21. Plans

658 27 21
                                    


Miss Laura's POV

Mabilis na bumagsak ang garapon ng opposite ni Calvix. Napangiti ako bigla. Dahil bukod sa wala na ang estudyante kong si Calvix, ay nalalapit na rin ang pagsisimula ng aking inimbentong laro. Bukas na. Kaya naman, sabik na sabik na akong tapusin ang mga kailangang tapusin ngayon para perpekto na bukas kapag nagsimula na ang laro.

"Bukas na bukas... masasaksihan ko na rin ang kapana-panabik na labanan na iyon," nakangiting sabi ko bago tumingin sa iba pang mga garapon na pinagkukulungan ng opposite ng mga estudyante ko.

Lumakad ako palabas ng lihim na silid. Pagkalabas ko'y bumungad sa akin ang aking dalawang bihag. Iyak ng iyak ang mga ito sa harapan ko. Wala silang ibang magawa pa bukod doon dahil nakagapos ang mga kamay at paa nila. Kasalanan nilang dalawa iyan. Kung hindi sana nila ginawa ang bagay na iyon, wala sana sila sa kinalalagyan nila ngayon.

"Tulong! Tulong! Tulungan niyo kami!" Sigaw ni Heather. Nakisali pa si Krylle na siyang nagpainit sa malamig kong ulo.

Hindi na ako natutuwa. Naiirita na ako sapagkat kaninang-kanina ko pa sila naririnig. Bwisit na bwisit na ako. Pinipigilan ko lang ang aking sarili na kitilin ang buhay nila dahil mayroon na akong naisip na magandang plano para sa kanila. Gaya ng ginawa kong plano sa pakialamera konv estudyante na si Lucy.

Takot na takot na talaga sila sa akin. Matapos ang ginawa kong pagpapahirap sa kanila at pagmamalupit sa klase nila, talagang kilala na nila ako. Alam na nila kung gaano ako kasama. Wala akong kasing sama. Iyon ang parati nilang sinasabi. Napapangiti na lang ako sa tuwing naririnig ko iyon dahil totoo naman talaga. Hindi lang ako basta guro. Kungdi, isang hindi pangkaraniwang guro.

"Kamusta naman kayong dalawa? Nag-eenjoy ba kayong manatili dito sa loob ng silid na ito?" Ngumiti ako sa harapan nila upang lalo silang inisin. Mukhang epektibo naman ang ginawa ko dahil parehas silang umiwas ng tingin. Talagang naiinis na sila sa pagmumukha ko.

"Pakiusap. Pakawalan niyo na po kami. Pangako, hindi po namin iyon sasabihin kahit na kanino. Basta po, pakawalan niyo lang kami. Pakiusap po, Miss Laura."

"Nangangako po kaming dalawa. Mananahimik po kami. Wala po kaming sasabihin na kahit na ano. Basta pakawalan niyo lang kami."

Napatawa lang ako sa mga pinagsasasabi ng dalawang ito. Mistulang mga lobo kanina habang nakatingin sakin nginit ngayo'y tila mga tupa sila na walang matirhan. Nakakatawa sila. Talagang gagawin nila ang lahat para lang pakawalan ko sila.

"Wag kayong mag-alala, hindi ko kayo papataying dalawa. Dahil mayroon akong naisip na magandang plano para sa inyo. Kung ano 'yon? Malalaman niyo bukas. Naunawaan niyo ba ang sinabi ko?"

Mas lalong natakot ang ekspresyon ng mga mukha nila dalawan dahil sa sinabi ko at sa mala-demonyong pagngising ginawa ko.

"Opo Miss Laura. Nauunawaan po namin," sagot ng mga ito kasabay ang tuloy-tuloy na pagtango.

Mabilis akong bumalik sa lihim na silid. Pagpasok ko'y dali-dali kong hinanap ang garapon na pinagkukulungan ng opposite ng dalawa ko pang estudyante na sina Kenn at Brix.

Nang sandaling mahanap ko na ito ay agad ko itong kinuha at binuksan pagkatapos ay inilapag sa lamesa.

"Gusto kong maglaro kayong dalawa. Puntahan niyo ngayon ang isa't-isa at siguraduhin na mag-eenjoy kayo. Maliwanag ba?"

Nginitian lamang ako ng mga ito pagkatapos ay sabay na itong naglaho sa harapan ko. Napatingin ako sa garapon ni Mr. Alfonso Marcelino. Maya-maya'y isusunod ko na rin siya sa mga mawawala ngayong gabi.



Kenn's POV

"Nandiyan ka na ba?"

"Oo heto na. Nandito na 'ko malapit sa bahay nila."

"Siguraduhin mo lang na mapapatay mo siya. Dahil kung hindi... Ikaw... Ikaw at ang pamilya mo anv mapapatay ko."

"Wag kang mag-alala. Dahil mapapatay ko siya. Sinisiguro ko yan sa'yo. At ipapakita ko sa harapan mo ang mismong ulo niya."

Nang marinig kong naputol na ang linya, agad na ipinasok ko ang cellphone sa loob ng bulsa ng itim na jacket na suot ko. Matapos nito, ay nagsimula na akong maglakad ng mabagal papalapit sa bahay ng taong papatayin ko. Ang isa sa aking mga kaklase.

Si Brix.

"Maghanda ka na Brix... Dahil, nalalapit na ang katapusan mo," nakangising sabi ko bago pumasok sa bukas na asul na gate ng bahay nila.

Mga hangal. Bakit nila iniiwang bukas ang gate nila? Talaga yatang may pagka-tanga ang pamilyang ito. Noong isang araw na pumunta ako dito at nagmamasid-masid, may nakapasok na magnanakaw sa bahay nila at tinangayan sila ng ilang mga kagamitan. Mga walang utak.

Sa totoo lang, hindi ko gusto itong bagay na gagawin ko.
Dahil sa katunayan, ay wala naman akong galit o kung ano kay Brix. Nagkataon lamang na siya ang naging target ko para sa araw na ito. Dahil ang aking lihim na trabaho ay isang killer. Pinasok ko ang trabahong ito na labag sa kalooban ko. Napilitan lamang ako na pasukin ito nang dahil sa 'pera'.

May sakit kasi ngayon ang aking pinaka-mamahal na lola at ito lamang ang pinaka-mabilis na paraan upang makaipon ako ng pera para sa maselang operasyon sa kanya. Ito lang. Ito lang ang nagtulak sa akin para pasukin ko ito. Kahit na alam ko kung ano ang magiging kahahantungan ko oras na mahuli ako ng mga pulis.

Hindi maaari. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon. Alam kong sa mga sandaling ito'y sinusunog na ang aking kaluluwa sa impyerno. Kaya wala nang saysay pa kung sakali mang ihinto ko itong trabaho na ito. Masama na akong tao sa harap ng Diyos. Isa akong kriminal na kailangang magbayad sa lahat ng buhay na kinitil ko. Pagbabayaraan ko iyon sa kabilang buhay. Nakahanda na ako sa panahong iyon.

Gagawin ko ang lahat para sa lola ko, walang makakapigil sakin.

Naglakad ako papalapit sa may bintana. Sumilip ako upang makita kung may ibang tao ba na nasa loob ng bahay. Napangisi ako nang mapansing wala doon ang mga maids nila. Wala rin ang mga magulang ni Brix. Mukhang magiging matagumpay itong balak ko.

Huminga muna ako ng malalim saglit bago pinasok ang bukas na bintana na kalapit ko. Pagpasok ko sa loob, ay pinagmasdan ko ang paligid. Napaka-ganda. Napakaraming mga kakaibang bagay. Katulad ng mga istatwa. Marami ring mga antigo. Ang yaman talaga ng pamilya nila Brix. Naiinggit ako sa kanya. Nasa kanya na ang lahat. Pati ang babaeng pinaka-mamahal ko na si Hailey.

Nagsimula na akong maglakad-lakad. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Naninibago na ako sa sarili ko kamakailan lang. Ang dami kong pinagbago. Naging matatakutin na ako.

Napahinto ako bigla sa aking paglalakad nang may makita akong misteryosong tao sa may hagdan. Isang taong nakasuot ng mahabang itim na damit na may hood.

Sino siya?

Wala akong ideya kung sino ang taong iyon. Kaya naman, labis-labis ang aking kaba sa mga oras na ito. Takot na takot ako. Hindi ko malaman ang gagawin ko. May bagay pa akong dapat na gawin pero sa mga sandaling ito pakiramdam ko nasa panganib ang buhay ko.

Paatras na ako ngayon sa aking kinatatayuan habang pababa naman ng hagdanan ang misteryosong tao na iyon upang lapitan ako. Kinikilabutan ako sa kanya. Hindi ko makita ang mukha niya pero batid kong isa siyang lalaki. Ang paglakad niya ay ang tindig niya kapag nakatayo. Nakatitiyak akong lalaki talaga siya.

Nagimbal ako nang bigla siyang napunta sa harapan ko. Akmang sisigaw na sana ako ngunit naalala ko na nasa loob pala ako ng bahay nila Brix. Baka malaman niyang nandito ako. Hindi iyon maaari. Kailangan ko pa siyang tapusin anoman ang mangyari. Dahil kung hindi ko magagawa ang trabaho ko ng maayos, baka tuluyan nang mamaalam ang lola ko.

Biglang naglaho na parang bula ang misteryosong tao na iyon sa aking harapan. Nakahinga naman ako bigla ng maluwag tsaka nagulumihanan. Anong kailangan niya sakin? Bakit siya nagpakita? Siya ba si kamatayan at gusto na niya akong makuha?

"S-sino ba yung tao na iyon? I-ispirito ba yon? A-at b-bakit ganon ang suot niya? Sino ba talaga siya?" Nagtatakang tanong ko. Hingal na hingal ako.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala na siyang talaga. Naglakad ako papunta sa sulok at tahimik na naupo. Tila naubos ang aking lakas at tapang sa taong iyon. Nakakapanghina siya.

Kailangan ko siyang makilala.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon