Brix's POV
Hindi ako mapakali. Hindi ako mapalagay. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kakaiba. Tila ba, nasa panganib ako. Pumikit ako at sandaling nanalangin. Pagdilat ko'y lumapit ako sa bintana at pinagmasdan ang kabilugan ng buwan.
"Sana walang mangyaring masama."
Napalingon ako bigla sa pintuan ng kwarto ko nang makarinig ako ng kalabog. Napaisip ako. Sino ang lumilikha nun? Samantalang, ako lang naman ang bukod tanging tao na nandiriro sa bahay namin. Kinikilabutan ako. Hindi kaya, multo ito at tinatakot ako?
Mas lalo pa akong kinabahan nang makarinig naman ako na tila ba may nagtatakbuhan sa loob ng bahay. Hindi na ito tama. May iba pang tao sa bahay namin. Ngunit, sino?
Hindi ko na napigilan pa ang curiosity ko at lumabas na nga ako ng kwarto. Isang kalabog na naman ang aking narinig.
Lumakad ako at tinahak ang daan papuntang hagdanan. Sa palagay ko kasi'y sa may ibaba nanggagaling ang ingay.Pababa na sana ako nang bigla akong makakita ng tao na tumatakbo papunta sa kwarto ng papa ko. Hindi ko nakilala kung sino siya pero parehas kami ng suot. Nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa sobrang kilabot.
Akmang pupunta na sana ako doon upang maliwanagan sa akinh nakita, nang may humampas sa ulo ko nang pagkalakas-lakas gamit-gamit ang isang matigas na bagay.
Mabilis akong nawalawan ng malay at natumba sa sahig. Pagkatapos nun, naramdaman ko na lang na may humihila sakin pabalik sa kwarto ko. Pagkarating naming dalawa roon, ay inihiga niya ako sa kama at ginapusan ang aking dalawang kamay at dalawang mga paa. Naaaninag ko na ang mukha niya. Kaklase ko siya.
"K-kenn..."
"Hindi ba't sinabi sa ating dalawa ni Miss Laura na mag-enjoy tayo sa ating paglalaro? Wala kang kwenta. Nakita kita agad. Katapusan mo na ngayon," sabi niya sa akin kasabay ang isang nakakapangilabot at mala-demonyong pagtawa.
Nginisian lamang niya ako saglit bago niya ako iniwang magisa sa kwarto ko. Ilang minuto ang lumipas at nakaramdam na ako ng antok.
Kenn's POV
Nagmasid-masid ako sa paligid nang medyo manumbalik na ang lakas ko. Napatayo ako bigla nang makita ko sa ikalawang palapag ng bahay ang sarili ko na lumalakad na tila ba may hinahanap. Naguluhan ako bigla.
Sino yung nakita kong kamukha ko?
"A-ako ba yon? T-teka! Naguguluhan ako! May demonyo ba rito?!" Takot na takot na sambit ko habang pinipilit intintidihin kung sino yung nakita ko.
Dahil sa kagustuhan kong malaman kung sino talaga iyon, ay umakyat ako ng ikalawang palapag at sinundan ang kamukha ko na tahimik na naglalakad habang may hawak-hawak na baseball bat. Napansin kong kaliwete siya. Samantalang ako, right handed. Para bang kabaliktaran ko siya. Ewan ko.
Binalot ng kaba ang aking buong katawan. Kailangan hindi niya ako makita. Sinusubukan kong huwag makagawa ng ingay sa bawat paghakbang. Dahil konting pagkakamali lang ay mapapatingin siya sa akin. Mahirap na. Hindi namin maaaring makita ang isa't-isa.
Bigla siyang huminto sa paglalakad. Kinutuban ako bigla. Mukhang alam na yata niya ang ginagawa kong pagsunod. Dahil sa takot na makita niya ako, agad akong naghanap nang mapagtataguan. Kampante naman akong hindi niya ako makikita dahil nasa likod ako ng malaking vase ngayon.
Nang tignan ko siyang muli sa kinatatayuan niya kanina'y nagulumihanan ako. Nasaan na siya? Bakit bigla siyang nawala?
Nakapagtataka.
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Brix na kalalabas lang galing sa isang kwarto. Hindi ko alam kung saang kwarto siya galing. Pwedeng sa kwarto niya o sa kwarto ng isa sa pamilya niya.
"Huli ka ngayon sakin. Mapapaslang na rin kita," nakangising sabi ko bago lumakad ng mabagal papalapit sa kanya.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil walang kaalam-alam si Brix na nasa likuran niya ako. Akala ko pa naman ay magaling siya makiramdam. Mukhang hindi totoo iyon dahil naiisahan ko na siya ngayon.
Mamamatay na siya.
"Sisimulan ko na," bulong ko habang pinupwesto ang hawak kong baril sa likod ng ulo niya.
Ang tanga niya.
Bumilang lamang ako ng isa hanggang tatlo sa aking isip bago pinaputok ang hawak kong baril sa ulo niya. Kitang-kita ko ang pag-agos ng masaganang dugo mula sa ulo niya. Natumba siya at napahiga sa sahig. Ang aking pinagtataka ay ang biglaan niyang paglaho na tila isang bula.
"Hindi ko maintindihan," iyon lang ang tanging nasambit ko.
Parang may mali dito.
Third Person's POV
Akmang hahatawin na sana ng opposite ni Kenn ang tunay na Brix nang bigla itong mamatay pagkatapos magkaroon ng tama ng baril sa ulo. Ikinataka niya iyon at lalong ikinainis. Sapagkat ang nais sana niya'y siya ang tumapos sa buhay nito.
"Sinong pumatay sayo?! Sino?!" Galit na sigaw niya sabay hagis ng hawak-hawak niyang baseball bat sa may sulok.
Nanlisik ang kanyang mga mata. Matalim niyang tinignan ang walang buhay na katawan ng tunay na Brix. Maya-maya'y gumalaw siya at dinampot ang hinagis niyang baseball bat.
May kailangan siyang gawin.
Lumabas na siya ng kwarto na dala-dala ang galit, at pagka-inis. Nagmasid-masid siya sa paligid. Alam niyang may iba pang tao sa loob ng bahay. Hindi siya maaaring magkamali.
Napangisi siya nang makakita ng isang taong nakatayo sa di kalayuan at nakatalikod ito.
Dahan-dahan siyang lumakad papalapit sa taong nakita niya. Ang balak niya ngayon ay hampasin ito sa ulo dahil sa tingin niya'y ito ang dahilan kaya namatay ang bihag niyang si Brix.Ang hindi niya alam, ang taong binabalakan niya ng masama ngayon ay ang tunay na siya. Ang tunay na Kenn. Oras na may mangyari rito na hindi maganda, ay mangyayari rin sa kanya. Dahil, magkakonekta ang buhay nilang dalawa. Iyon ang hindi nila alam na dalawa.
Mga hangal.
Huminto siya sa likuran nito. Lingid sa kaalaman niya, na alam pala nito na nasa likod siya nito. At mukhang may binabalak na rin ito sa kanya na siguradong hindi niya inaasahan.
Ibinibuwelo na niya ang hawak niyang baseball bat. Akmang ihahampas na sana niya ito nang bigla siyang barilin ng sunod-sunod sa kanyang dibdib na naramdaman rin naman ng bumaril sa kanya.
Natumba silang dalawa.
Nanlaki ang mga mata nilang dalawa nang makita ang isa't-isa. Sabay nilang nabitawan ang kanilang mga hawak. Ilang saglit pa, nagsimula na silang manghina. Paunti-unti. Hanggang sa tuluyan na silang namatay at naglaho ang isa sa kanila.
Biglang may dumating.
Dahan-dahang dinampot ng misteryosong tao na iyon ang itim na candy na iniluwa ni Kenn. Kanina rin ay dinampot nito ang itim na candy na iniluwa naman ni Brix.
Ipinasok niya lamang ito sa bulsa sa gilid ng mahabang damit na suot niya pagkatapos ay ngumisi siya.
Kasabay nito, ay ang paglaho niya na parang isang bula.
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.