala rin naman ito sa amin kahit papaano.

Hanggang sa magrecess ay nasa amin yung bata. Hindi kagaya sa ibang strand na hiwa-hiwalay kapag kumain kami ay magkakasama. Magkakasama kaming buong section kapag pupunta ng cafeteria. Halos nasa mahigit bente lang naman ang bilang namin dahil wala masyadong kumukuha ng strand na ito.  Ako lang rin ang nag-iisang babae kuno sa grupo. Lahat ng mga kasama ko ay puro lalaki.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko kay Ken. Ken ang pangalan ng apo ni Sir.

"Donuts at miwktea!" Sagot naman niya.

"Oh, narinig mo? Donuts at miwktea raw." Natatawang saad ko matapos kalabitin si Cris.

"Eh, yung sayo? Anong gusto mong kainin?" Tanong niya kaya nag-isip naman ako.

Seryuso ko itong tiningnan matapos na makapag-isip. "Ikaw." Sagot ko. Nagkatinginan naman kaming dalawa ng ilang sandali at sabay rin natawa kinalaunan. "Burger at milktea yung sa'kin." Natatawang saad ko.

"Sige. Mauna na lang kayo ro'n sa table. Kami na bahala sa pag-order." Saad niya kaya tumango naman ako saka umalis na sa pila. Nakapagfist bump pa yung bata sa mga Ate niya  habang naglalakad kami sa gilid nila. 

Naupo kami sa bakanteng mesa. Naramdaman ko namang hinahatak ni Ken ang damit ko kaya napatingin naman ako sa kaniya.

"Lamig po dito, Ate." Nakangusong saad nito. Siguro dahil sa aircon ng cafeteria.

Hinubad ko naman ang suot kung coat at ikinumot iyon sa kaniya at ginulo ang buhok nito. Ang cute na bata.

Tatlong patong yung uniform namin. Isa na siyang pinakaloob na kulay puti  at sunod ay yung blazer na itim at yung panghuli ay yung vest. Para sa babae lang 'yon. Sa mga lalaki ay dalawang patong lang. Iyong puting uniform na siyang pinakaloob at yung vest na nila. Iba-iba ang theme na kulay ng uniform bawat strand at yung sa SMAW ay black.

Maya-maya pa ay naupo naman na ang mga kasama ko at dala na nila yung pagkain namin. Iyon at pumalakpak naman agad ang bata nang makita ang donuts at milk tea niya na dala-dala ni Cristoff.

Ibinigay na ni Cris ang pagkain ko kaya kinuha ko naman iyon mula sa kaniya at nagsimulang kumain pero agad akong napatigil ng marinig ang pamilyar na boses. Parang nawalan ako ng gana bigla pero hindi ako nagpahalata at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Hi babe!" Saad ni Johara sa malambing na tono. Jowa ni Cristoff.

"Hoy! Mahiya kayo sa walang jowa! Ang bastos niyo." Agad na singhal ni Art sa kanila kaya nagtawanan naman kami. Nakisabay lang ako sa kanila.

"Kumain ka na?" Tanong sa kaniya ni Cris at pinaghigit ito ng upuan.

"Hindi pa nga, eh. Sabay na ako sa inyo. Puwede ba?" Parang batang saad pa niya. Pa-cute.

"Oo naman. Wala namang problema sa mga lokong 'to kahit na sumabay ka sa akin." Sagot pa ni Cris.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang nakikinig ng kanta kasama si Ken. Nasa kaniya ang isang earphones at nasa akin naman ang isa. Mahilig akong makinig ng kanta at nahawa na siguro ito kaya makahiligan na rin.

"Hi Peach." Bigla ay bati ni Johara sa akin. Nagtaas naman ako ng tingin sa kaniya pero unti-unti rin na bumaba ang paningin ko papunta sa halos nakalabas na niyang dibdib. Kung ang uniform ng iba ay halos patong-patong na sa kapal...yung sa kaniya ay iba. Iyong puti na pinakaloob ay hindi nakabutones ang taas at nakatali yung baba kaya nakikita na ang kalahati ng dibdib niya kahit may blazer pa siyang suot.

Sumandal naman ako sa upuan saka ibinalik ang paningin sa mukha niya. "Hi." Bati ko naman dito at humigop sa milktea na hawak ko

"Don't seduce her, Peach. She's mine already." Sita ni Cris dahilan para mapangisi naman ako at nagkibit-balikat pa.

"Puwede naman nating paghatiang dalawa, diba?" Tanong ko kaya nailing naman ito at natawa na lang. Habang ang mga kasama naman namin ay napasipol lang. Iyong bata naman sa tabi ko ay masyadong na-focus sa kanta at pagkain ang atensiyon.

"Huwag niyo nga akong pag-agawang dalawa." Natatawang saad naman ni Johara.

Tss. Feelingera.

"I'm just joking. Don't take it seriously, honey." Saad ko at kumagat sa burger na hawak ko. Nakita ko namang natigilan ito pero agad rin namang ngumiti para hindi mahalata ang pagkapahiya.

"Ate Peach! Ate Peach!" Tawag bigla ng bata sa akin.

"Hm? What is it?" Tanong ko.

"I wan buger, Ate. Buger, nom nom." I want burger, Ate. Burger, nom nom.
Sumenyas pa ito na parang dene-describe ang burger bago nito itinuro ang hawak ko. Ibinigay ko naman kaagad iyon sa kaniya at pinisil ang pisngi nito.

Ewan bakit bulol pa rin magsalita si Ken. Siguro ay sinasanay ni Sir kaya hindi pa rin ito makapagsalita ng tuwid. Pero bata pa naman kaya maaayos pa naman iyon.

Naalala ko rati noon bata ako at nasa ganitong edad ako ay tuwid at klaro na akong magsalita. Well... nasa development at pagtuturo naman kasi iyon. Tiyak na maaayos din naman ang pananalita ni Ken.

"Peach andiyan si baby girl mo." Bulong ni Art at senenyas ang babaeng papalapit. Siniko naman siya at senenyasan na magkunwari na hindi ito nakita. At nagkunwari rin akong hindi alam na paparating na si Vien.

 ASH SERIES 02: MY CRUSH NAMED CRISTOFF [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon