Introduction

3.4K 108 36
                                    


Taimtim siyang naglalakad sa eskinita pauwi sa kanilang bahay. Kinabahan siya nang mapansin niyang tila may sumusunod sa kanya. May nararamdaman siyang kakaiba. Nasa panganib siya.

Huminto siya pansamantala sa kanyang paglalakad, at tumingin sa kanyang likuran upang alamin kung sino ang sumusunod sa kanya. Kaya lang, sa kasamaang palad, wala siyang nakita. Tanging pag-ihip lang ng hangin sa mga basura ang kanyang namataan.

Nakapagtataka.

Nakahinga siya ng maluwag pagkatapos. Siguro'y wala naman talagang sumusunod sa kanya. Iyon ang kanyang nasa isip. Tinatakot lamang niya ang kanyang sarili sa isang bagay na wala naman talaga.

Pagharap niya, ay laking gulat niya nang tumambad sa kanya ang kanyang kaibigan. Nagimbal siya nang sunod-sunod siya nitong saksakin sa kanyang tiyan habang may malademonyong ngiti sa labi nito. Hindi siya maaaring magkamali. Hindi ito ang kaibigan niya. Impostor ito. O di kaya'y ibang nilalang.

"S-sino ka?" nanghihinanang tanong niya rito.

Hindi siya sinagot nito. Bagkos, ay nginisian lamang siya.

"S-sino ka ba talaga?! Hindi ikaw si---"

"Ako ang opposite niya. Ang opposite niyang ubod ng sama." sabi nito sa kanya bago siya malupasay sa sahig, at mawalan ng malay, at mamatay.

"Hangal."

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon