Third Person's POV
Isang nakakabinging sigaw ang gumising sa mga estudyante sa loob ng Section Acrick. Nang magising sila'y hindi nila inasahan ang bumungad sa kanila. Pinagbabaril ng kanilang gurong-tagapayo na si Mr. de Rama ang bawat isa sa kanila. Nasa dalawampu nalang sila ngayon sapagkat ang sampu'y napaslang na ng kanilang guro. Bakas ang tuwa sa mukha nito na tila tuwang-tuwa pa sa pinaggagagawang kahayupan sa kanila. Walang awa.
"Sa wakas, makakalabas na rin ako," sabi nito at ngumisi sa kanila.
Napaatras silang lahat at nagtipon-tipon sa isang sulok. Habang palapit ang kanilang guro'y naghanap na sila sa paligid ng kanilang pwedeng magamit upang maipanglaban dito. Karamihan ay kumuha ng kahoy habang ang ilan nama'y gunting, bakal, at kung anu-ano pa na sa loob ng klase lang nila natagpuan.
"Tama nga ang hinala ko. Demonyo siya," mariing pagkakasabi ng estudyanteng si Sasha habang nakatitig sa guro nila. Nginitian lamang siya nito habang pinapaikot-ikot sa daliri nito ang isang baril.
"Hayop ka! Mamatay ka na!" Sigaw naman ng estudyanteng si Owen. Tumakbo siya't akmang hahampasin ng kahoy ang guro niya ngunit naunahan siya nito at pinagbabaril siya sa ulo. Natumba siya't binawian agad ng buhay.
Napasigaw at nataranta ang lahat.
"Masaya ba ang larong ito?" Tanong ni Mr. de Rama sa mga estudyante niya sabay kasa ng baril na hawak niya.
-----××-----
Dinilat ni Miss Katarina ang kanyang mga mata. Nakatulog na pala ang mga estudyante niya habang nakasandal ang mga ito sa pader. Naluha siya nang makitang muli ang kalunos-lunos na sinapit ng mga estudyante niya. Wala siyang nagawa upang iligtas ang mga ito. Napaka-walang kwenta niya. Iyon ang tinatatak niya sa kanyang utak. Wala siyang silbi. Hinayaan niya lang mamatay ang mga estudyante niya sa mga patibong na iyon.
"Kasalanan ko 'to," sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.
Mariin niyang pinikit muli ang kanyang mga mata. Panalangin niya, sana paggising niya'y maging normal na ulit ang lahat.
-----××-----
Mabilis na bumukas ang Section Coronel. Hindi gaya ng ibang sectiong nauna, hindi sila nag-atubiling tumakas. Ramdam nilang lahat na may panganib na nakaabang sa kanila kapag nagmadali sila. May mga nagbago sa paaralan nila habang nakakulong sila sa kanilang klase. Sigurado sila.
Mapahamak sa labas.
"Mag-iingat kayo. Hindi natin alam kung anong nangyayari." Paalala ng gurong-tagapayo na si Mrs. Olvira sa mga estudyante niya. Lahat ay nakasunod sa kanya habang nauuna siya palabas ng kanilang klase.
"Ma'am, delikado po ba sa labas?" Tanong ng estudyanteng si Dino sa kanya.
"Mapahamak ngunit kailangan nating makatakas. Mas mapapahamak tayo kung mananatili tayo dito. Mabuti at bumukas na ang pinto ng klase. Hindi ko alam kung paano pero magpasalamat nalang tayo at nangyari 'yon," sabi niya at lumingon saglit sa mga estudyante niya.
Nang makalabas sila ng klase'y walang sinoman ang agad na tumakbo. Lahat ay nanatiling tahimik at tila ba may hinihintay na hudyat. Kung kanino? Sa gurong si Mrs. Olvira.
"Kumuha kayo saglit ng kahoy sa loob ng klase. May aalamin tayo." utos ni Mrs. Olvira na sinunod naman agad ng mga estudyante niya. Mabilis na nakabalik ang mga ito na may dalang kahoy.
"Aanhin po natin 'to ma'am?" Tanong ng estudyanteng si Axel.
"Manood kayo," aniya at ngumiti. Binato niya sa daraanan nila ang mga kahoy. Gulat na gulat at hindi makapaniwala ang mga estudyante niya nang mapanood kung paano mabilis na nasira ang mga ito, nawasak. Nang dahil sa mga kakaibang bagay na biglang sumusulpot sa may pader at kisame.
"Tama nga ako. May mga patibong nga," sabi niya at muling tumingin sa mga estudyante niya na nagsisimula na sa pag-iyak. Hindi na sila makakalabas ng buhay. Iyon ang nasa isip ng mga ito ngayon.
"Hindi 'to pwede! Kailangan kong makalabas dito!" Naiiyak na sigaw ng estudyanteng si Vicky.
Tumakbo siya. Hindi sinasadyang may naapakan siyang berdeng buton sa sahig. Hindi pa man siya nakakalayo ay may bumagsak na bakal na harang sa magkabilang gilid ng daan. Tatakbo sana siya papasok ng klase kung saan sila galing kanina nang biglang may nagsara nito. Isang malakas na puwersa na hindi niya alam kung saan nanggaling. Iyak ng iyak ang mga kaklase niya habang taranta naman ang guro nilang si Mrs. Olvira. Wala silang magawang paraan kung paano aalisin ang mga harang na ito.
Isang ingay ang kanilang narinig na nagpatayo sa kanilang lahat. Napatingala sila lahat at nagimbal sila nang makitang may mga patusok doon. Unti-unti itong bumababa papunta sa kanila. Nagsisisigaw na ang iba habang ang ilan nama'y iyak lang ng iyak. Pababa pa ito ng pababa hanggang sa napayuko na sila. Nakahawak sila sa bakal na nagmistulang harang at umusal ng dasal na sana'y makaligtas sila. Ngunit, huli na.
Dahil walang nakaligtas ni isa sa kanila.
-----××-----
Tila nababaliw na tumawa ang gurong si Mr. de Rama habang patuloy sa pag-iyak ang mga eatudyante niya. Tuwang-tuwa siyang nakikita ang mga ito na namamatay isa-isa. Matagal na niyang planong gawin ito magmula pa nang pagtripan siya ng mga ito noong unang araw pa lang niya sa pagtuturo sa Marcelino Umiversity.
Wala siyang ibang hinangad kungdi ang igalang ng lahat. Igalang ng estudyante niya dahil maganda naman ang pakikitungo niya rito. Hindi nga lang niya maintindihan kung bakit pinaparanas sa kanya ang iba't-ibang klase ng pantitrip na hanggang ngayo'y sariwa pa rin sa kanyang ala-ala. Kung papaano siya muntikang mahulog mula sa 3rd floor nang dahil sa letcheng pampadulas na nilagay sa daraanan niya. Kung paano nasugatan ang mga paa niya nang suotin niya ang kanyang sapatos dahil marami itong langgam sa loob. Binato siya ng bola ng baseball sa ulo at hinampas siya ng kahoy sa tagiliran nang isang grupo sa mga estudyante niya nang tawagin niya lang ang mga ito sa recitation.
Iyon ang dahilan kaya siya naging ganito. Iyon ang naging puno't dulo kaya nailabas niya ang kademonyohang matagal na niyang itinatago. Wala na ang dating Mr. de Rama na mabait at mapagpasensya. Ang Mr. de Rama na ngayon ay di hamak na mas matapang at walang inaatrasan. Handang makipagpatayan para sa paghihiganti.
Tatapusin na niya ito dito.
"Magkita-kita tayo sa impyerno." nakangisi niyang sabi at pinagbabaril na ang natirang mga estudyante niya.
Sinigurado talaga niyang walang matitira para maging matagumpay ang paghihiganti niya.
Nang sandaling mamatay na ang lahat, pumikit siya habang nakatingala. Ipinuwesto ang dulo ng baril sa kanyang baba tsaka kinalabit ang gatilyo!
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horreur"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.