Epilogue

583 10 10
                                    


Nagising si Nicky sa kanyang mahimbing na pagtulog nang makarinig ng malakas na kalabog mula sa labas ng kwarto niya. Hindi siya bumangon agad at baka mahilo siya. Tumingin muna siya sa kisame at ganon na lang ang kaba niya nang may mapuna siyang kakaiba.

"A-ano yon?" nagtataka niyang tanong habang pinagmamasdan ang mga kakaibang simbolo sa kisame.

Lumingon siya sa kanyang kaliwa at nakakita siya ng isang misteryosong tao na nakatayo sa sulok ng kanyang kwarto. Nakasuot ito ng mahabang itim na damit na may hood. Hindi niya ito kilala. Hindi niya rin ito makilala dahil sa dilim sa loob ng kwarto niya.

Sa takot na baka may gawin itong masama sa kanya ay agad siyang bumangon sa pagkakahiga at nagsumiksik sa kabilang sulok. Diretso ang tingin niya sa taong iyon kahit na nangingibabaw ngayon ang labis na kaba sa kanya. Hindi ito gumagalaw. Nakatayo lamang ito doon at sa direksyon niya nakatingin.

Lumakad siya. Sinusundan pa rin siya ng tingin nito. Dinako niya ang kanyang tingin sa pinto ng kwarto niya. Kailangan niyang makalabas doon. Magiging ligtas lang siya oras na makalabas na siya. Iyon ang iniisip niya.

"Kailangan kong makalabas doon. Ngunit, papaano? Baka patayin niya ako." bulong niya habang pasimpleng tumingin sa taong iyon.

Hindi na siya nagatubili pa at dali-dali siyang tumakbo papunta sa pinto. Pipihitin na sana niya ang doorknob nang maramdaman niyang may sinubo sa kanya. Mabilis ang naging pangyayari. Hindi na niya ito nagawang iluwa pa at nalunok niya ito agad. May naramdaman siyang kakaiba sa katawan niya ng mga sandaling iyon. Nang tumingin siya sa kanyang likuran ay muli niyang nakita ang taong iyon na ngayo'y nakangiti sa kanya.

"Simula na." sabi nito na hindi naman niya naintindihan.

Umatras siya ng umatras hanggang sa may mabangga siya sa kanyang likuran. Isang saksak sa tagiliran ang natanggap niya na nasundan pa sa kanyang likod at nagtuloy-tuloy hanggang sa mapadapa siya sa sahig. Tumihaya siya upang malaman kung sino ang hayop na gumawa ng bagay na iyon sa kanya.

Gimbal na gimbal siya nang makita ang sarili niya. Parehas na parehas sila ng hitsura, suot, ayos ng buhok, at tindig. Ngunit hindi siya ito. Ito ang opposite niya na nabuo nang makain niya ang isinubo sa kanya kanina.

"Hayop ka! S-sino ka?!" takot na takot na tanong niya rito.

"Ako na ang papalit sa'yo simula ngayon." ngumisi ito at tinadtad siya ng saksak sa dibdib. Wala na siyang ibang nagawa pa kungdi ang panuorin na lang ang kahayupang ginagawa ng opposite niya sa kanya. Dilat siyang binawian ng kanyang buhay.

"Wala nang lugar sa mundong ito ang mga gaya niyo." wika ng opposite niya habang tuwang-tuwang nakatingin sa malamig niyang bangkay.

Lumapit ang opposite ni Nicky sa misteryosong tao na iyon. Ngumiti siya rito pagkatapos ay lumuhod. Habang nakayuko siya, ay unti-unti nang inalis ng taong iyon ang hood na suot nito. Inangat niya ang ulo niya at nasilayan niya ang mukha ng taong lumikha sa kanya.

"Tumayo ka." utos nito sa kanya. Tumayo siya at tinignan niya ito.

"Sino ka?" tanong niya rito.

Ngumisi muna ito bago sinagot ang tanong niya.

"Ako, si Mr. Celestino."

~ W A K A S ~

-----××----
Note: Para sa mga hindi nakakakilala kay Mr. Celestino, basahin ang story kong "Celestino University." Hahaha!

Maraming salamat sa pagbabasa!

PS. Comment below if you have question/s. *wink*

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon