Mayumi's POV
Napanganga na lang ako nang marating na namin ang cafeteria. Hindi ko talaga inexpect na ganito ang makikita ko. Old fashion school ang Marcelino University kaya naisip ko na baka pangit ang mga facilities nila. Ngunit nang makarating ako dito, kinain ko rin ang mga sinabi ko. Hindi naman pala.
Nagkamali ako. Dapat pala'y hindi ko muna ito hinusgahan agad. Masyado ko na namang pinairal ang pagiging judgemental ko.
Pumukaw ng atensyon ko ay ang magagandang chandelier na nasa itaas ng kisame na nagbibigay liwanag sa buong parte ng cafeteria. Ang dami ring mga kakaibang palamuti na nakapalibot sa buong paligid. Sobrang ganda! Ang sahig nila, yari sa marmol. Mamahalin. Ngunit may isang napaka-laki at napaka-gandang painting akong napansin. Nakasabit ito sa dulong parte ng cafeteria.
Ang painting na iyon ay tila may gustong ipahiwatig o gustong tukuyin. Unang kita ko pa lang dito ay nahiwagaan ako agad kung anong ibig sabihin ng painting. Masyadong misteryoso. Kakaiba ang pagkakagawa at tila espesyal ang painting na iyon dahil ingat na ingat. Mayroon itong lalagyan kaya't kung sakaling mahulog man ito ay hindi ito masisira basta-basta.
Kung titignan mo rin ito'y mukhang wala namang ipinagkaiba iyon sa iba pang painting. Mukha lamang ng isang batang lalaki. Ngunit kung mapapansin mo, kakaiba ang kaliwang parte ng mukha nito. Ibang-iba ang kulay at ang ekspresyon hindi gaya sa kanang parte. Magkaiba.
Iisang tao na magkaiba ang ugali.
"Nandiyan na siya."
Sinundan ko ng tingin ang tinitignan ni Chloe at nakita ko ang isang lalaki na sa tingin ko'y edad trenta. Hindi ito balbas sarado at nakasuot ito ng pormal. Sigurado akong siya ang pinag-uusapan ng mga guro at mga estudyante dito kanina pa. Ang may-ari ng Marcelino University.
Mr. Alfonso Marcelino.
Tahimik lang kaming mga estudyante habang nakaupo sa kanya-kanya naming mga pwesto. Mababakas ang tuwa sa aming mga labi dahil nakaharap namin ang may-ari ng paaralang ito. Ngunit may iilan talagang tila hindi masaya. Hindi ko sigurado kung ayaw ba nila sa taong nasa harapan nila o sadyang hindi nila ito kilala.
May lumapit na isang babaeng guro kay Mr. Marcelino at inabutan siya ng mikropono.
"Magandang araw sa inyong lahat mga mag-aaral. Maligayang pagdating sa Marcelino University. Ako ang may-ari nito, Mr. Alfonso Marcelino. At nais kong ipagbigay-alam sa inyo, na lahat ng handa na nakikita niyo ngayon, ay para sa inyong lahat. Maraming salamat."
Nagpalakpakan ang lahat. Marami ang natuwa dahil sa kabaitang ipinakita ni Mr. Marcelino. Marami rin ang nagbulung-bulungan dahil duda ang mga ito sa kanya. Maging ako'y napapaisip rin.
Mabait ba siya talaga?
Lucy's POV
"Grabe. Ang sosyal ng mga pagkain na ipinahain sa atin ni Mr. Alfonso Marcelino. Ang bait-bait naman niya," nakangiting sabi ni Ivanna habang kumakain ng paborito niyang carbonara.
Nakakairita. Wala akong tiwala sa lalaking iyon. Kaduda-duda rin siya. Parang siya si Miss Laura. Malihim masyado. Sigurado akong may tinatago rin siyang sikreto sa bawat pagngiting ipinapakita niya sa madla. Nakakainis. Pare-parehas lang sila.
Mga hindi katiwa-tiwala.
"Anong problema Lucy? Sino ba yung tinitignan mo diyan?" Tanong sakin ni Miyuki
Napansin yata niyang kanina pa ako palingon-lingon sa paligid. Well, hinahanap ko lang naman ang walang kwenta naming gurong-tagapayo. Gusto kong masigurong nandito siya. Maya-maya kasi'y isasagawa ko na ang plano ko para malaman ko ang tinatagong sikreto niya.
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.