31. Hopeless

395 8 2
                                    


Augustus's POV

Inis na inis pa rin ang opposite ko dahil sa ginawa ko kanina. Hinayaan naming mabuhay si Dorothy. Ganon naman dapat diba? Kung mahal mo ang isang tao, handa mong gawin ang lahat para sa kanya. Handa mo siyang ipagtanggol at protektahan anoman ang mangyari kahit na buhay mo pa ang maging kapalit.

Ngunit tila balewala lang ang mga naging sakripisyo ko. Dahil ang mismong opposite pa ni Dorothy ang pumaslang sa kanya. Hindi talaga ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Mukhang napuno ang opposite niya sa kanya kaya siya nito tinalikuran at pinaslang na lamang.

Nakakainis din ang araw na ito dahil hindi ako nagkaroon ng pagkakataon makausap si Dorothy nang kaming dalawa lang. Ngunit, narinig naman niya siguro ang sinabi ko kanina. Natitiyak kong narinig niya nang sabihin kong mahal ko siya. Napatunayan ko pa iyon nang ipagtanggol ko siya sa opposite kong ang laki ng galit sa kanya.

"Balak mo ba akong patayin diyan sa titig mo?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil kanina pa ako kinikilabutan sa ginagawa niya. Hindi na ako kumportable. Kung kanina'y ayos lang sakin na ganyan ang aura niya, ngayon ay ayoko na. Maging ako'y napapaisip tuloy kung kakampi ko ba siyang talaga. Baka mamaya niyan magulat na lang ako at sinasaksak na niya ako patalikod. Mahirap na.

"Gusto mo bang manalo sa larong 'to?"

Muli niyang napukaw ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. Ano nga ba? Gusto ko nga bang manalo o gusto ko lang maging ligtas hanggang sa matapos ang laro? Naguguluhan rin ako sa gusto ko.

"Siyempre, gusto ko," sabi ko at pinilit na ngumisi sa kanya upang ipakita ang tapang ko.

Napangisi rin siya habang nakatingin pa rin sa mga kaklase ko. Napalunok na lang ako. Wala na talagang atrasan ito. Kailangan kong maisakatuparan ang sinabi ko. Kailangang tuparin ko iyon kung ayaw kong magaya sa pinaka-mamahal kong si Dorothy na tinraydor ng opposite niya.

"Tara na."

Dali-dali kaming lumabas ng opposite ko sa aming pinagtataguan. Pagkakataon na namin ngayon upang kumilos. Mahirap makisabay sa mga naglalaban. Marami pang nakatago sa paligid at naghihintay lang ng pag-atake. Siguro'y ito na ang tamang oras upang maging isa sa kanila.

Ang maging demonyo.

Papaslang ka nang hindi labag sa loob mo dahil may gusto kang mangyari. Kailangan mong manalo sa laro at makaalis sa mala-impyernong paaralan na ito, na nasisiguro kong pagmamay-ari na ni Miss Laura.

Kahit kailan talaga, bwisit ang guro na iyon. Isa lang pala siyang peke sa simula pa lang. Kaya naman pala kakaiba ang pakikitungo niya samin dahil hindi siya ang orihinal na Miss Laura.

Nasaan kaya ang tunay?

Wala akong ideya kung saan niya tinago o binihag ang totoong Miss Laura. Mahirap isipin dahil hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Masyado siyang magaling magpanggap sa harap ng iba. Magaling siyang magkubli sa totoong pagkatao niya.

Kahanga-hanga.

"At sino naman ang balak mong unahin natin sa kanila?" Binigyan ako ng opposite ko ng isang matalim na pagtitig.

Ewan ko ba kung anong naging kaibahan ko sa kanya samantalang tila wala naman siyang ipinagbago sakin. Magkamukha kami. Parehas kaming wala sa mood at... Tama! Mukhang tama ang naiisip ko.

Magaling siya sa martial arts.



Third Person's POV

Patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ni Miss Katarina. Hindi na niya alam kung ano ang maaaring gawin niya. Alam niyang mapanganib oras na lumikha sila ng kahit na anong pagkilos kasama ang mga estudyante niya. Takot na takot siya sa mga maari pang mangyari. Parang hindi yata niya kayang mamatay lahat ng estudyante sa pangangalaga niya.

Kasalanan ko ito. Aniya sa kanyang isip. Wala siyang ibang inisip kungdi ang kapakanan ng mga estudyante niya. Subalit bakit nangyayari ang mga kahindik-hindik na pangyayari na ito sa kanila?

Kailangan may gawin siya.

Pinagtipon-tipon niya ang mga estudyante niya. May nais siyang sabihin sa mga ito. Mga katagang hindi niya nasabi noon sa pangamba na baka balewalain lang.

Kinakabahan pa rin siya.

Hindi pa man siya nakapagsasalita'y nagsimula na siyang maiyak. Bigla siyang napipi nang makita ang mukha ng mga estudyante niyang nawawalan na ng pag-asa. Wala siyang magawang paraan upang iligtas ang mga ito sapagkat maging siya'y nawawala na rin sa kanyang sarili. Gulong-gulo na siya. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman niya na lalong nagpapasidhi ng kanyang kalungkutan.

Wala siyang nasabi at niyakap na lang niya ang mga ito.

"Makakaalis rin tayo rito."

-----××-----

Patuloy sa pagkalabog ang mga estudyante sa Section Lucas habang sinusubukang silipin kung ano na ang kaganapan sa labas. Maaari sana silang sumilip sa bintana ang problema nga lang ay nakasarado ang mga ito mula sa labas.

Gusto na nilang makatakas.

"Tulungan niyo kami!"

"Pakawalan niyo kami rito!"

"Kung sino man ang nakakarinig samin ngayon, palabasin niyo kami dito!"

Tulala ang gurong-tagapayong si Mr. Concepcion habang nakikita ang kalagayan ng mga estudyante niya. Wala rin siyang magawa upang iligtas ang mga ito. Sising-sisi siya na sa Marcelino University pa niya napiling magturo. Maling-mali na nagpadala siya dahil sa pera. Ngunit ang hindi niya alam ay hindi naman ang may-ari na si Mr. Alfonso Marcelino ang may pakana nito kungdi ang kapwa niya guro na si Miss Laura.

Lahat sila'y walang alam tungkol rito.

"Tumigil na kayo pakiusap." Hindi na niya napigilan ang sarili at naiyak.

Natuon ang atensyon ng lahat ng estudyante niya sa kanya. Tumahimik ang paligid at ilang saglit pa'y nagtakbuhan ang mga ito papalapit sa kanya at niyakap siya.

Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya dahil sa ginawang pagyakap ng mga ito sa kanya. Hindi siya makapaniwalang mahal rin siya ng mga ito... bilang isang guro.

Palagi na lang kasi sakit ng ulo ang binibigay ng mga ito sa kanya. Ngunit kahit na ganon ay pinagtutuunan pa rin niya ito ng pansin dahil mahal niya ang mga ito. Mahal niya ang trabaho niya. Wala siyang ibang hangad kungdi ang maging maganda ang buhay ng mga estudyante niya. Pilit niyang didiretsuhin ang mga balikong landas ng mga ito. Kahit na mahirapan pa siya at bastusin siya ng mga ito.

Wala siyang pakialam.

"Patawarin niyo po kami."

"Magpapakabait na po kami."

"Sorry sir sa lahat."

Pinagmasdan niya isa-isa ang mga estudyante niya. Bakas sa mga mukha nito ang labis na lungkot. Marami ang umiiyak at marami rin ang nagpipigil ng iyak. Napangiti na lang siya. Nakasisiguro siyang nagsisisi na nga ang mga ito sa kung anomang ginawa nito sa kanya. Nagagalak siyang nagbago na nga ang mga ito.

"Salamat sa inyo," wika niya habang patuloy sa pagpunas ng rumaragasang luha.

Dalangin niya'y bumalik na sa dati ang lahat.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon