Miss Laura's POV
"Una sa lahat, maraming-maraming salamat dahil napili ninyo ang aming paaralan. Labis-labis ang aking kasiyahan dahil kayo'y napunta rito sa section ko," sandali akong tumigil at tinignan silang lahat, "Ang Section Opposite."
Nang matapos ako sa pagsasalita ay matalim na tumingin ako kina Heather at Krylle na hanggang ngayo'y takot na takot pa rin sa akin. Sigurado akong nangangatog ang mga binti nila sa mga sandaling ito dahil iniinda pa rin nila ang mga sugat na dinulot ko sa mga binti nila. Mga bwisit naman kasi ang dalawang iyon. Sinisira nila ang araw ko.
Napakaganda ng mood ko habang papasok ako dito sa Marcelino University nang masaksihan ko ang pagaaway nila. Tila mga manok sila na nagsasabong. Ang kaibahan nga lang, sa putikan sila nagtutunggalian. Nakakatawa silang pagmasdan. Mga basag-ulo kahit na kababaeng tao.
Sa totoo lang, nagustuhan ko ang ugali nilang iyon. Magagamit ko sila upang mas mapaganda pa ang inimbento kong laro. Isasali ko sila sa mga kalahok dahil qualified sila sa mga hinahanap ko. May naisip rin ako, bakit kaya hindi ko muna sila paglaruan bago ang araw na iyon? Nakakatuwa silang pagmasdan sa tuwing umiiyak at nagmamakaawa sila sa harap ko.
Napatigil ako sa pagiisip nang tanungin ako ng isa sa mga estudyante ko. Katabi niya ang isang babaeng nakasalamin habang may binabasang makapal na libro. Si Iris. Tama. Iyon ang pangalan ng babaeng iyon.
"Maam! Maaari po bang magtanong?" Sabi niya sakin habang nakataas ang kanang kamay niya.
Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Hindi pa ba siya nagtatanong sa lagay na iyan? Katangahan.
Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Nang hindi niya makayanan ang pagtitig ko ay umiwas siya bigla ng tingin ngunit batid kong nasa akin pa rin ang atensyon niya.
"Oo naman. Ano ba ang iyong katanungan?"
Pilit akong ngumiti sa kanilang lahat. Ito sa lahat ang pinaka-ayaw ko. Hindi ako sanay na ngumiti. Puro inis at poot lang ang nararamdaman ko. Kaya naman sa tuwing ginagawa ko ito, naiirita talaga ako. Nakakadagdag pa ang pagngiti nila sakin. Nakakairita talaga.
"Napansin ko lang po kasi na yung mga section po rito sa Marcelino University ay pabaliktad na spelling ng Marcelino. O, N, I, L, E, C, R, A, at M. At yung mga letra po na iyon, ay may mga kahulugan. Opposite, Nobility, , Lucas Emanuelle, Coronel, Raxus, Acrick, at Mordred. Bakit po ba ganon? Bakit ganon po yung mga section? Bakit hindi po A-I, or 1-9?"
Napangisi ako dahil sa katalinuhang ipinakita niya. Sa lahat pa ng mapapansin niya sa paaralang ito ay iyon pa. Mukhang mausisa ang isang ito. Hindi ito maaari. Hindi ko gusto ang ganitong mga klase ng tao. Bukod sa nakakainis sila, baka malaman niya ang sikretong pinanghahawakan ko.
"Mabuti't naitanong mo yan. Ganon ang mga section dito sa Marcelino University dahil iyon ang kagustuhan ng may-ari nito na si Mr. Alfonso Marcelino. Later on, makikilala niyo rin siya. Ang sabi kasi niya'y, masyado na raw pangkaraniwan na ang bawat section ay kung minsan number o kaya letter. Kaya naisip niya, na ang pabaliktad na spelling na lang ng Marcelino ang gawin dito na section. Para maging unique diumano ito sa ibang paaralan. At ang section niyo rito sakin, ang Opposite, ay ang pinaka-mataas sa ibang section. Kumbaga, kung ano yung huling letra sa salitang Marcelino, ay iyon ang pinaka-mataas na section. At kung ano naman yung unang letra sa salitang Marrcelino, ay iyon naman ang pinaka-mababang section," tugon ko sa katanungan niya.
Nagsimula na namang magbulungan ang mga nakakabwisit na estudyante.
"Ganon pala yon."
"Kaya naman pala."
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.