Austin's POV
Napahalakhak lang ako nang tumambad sakin si Kyle at ang opposite niya. Alam na alam ko na kung anong pag-uugali ng isang 'to. Madaling paamuhin at mukhang tatanga-tanga. Magkamukhang-magkamukha ngunit magkaibang-magkaiba. Mabuti na lang talaga at hindi ganon ang kinalabasan ng kabaliktaran ko. Masama ito at talaga namang, nakakapangilabot. Siya ang pumatay kay Ivanna. Ngunit ako ang pumatay kay Jiro kanina nang ikulong namin siya sa silid na iyon.
Hindi maalis sa memorya ko ang eksenang iyon kanina. Pinagpira-piraso ko ang katawan niya gamit ang chainsaw. Bigla kong nagustuhang pumatay. Sabik na sabik ako makakita ng dugo at tuwang-tuwa ako kapag nakikitang nahihirapan ang iba. Ngayon ko lang naramdaman ito. Tila nilamon na nga ako ng kadiliman. Pawang mga kasamaan na lang ang nasa isip ko hanggang sa mga sandaling ito.
Kailangan ko ito hanggang sa ako na lang ang matira. Ako ang mananalo sa laro. Ako ang makakalabas sa bwisit na paaralan na ito. Magsisimula ako ng panibagong buhay at ibabaon ko lahat sa limot ang nangyari sa araw na ito. Kung papaano ako naging isang halimaw. Kung papaano namatay ang mga kaklase ko. Kung papaano kami namanipula ni Miss Laura.
At kung paano ako nakaligtas ng buhay dahil sa kademonyohang pinairal ko.
"Patayin mo na ako." Napangisi ako sa sinabi niya. Mukhang nagmamadali yata siya at gusto na niyang makasama ang namayapa niyang girlfriend na si Marga.
"Ikaw, gusto mo na ba?" Tanong ng opposite ko sa opposite niya. Umiling-iling ito at napatawa na naman kaming dalawa.
Nakakatuwa talaga sila. Tama nga ako. Duwag itong isa. Palagi namang may ganon sa bawat pares e. Halos lahat yata ng kalahok sa larong ito'y may kasamang tanga at duwag. Pag-uugali ng mga taong walang diskarte. Puro puso ang pinapairal. Akala mo naman makakalabas sila gamit ang lecheng puso na 'yan. Ang kailangan sa larong 'to, utak! Dapat matalino ka at alam mo kung sino ang kalaban sa hindi. Kung sino ang dapat at hindi dapat pagkatiwalaan. Bawal ang bobo. Hindi ka makakaligtas kung kapakanan ng iba ang iniisip mo bago ang sarili mo.
"Ayoko! Ayoko pang mamatay." Tinapat ko ang mukha ko sa mga mukha nila. Napapikit ako nang duraan ako ng isa. Tinitigan ko ito ng matalim pagkatapos ay sinapak. Kadiri.
"Tss. Tapusin niyo na lang kami, pwede ba? Nakakainip na dito." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at may binulong ako sa kanya.
"Kung ganon, sisimulan ko na," wika ko sabay saksak ng hawak kong kutsilyo sa tiyan niya. Napasigaw silang dalawa dahil sa sakit. Tumayo ako at pinagmasdan namin sila ng opposite ko.
Nagkatinginan kami at mukhang alam ko na ang gusto niya.
Lumakad siya't kinuha ang palakol sa sulok ng silid. Ngumisi siya na labis kong ikinatakot. Hindi samin nakatuon ang atensyon ng dalawa. Patuloy lang sila sa pag-iyak habang sinusubukang kapain ang duguan nilang tiyan.
"Yan ba talaga ang gusto mong gawin sa kanila?" Pagtatanong ko. Baka kasi'y may naiisip pa siyang iba upang maging kaenga-enganyo itong pagpaslang namin. Masyadong nakakabagot e, walang thrill at walang twist.
'Yon ang hinahanap ko.
"Sigurado na ako." Binuwelo na niya ang hawak niyang palakol. Biglang napatingin samin ang dalawa at gulat na gulat sila. Sigaw ng sigaw ang isa habang ang isa'y nakapikit at mukhang nananalangin na makaligtas sila. Kaya lang, sa kasamaang palad, wala nang magliligtas sa kanila. Dito na sila lalagutan ng hininga at dito sa silid na ito mabubulok ang katawan ng isa sa kanila.
"Gawin mo na." Ngumisi ako at mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin.
Pinugutan niya ng ulo ang dalawa.
"Who's next?" Dinig kong bulong niya at sabay kaming tumawa.
Clyde's POV
Labis na pagkahilo ang naramdaman ko nang magising ako. Napahawak ako sa ulo ko dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang paghampas na ginawa ni Dorothy. Napatumba niya ako. Hindi ko inaasahan na matatalo ako ng isang babaeng tulad niya. Pambihira.
Lumingon ako sa gawing kaliwa ko't nakita ko ang opposite ko na walang malay. Inalog-alog ko siya at papungas pungas siya nang magising.
"N-nasaan tayo?" Tanong niya sakin. Palinga-linga siya sa paligid na tila ba may hinahanap. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong nasa likod pala kami ng Marcelino University. Papaano kami napunta dito? Si Dorothy ba ang nagdala samin dito? Kung siya nga, nasaan siya? Bakit hindi ko siya makita?
Bumangon kami mula sa pagkakahiga at pinakiramdaman ang paligid. Alam kong may nakatingin samin. May mga matang kanina pa kami pinagmamasdan mula sa di kalayuan. Napaatras ako dahil doon at hindi sinasadyang may naapakan akong malambot. Tumalikod ako upang alamin kung ano 'yon at ganon na lang ang tuwa ko sa nakita ko. Ang babaeng humampas sa ulo ko at papatayin sana ako, siya pa ang namatay.
"Kita mo nga naman..." Ngumisi ako habang iniikutan namin ang bangkay niya.
"Poor Dorothy," sabi ng opposite ko at sabay kaming tumawa.
"Siya pa ang namatay, bravo!" Pumalakpak ako na sinabayan ko ng pagsayaw. Nakigaya ang opposite ko. Masaya kami dahil konti na lang, makakalabas na rin kami dito.
"Masaya bang makipaglaro?" Natigilan ako nang makarinig ng boses sa likod ko. Huminto rin ang opposite ko at sigurado akong maging siya'y kinakabahan na rin sa mga sandaling ito.
"C-chloe..." Banggit ko nang pumunta siya sa harap ko. Nakayuko ang isa habang ang isa nama'y matalim na nakatitig sakin. Parang gusto niyang durugin ang ulo ko o di kaya'y dukutin ang mga mata ko. Nakakatakot siya! Hindi siya ang Chloe na kilala ko.
"Kamusta, Clyde?" Napalunok ako sa pagngising iyon. Tila nakahanap na ako ng magiging katapat ko. Katapat na mas lalong magpapasaya sa larong ito.
"C-chloe? Ikaw ba talaga yan?" Tanong ng opposite ko. Tinitigan ko lang siya ng matalim para tumigil siya. Hindi niya pwedeng inisin ang isang ito. Agresibo ito at punong-puno ng galit ang mga mata. Anomang sandali ay maaari niya kaming patayin nang wala kaming kalaban-laban.
"Yes, this is me," sabi pa nito samin bago ngumisi at nakakalokong tumawa.
"Demonyita ka pala," bulong ko.
Mukhang mapapalaban ako ng husto sa isang 'to.
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horor"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.