Hailey's POV
Nagkatinginan kaming lahat.
Mababakas mo sa mga mukha namin ang halong takot at kaba dahil sa sitwasyon namin ngayon. Kung tama ang pagkakaintindi ko sa sinambit ni Miss Laura kanina, maglalaban-laban kaming magkakaklase kasama ang mga opposite kuno daw namin. Itong nilalang na kamukhang-kamukha namin na nakakonekta samin gamit ang isang espesyal na posas.
Hindi ko alam kung papaano ito magsisimula. Tahimik ang lahat. Nagtitinginan. Naghihintay kung sino ang unang gagawa ng pag-atake. Subalit halos lahat ay takot. Hindi ko maintindihan kung bakit. Magkakaiba. Iisang mukha na iba ang pag-uugali.
Nakakalito.
May ngumising isa. Ang kamukha ko. Bumilis bigla sa pagtibok ang puso ko. Mukhang may balak na ito na umatake o sugurin ang isa sa mga kaklase ko. Napahigpit ang hawak ko sa puting panyo na nasa kaliwang kamay ko.
"Kailangan ba talaga nating gawin ang bagay na 'to? Hindi ba maaaring matigil ito ng hindi tayong lahat nasasaktan at wala sa ating lahat na namamatay?" Sabi ni Heather.
"Walang ibang solusyon ang bagay na 'to kungdi ang maglaban-laban tayo," sagot ni Dorothy habang mataray na nakatingin ang opposite niya kay Augustus.
"Ayoko pang mamatay," takot na takot na sabi ng opposite ni Ivanna.
Maya-maya pa'y may biglang pumutok. Isang baril. Mukhang iyon na ang hudyat ng pagsisimula ng laro. Napalunok na lang ako. Hindi ko yata kaya 'to.
"Huwag kang tatanga-tanga kung ayaw mo pang mamatay," sambit ng opposite ko.
Nagtakbuhan kaming lahat kung saan-saan. Tarantang-taranta ang lahat. Naghahanap ng kagamitan o armas na maipanglalaban sa bawat isa. Nanginginig ang mga kamay ko. Ngayon lang ako makakahawak ng ganito sa buong buhay ko.
Ayoko maging kriminal.
Habang patuloy kami sa paghahanap, ay patuloy naman sa pagsigaw ang mga estudyanteng nakakulong sa bawat classroom nila kasama ang kanilang mga adviser.
"Ayoko dito," takot na takot na sabi ko.
Heather's POV
Nakahanap ako ng isang palakol. Madali ko itong kinuha habang ang opposite ko naman, ay nakakuha ng latigo. Bigla ko tuloy naalala ang pagpapahirap samin ng huwad na guro na iyon. Walanghiya talaga siya.
"Nakahanda ka na?" Tanong ko. Tumango lang siya sakin at tumakbo na kami pabalik kung saan kami nagkahiwa-hiwalay kanina.
Unang nakita namin ay sina Shanna. Akmang susugurin ko na sana ito nang makitang sinugod naman ito nila Hailey. Napatingin ako bigla sa paligid dahil don. Baka kasi'y may kalaban na sumugod sa amin nang hindi ko namamalayan.
Napakilos ako bigla nang biglang gumalaw ang opposite ko at sumugod. Akmang aatakihin na sana ng opposite ni Hailey si Shanna nang bigla kaming tumulong. Hinarangan ng palakol ko ang sandata ng opposite ni Hailey. Pagkatapos ay sinipa namin silang dalawa ng opposite ko. Dahilan, upang matumba sila sa lupa.
"Salamat, Heather," sabi ni Shanna habang nakatingin sa natumbang sina Hailey.
"Wala yon," sagot ng opposite ko bago mamuo sa kanyang labi ang isang ngiti.
Lagot.
Katapusan na namin.
Miss Laura's POV
Nakatanaw lamang ako sa may rooftop ng Marcelino University habang tinitingnan ang mga estudyante kong abala sa pakikipaglaban. Masayang-masaya ako. Dahil sa wakas, ay nangyari na rin ang larong inimbento ko.
Napairap pagkatapos ay napangisi ako nang makitang tinulungan ni Heather at ng opposite nito sina Shanna na inaatake ng dalawang Hailey.
Imbis na mainis, magalit, ay iba ang naging pakiramdam ko. Ako'y biglang naging masaya. Dahil, may isang klase na na mabubuksan. Dahil, may mababawas na pares sa mga manlalaro.
Mas magiging kapana-panabik pa ang laro.
Shanna's POV
Habang kinakalaban ni Heather at ng opposite niya ang dalawang Hailey, ay biglang may tumunog. Isang kakaibang tunog. Hindi ko alam kung saan galing o kung saan ba ito nagmumula. Ngunit, may isang bagay akong sigurado.
May mangyayaring hindi maganda.
Nahinto sa pag-atake sina Heather. Umilaw ang pulang buton na nasa gitna ng posas na kumukunekta sa kanilang dalawa ng kanyang kabaliktaran. Nagkatinginan lamang silang dalawa saglit bago may mangyaring isang malakas na pagsabog.
Nagkalasan ang katawan ni Heather. Nagkalat ito kung saan-saan. Ang daming dugo. Nakakadiri. Nakakasuka. Lalo na sa magkapares na Ivanna nang sa kanila mapunta ang ulong parte ni Heather. Ang kabaliktaran naman niya ay naging usok nang muli at naglaho na na parang isang bula.
Nang dahil samin, nawala agad si Heather sa laro.
BINABASA MO ANG
The Opposite
Terror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.