34. Two

409 10 2
                                    


Tagakashi's POV

Saan kaya nagtatago ang lintek na duwag na iyon? Bwisit. Pinapahirapan niya lang ako. Patay talaga siya sakin oras na mahanap ko siya. Dudurugin ko ang ulo niya gaya ng pagdurog niya sa puso ng babaeng gusto ko.

Pinaubaya ko na nga si Rika sa kanya dahil alam kong siya talaga ang gusto nito. Hindi ko lang talaga maintindihan kung papaano niya nagawang lokohin at paglaruan ang puso ng babaeng pinaka-mamahal ko. Hayop siya! Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya! Ipapalasap ko sa kanya ang galit na nararamdaman ko.

Papatayin ko siya!

"Lumabas ka! Walanghiya ka!"

Naiirita na talaga ako. Sumusobra na siya. Mas lalo niya lang pinapatagal ang kamatayan niya. May gana pa talaga siyang paghanapin ako. Nasaan na ba kasi siya?

"Lumabas ka!"

Nag-echo ang boses ko. Ngayon, sigurado na akong narinig na niya ako. Magtago siya hangga't gusto niya. Ngunit hindi siya makakatakas sa kamatayan niya.



Third Person's POV

Isang klase na naman ang nagbukas. Ang Section Lucas. Lahat sila'y nagatubiling tumakas. Wala silang ibang gusto kungdi ang makalabas na ng kanilang paaralan.

Gulat na gulat at hindi makapaniwala ang gurong si Mr. Concepcion sa sinapit ng mga estudyante niya. Isa-isa itong namatay sa harapan niya hanggang siya na lang ang natira.

"Hindi! Ang mga estudyante ko!" Napaluhod siya't napahagulgol ng iyak.

Hindi na niya malaman kung anong gagawin niya. Wala na ang mga pinaka-mamahal niyang mga estudyante. Parang kanina lang ay humingi na ang mga ito ng tawad sa kanya at masaya na sila. Ang nais pa naman niya'y kumpleto silang makalabas ng Marcelino University subalit mukhang malabo nang mangyari ang bagay na iyon sapagkat mag-isa na lang siya.

At para sa kanya, wala ng silbi itong buhay niya kung wala lang rin naman ang mga estudyanteng pinahahalagahan niya. Ito lang ang meron siya. Wala na siyang pamilya dahil patay na ang mga ito. Hindi niya alam kung sino ang mga kamag-anak niya kaya't para sa kanya'y wala na siyang kwenta. Walang saysay ang buhay niya kung wala ang mga estudyante niya sa tabi niya.

Tumayo siya't kumaripas ng takbo sa direksyon na tinahak ng mg estudyante niya kanina. Magpapakamatay na lang siya upang makasama ang mga ito sa kabilang-buhay. Buo na ang pasya niya. Wala nang makakapigil pa sa kanya.

"Magkakasama-sama na tayo," bulong niya bago may tumusok na bakal sa ulo niya mula sa itaas.

-----××-----

"Patayin niyo siya," utos ni Miss Laura sa mga estudyante ng gurong si Miss Abegail. Nagkatinginan ang mga ito bago tumingin sa kanilang guro na nakaluhod pa rin habang patuloy sa pag-iyak.

Napangisi siya. Nakasisiguro siyang mapapasunod niya ito sa gusto niya.

"Hindi! Huwag kayong maniwala sa Laura na 'yan! Niloloko niya lang kayo!" Sigaw ni Miss Abegail sa kanya. Tumayo na ito at pumagitna sa mga estudyante nito. Napahalakhak lang siya.

"Kung hindi niyo susundin ang kagustuhan ko, mamamatay rin kayo gaya nila." Pinagmasdan niya ang mga patay na estudyante sa gilid niya.

Napaisip ang mga ito sa sinabi niya. Tila naguusap-usap ang mga tingin nito at mukhang malapit na niya itong makumbinsi sa pinapagawa niya. Ang patayin ang gurong si Miss Abegail sa kamay ng mga sariling estudyante nito.

Hindi niya mapigilan ang mapangisi dahil inuuto niya lang naman ang mga ito. Hindi niya ito patatakasin bagkos ay papatayin niya pa. Hindi siya mahilig tumupad sa mga usapan. Isa iyon sa mga dahilan kaya nananatili siya sa lugar kung saan wala siya dapat.

"Maawa kayo. Huwag niyo 'kong patayin." Umiyak na si Miss Abegail sa harap ng mga estudyante nito.

Napangiti lang si Miss Laura sa nakita. Konting-konti na lang at bibigay na rin ang mga ito at gagawin na ang gusto niya.

"Ganyan nga," bulong niya.

Napasigaw si Miss Abegail nang saksakin siya sa likod ng isa sa mga estudyante niya. Nakisali pa ang isa hanggang sa lahat ay nagtulungan na upang patayin siya habang nakahilata siya sa sahig. Maraming saksak sa iba't-ibang parte ng katawan ang tinamo niya at pinagsisipa at suntok pa siya ng iba.

Nang tumigil na ang mga ito'y tumingin ito kay Miss Laura.

"Magaling-magaling. Mga uto-uto." Tumawa si Miss Laura at may inapakan siyang kahel na buton sa sahig.

Napasigaw ang mga ito nang sabay-sabay itong natuhog sa malaking bakal. Naglabasan ang mga lamang loob nito't umagos ang masaganang dugo sa mga bibig nila. Nakakasuka!

"Kailangang may magbayad nito." Nag-isip siya ng dalawa sa mga estudyante niyang kalahok sa laro.

Kailangan niyang pumili ng dalawa. Dalawa na magiging kabayaran para sa kasalanan ng section na ito na lumabag sa kanya. Nakalabas ng klase nang walang namamatay na isa o dalawang pares. Kahanga-hanga. Ngunit hindi niya nagustuhan ang ginawa ng mga ito. Magiging hadlang lang ito sa plano niya. Inis na inis siya dahil para sa kanya'y pumangit na ang laro.

"Nakapili na ako," aniya at tumawa.



Christopher's POV

Sumilip ako sa pinagtataguan ko at nakita kong palapit na ang bwisit na dalawang Tagakashi. Napamura ako sa inis. Binatukan lang ako ng opposite ko dahil masama daw ang magmura. Tss. Anghel ba siya? Ang bait-bait niya. Nakakaasar.

"Tumahimik ka nga." Tinitigan ko siya ng masama at muling sumilip upang tignan sina Tagakashi.

Nanlaki ang mga mata ko nang mawala sila sa paningin ko. Saan sila nagpunta? Bakit bigla silang nawala? Napaurong ako nang makarinig ng yabag malapit sa kinatatayuan namin ng opposite ko. Masama ito. Mukhang nahanap na nila kami. Napausal ako bigla ng dasal. Wala na akong magagawa ngayon. Hindi ko maliligtas ang sarili ko at ang opposite ko.

"Patawarin mo 'ko," bulong ko habang nakatingin sa kanya. Natawa ako ng bahagya nang makitang umiyak siya. Iyakin.

"Sorry kung ang tanga ko." Tumawa siya habang umiiyak.

Napalunok ako ng kakarampot na laway nang may maramdamang presensya sa likod ko. Pagharap namin ng opposite ko ay bumungad samin silang dalawa. Nakangiti sila. Ngiti na mas lalong nagpapalakas ng kabang nararamdaman ko.

"Paano ba yan? Mukhang katapusan niyo na," nakangising sabi niya habang tinatawanan pa kami ng opposite niya.

"Hindi na kayo kasali sa larong ito. Mga wala kayong utak. Mga duwag!" Tumawa sila ng sabay. Nagbingi-bingihan na lang ako para hindi ako tuluyang mainis.

Isang kakaibang ingay ang aking narinig. Sigurado akong narinig rin nila iyon dahil tila nataranta sila. Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang pinagmumulan nun. Napaatras ako nang makitang magliwanag ang pulang buton sa poses namin ng opposite ko. Ganon rin ang buton sa posas nila.

Napatingin sila samin at nginisian ko lang sila. "B-bakit ganyan ka makangisi?" Bakas ang kaba sa mga mukha nila.

"Dahil hindi lang ako ang tanggal sa larong ito," wika ko.

Pagpikit ko'y dalawang magkasunod na pagsabog ang naganap!

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon