Miss Laura's POV
Napangisi ako nang makitang kusang bumagsak ang garapong para sa opposite ni Iris. Ngayon, sigurado na akong wala na rin ang pakialamerang iyon. Nakakainis siya. Ang buong akala niya siguro'y palalampasin ko ang ginawa niyang page-espiya sakin. Pwes, doon siya nagkakamali.
Sa totoo lang, kanina ko pa siya napapansing panay ang sunod sa akin papunta dito. Kaya naman, kinailangan ko na siyang tapusin. Naiirita ako sa mga gaya niya. Walang sino man ang maaaring makakita ng koleksyon ko. At walang sino man ang maaaring makaalam ng sikreto ko.
"Magaling." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at humarap sa mga koleksyon ko ng opposite.
Nasiyahan ako sa naging kamatayan ni Iris kaya naman, isusunod ko na sa kanya ang matalik niyang kaibigan na si Carl. Gaya niya, nakatitiyak akong nag-iimbestiga na rin iyon dahil sa mga kababalaghang nangyayari sa Marcelino University.
Sinadya ko iyon. Sinadya kong ipakita sa kanya ang opposite ni Iris namang mapagtanto ko ang gagawin niya. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko siyang pasilip-silip sa may faculty kanina. Minamanmanan niya ang mga kilos ko. May hinahanap siyang sagot sakin para sa mga katanungang bumabagabag sa kanya.
Pinagdududahan na rin ako ng iba pa.
Napangiti ako nang mahanap ang garapon na pinagkukulungan ng opposite ng estudyante kong si Carl. Binuksan ko ito at ibinalik ko ang garapon sa dati nitong lagayan.
"Tatapusin na rin kita," bulong ko.
Nang maging opposite na ang itim na usok na pinakawalan ko ay napangisi ako. Nakasisiguro akong madali ko lang itong mauuto hindi gaya ng tunay na Carl. Mabilis magtiwala ang Carl na ito, isang tanga.
"Magandang gabi Carl. Alam mo ba kung nasaan ka ngayon?" Tanong ko rito.
Umiling lang ito sa akin.
Nlapitan ko ito tsaka hinawakan sa balikat. "Pinagkakatiwalaan mo ba ko?"
"Opo," magalang na sagot nito sa akin bago ako mahigpit na niyakap. Malambing rin pala ang isang ito. Sayang siya.
Pumorma ang ngisi sa labi ko. Mukang magiging madali lang ang mga pagkilos ko ngayong gabi.
"Gusto mo ba ng makakain?"
Carl's POV
Lumabas ako ng bahay namin. Baka sakaling lumakas ang signal at matawagan ko na si Iris. Pero sh*t lang dahil hindi ko talaga siya ma-contact kanina pa. Kaninang-kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ako mapalagay. May masama na kayang nangyari sa kanya? Kamusta na kaya siya? Nakauwi na kaya siya sa kanila? Hindi ko alam!
Bwisit!
"Nasaan ka Iris?!" Sigaw ko habang nakatingin sa kalangitan. Bilog na bilog ang buwan. Kinakabahan ako. Sana lang at ligtas siya sa mga sandaling ito.
Ayoko siyang mapahamak.
Itinigil ko na ang pagtawag bago ba ako mabwisit ng tuluyan. Ibinalik ko sa bulsa ang cellphone ko at tumingin na lamang ako sa kawalan.
Tumindig ang balahibo ko nang makakita ng isang taong nakasuot ng isang mahabang damit na may hood habang diretso itong nakatingin sakin. Sigurado ako. Ako ang tinitignan niya. Dahil ako lang naman ang taong nasa labas at wala ng ibang tao pa rito. Bakit? Sino siya?
Hindi maganda ang kutob ko rito.
"S-sino yon? A-anong hawak niya?" Pumikit ako upang hindi ko siya makita. Sana lang ay namamalikmata lang ako. Matatakutin pa naman ako. Tapos nagawa ko pang takutin ang sarili ko. Pambihira.
Gumagawa ako ng sarili kong kakatakutan.
Napasigaw ako nang pagdilat ko'y nasa harapan ko na ang taong iyon. Nakangisi siya sakin. Maya-maya'y tumawa siya.
Kinikilabutan na ako.
Sa sobrang taranta ay tumakbo ako papasok ng bahay at dumiretso ako agad sa kusina. Kailangan ko ng tubig. Ang lakas ng kaba ko. Ano 'yon? Sino ang taong iyon? Bakit may hawak siyang mga itim na candy na gaya ng ibinigay samin ni Miss Laura? Pamilyar sakin ang mukha niya subalit hindi ko siya kilala.
Takot na takot ako habang umiinom ng tubig. Nabasa ako sa damit dahil nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung anong pakay niya sakin. Naiisip ko tuloy baka si kamatayan na ito at sinusundo na ako. Mag-isa pa naman ako sa bahay namin ngayon. Wala ang mga magulang ko, nasa trabaho pa rin sila. Wala kaming kasambahay dahil dati nang napasok ng magnanakaw ang bahay namin.
Hindi kami nagtitiwala kung kani-kanino.
Miss Laura's POV
Mas nadagdagan ang sayang nadarama ko habang nakikitang kinakain ng opposite ni Carl ang pagkaing hinain ko. Sa unang tingin, mukhang wala naman kakaiba. Kanin lang. Ngunit, oras na haluin mo na yung sa ilalim, ay paniguradong mandidiri ka. Dahil marami itong mga patay na insekto at marami rin itong mga buhay na uod.
Nakakasuka.
Muli siyang sumandok sa mangkok na pinaglalagyan ng kadiri-diring pagkain. Isinubo niya ito na tila ba sarap na sarap at walang kahit na anong napapansin sa kinakain niya. Isa talagang tanga.
Walang utak.
"Uminom ka muna." Nilapag ko ang isang basong may lamang inumin.
Napangisi ako nang makitang unti-unti naman niya itong ininom. Naubos ito. Simot na simot. Ilang saglit pa ay nabitawan na niya ang hawak nitong kutsara. Kasabay nito ay ang pagka-hulog ng mangkok na pinaglalagyan ng kadiring pagkain. Nabasag ang mangkok at nagkalat sa sahig ang mga nakakadiring mga insekto at uod.
"A-anong ginawa mo sakin?" Nanghihinang tanong niya sa akin habang nakahawak sa kanyang lalamunan.
Hindi ko sinagot ang katanungan niya.
Pinagmasdan ko lamang siya habang unti-unti nang bumubula ang kanyang bibig hanggang sa tuluyan na siyang lagutan ng hininga. Napahalakhak ako nang maglaho na siya sa harapan ko na parang bula.
Bumagsak ang garapong nakapatong sa lamesa.
Tapos na.
"Sino kaya ang isusunod ko?"
Third Person's POV
Nakahilata ngayon sa sahig ng kusina nila si Carl. Wala na siyang buhay. Nalason siya. Ito'y sa kadahilanang iyon ang ikinamatay ng opposite niya. May bula pa rin ang bibig niya. Ilang saglit pa, ay may lumabas galing sa bibig niya. Ang bagay na iyon. Ang itim na candy na ipinakain sa kanila ng kanilang gurong-tagapayo na si Miss Laura.
Buo na muli ito. Nanumbalik na ito sa dati nitong hugis.
May misteryosong tao na lumitaw sa gilid ng bangkay ni Carl. Nakasuot ito ng mahabang damit na may hood. Nakangisi ito na tila ba tuwang-tuwa sa sinapit ng binata.
Subalit hindi ito ang pakay niya.
Pinulot niya ang itim na candy na lumabas sa bibig ng binata.
Inilagay niya ito sa bulsang nasa gilid ng mahabang damit na suot niya. Muling pumorma ang ngisi sa labi niya bago siya naglaho na parang isang bula.Makikilala niyo rin siya...

BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.