17. Insects Hole

686 36 39
                                    


Austin's POV

"Bro, saan ba tayo pupunta?"

Tinignan ko lang si Jiro nang tanungin niya ako. Ibig sabihin, wala pala siyang alam sa nangyayari sa klase namin ngayon? Tss.

"Hahanapin natin si Iris," sagot ko sa kanya habang patuloy pa rin sa paglalakad.

Nasa kakahuyan kaming apat ngayon. Nandito kami upang hanapin si Iris. May nakapagsabi saking dito siya pumunta nung uwian. Hindi ko alam kung sino o ano ang pinuntahan niya dito pero sh*t lang kasi kanina pa pabilis ng pabilis sa pagtibok ang puso ko.

Kinakabahan ako.

"Hanggang ngayon, di pa rin nakakauwi si Iris sa kanila. May nakapagsabi sa aming dito daw siya pumunta pagkatapos ng klase. Wala kaming ideya kung anong ipinunta niya dito. Kanina pa ko kinakabahan. Sana lang at ligtas siya," sabi ni Hailey. Palinga-linga siya sa paligid.

"Natatakot ako guys. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito," sabi ni Jiro. Napangisi lang ako. Kalalaking tao nito, takot pumunta sa kakahuyan.

Sinenyasan ko silang tumigil sa paglalakad. May nakita ako. Maraming matalim na sinulid sa aming daraanan. Punong-puno ito ng dugo. Hindi ko alam kung kaninong dugo ito. Ngunit iba ang kutob ko. Ayokong mag-isip ng hindi maganda pero sana hindi kay Iris ang dugo na ito. Mabuti na lang at napansin ko ito agad. Nakamamatay ito. Sigurado ako.

"Guys..."

Nanlaki ang mga mata ni Hailey. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya pero sigurado akong naaamoy rin nila ang mabahong amoy na iyon.
Saan iyon nanggagaling? Parang patay na hayop ang amoy. Ang sangsang. Nasusuka ako ngunit pinipigilan ko lang.

"Naaamoy niyo rin ba?" Tanong ni Clyde. Tumango lang kami.

"S-saan yon nanggagaling? Ang baho," sabi ko sabay takip ng ilong ko.

"Hindi ko alam bro. Amoy patay talaga," sabi pa ni Jiro.

Naglakad-lakad ako sa paligid. Puro dahon lang naman ang nakikita ko. Babalik na sana ako kila Jiro nang may maapakan akong malambot at mumuntikan na akong madulas.

"Pare, anong meron diyan?" Tanong sakin ni Clyde.

"Lumapit kayo dito. Dali." Sinenyasan ko silang lumapit sakin.

Tinuro ko sa kanila ang inaapakan ko. Hinawi namin ang mga naglagasang mga dahon, at laking gulat namin nang makita ang pira-pirasong katawan ni Iris. P-patay na siya. Sigurado akong nabiktima siya ng patibong.

Gulat na gulat kaming apat.

"Aaaaahhhhh!!!" Nasisisigaw sigaw si Hailey at napaatras siya sa kinatatayuan niya. Napalayo rin ako dahil nakaapak pa rin ako sa katawan ni Iris.

"S-s-si Iris... P-p-patay na siya..." Tulalang sabi ni Jiro bago siya biglang mapaluhod dahil sa nakakagulat at nakakapangilabot na natuklasan namin dito sa kakahuyan.

"H-hindi... A-ayoko pang mamatay... Ayokong matulad kay Iris."

Nanginginig na si Hailey. Kitang-kita pa namin ngayon na pinagpi-piyestahan ng mga ibon ang pira-pirasong katawan ni Iris. Hindi ko napigilan ang sarili ko at naluha ako. Kita ko rin sa kanila na nalulungkot sila sa sinapit ng kaibigan namin. Ngunit mas nangingibabaw ang takot sapagkat alam naming nasa paligid lang ang may kagagawan ng patibong na ito.

"Umalis na tayo rito." Pinunasan ko na ang mga luha ko. Wala na ring saysay ang mga ito. Wala na si Iris. Hindi na siya babalik pa.

"Hindi ba natin ito ipaaalam sa iba?" Tanong ni Clyde.

"Sa palagay ko, mukhang kailangan natin itago ang bagay na 'to. Dahil nasa paligid lang natin siya. Sigurado akong pinagmamasdan niya ang bawat galaw natin. Baka tayo ang isunod niya," sabi ni Jiro na ngayo'y nakatayo na.

Nagkatinginan kaming apat. Ano ba talaga ang gagawin namin? Naguguluhan ako. Kailangan namin ng tulong ngunit natatakot ako sa maaaring mangyari samin. May panganib na nakaabang sa bawat paggalaw.

Nakakakaba.



Ethan's POV

"Seryoso ka Ethan?! Pupunta talaga tayo diyan?!" Kinakabahang tanong ni Bianca sakin habang tinuturo ang kakahuyan.

"Oo Bianca. Seryosong-seryoso ako. Walang halong biro. Pupunta talaga tayo diyan," sabi ko sa kanya kasabay ang nakakalokong ngiti.

"Ano Bianca? Sasamahan mo ba ako o hindi?"

"Ang unfair naman! Ba't tayong dalawa lang?!" Iritableng tanong niya.

"Wala naman akong maisama na iba e. Ikaw lang ang pwede. Yung dalawang kaibigan mo sana na sina Mayumi at Chloe. Ang kaso, umuwi agad matapos malaman na wala tayong pasok ngayon dahil may meeting daw yung mga teachers sa Laguna."

Nginitian lamang niya ako. Nagtaka ako bigla. Nagulat ako nang sandaling hatakin niya ako papunta sa kakahuyan. Okay na sana dahil moment na naming dalawa iyon nang biglang humarang sa daraanan namin si Ashlynn.

Ang babaeng iritang-irita kay Jiro.

Ewan ko nga ba sa kanya kung anong meron at ayaw niya kay Jiro. Okay naman si Jiro. Mabait, matalino, gentleman. Manhid nga lang. Haha. Walang kaalam-alam ang Ashlynn na ito na ang taong kinaiinisan niya ay may gusto sa kanya.

Nakakatawa.

"At saan kayo pupunta?" Mataray na tanong niya samin habang tila nakikipaglaro ng patintero.

"Obvious ba? Edi sa kakahuyan! Tabi!" Sabi ni Bianca sabay sagi para makadaan na kaming dalawa. Wala na akong nagawa pa at ngumiti na lang ako sa kanya. Nakita kong nainis naman siya.

Ang babaeng ito talaga.

"Wait! Hintayin niyo ko! Sasama 'ko!" Rinig naming sigaw niya.

Natawa nalang ako nang makitang sinasabayan na niya kami sa pagtakbo.



Third Person's POV

Walang ideya sina Ethan at Bianca kung bakit sumunod si Ashlynn sa kanila. Tila may gusto itong hanapin. Marahil ganon nga. Ngunit sila, ang intensyon nila kaya sila pumunta sa kakahuyan ay upang sundan sina Austin na nakita nilang nagtungo rito kasama ang iba pa nilang kaklase upang hanapin ang nawawalang si Iris.

"Hoy Ashlynn! Bakit ka sumusunod?!" Galit at sigaw na tanong ni Bianca.

"It's none of your business! Freak," sabi ni Ashlynn kasabay ang nakakairitang pagngiti.

Nainis ang dalawa. Ngunit binalewala lamang nila ito. Nahinto silang tatlo pansamantala sa kanilang pagtakbo nang makarinig ng isang nakakatakot na pag-iyak at pagsigaw. Sinundan pa ito ng nakakapangilabot naman na pagtawa. Dahil sa takot, bigla silang nagtatatakbo papunta sa kung saan mang lugar basta hindi nila marinig ang mga iyon.

Napasigaw sila at nanlaki ang mga mata nang sabay-sabay silang mahulog sa isang butas na punong-puno ng mga insekto. Mukhang ordinaryong insekto subalit kumakain ng laman ng tao.

Ramdam na ramdam nila ang sakit habang pinagpe-pyestahan ng mga insektong ito ang katawan nila. Tuloy-tuloy sa pagluha ang mga mata nila habang hindi pa pinupuntirya ng mga ito ang ulo nila.

Nang sandaling puntiryahin na nga ng mga ito ang ulo nila, ay bigla namang dumating sa butas na pinagbagsakan nila ang gurong-tagapayo nila na walang kasing kasama na si Miss Laura.

"Ikaw naman ngayon, Lucy," Sabi nito bago ngumisi.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon