Mayumi's POV
Masaya ang kwentuhan namin nina Chloe at Bianca habang tinatahak ang huling daan patungo sa Marcelino University. Ewan ko nga ba kung bakit sa kabila ng sayang nakikita ko sa bawat isa sa amin ay hindi maalis ang kabang matagal ko nang nararamdaman. Hinahaluan pa ito ng labis na takot na nagiging dahilan ng pagiging magugulatin ko minsan. Nakakabiglang nagbago na ako simula ng mag-aral ako sa paaralan na ito. Ang daming nagbago sakin. Ang daming nangyayaring kakaiba sakin. At nakasisiguro akong ganon rin ang nangyayari sa iba ko pang kamag-aral.
"Alam niyo ba girls, yung dalawang estudyante ng Section Opposite, sabay namatay kagabi."
"Talaga? Grabe. Sunod-sunod na namamatay ang mga estudyante sa section na iyon. Una yung Miyuki. Tapos kagabi, may dalawa na naman. Pambihira. Sino naman kaya ang may gawa niyan?"
"Sino yung dalawang namatay kagabi?"
"Yung John Carl Young daw. Tapos, yung Sapphire Spencer."
"Ano namang ikinamatay ng dalawang yon?"
"Yung John Carl Young daw, namatay dahil sa lason. Yung Sapphire naman, namatay daw dahil sa sugat sa gilid ng ulo. Parang tinusok raw ng stick. At hindi lang yon. Dahil, yung pamilya raw nung Sapphire, patay lahat. Walang natira. Ultimo yung nakababatang kapatid na Nichole yung pangalan, walang kaawa-awang pinakain nung pamatay sa ipis. Grabe. Nakakaawa talaga."
Natigilan kaming tatlo sa paglalakad nang marinig ang usapan ng ilang mga estudyante na kasabayan namin. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Totoo kaya? Totoo kayang may dalawa na namang namatay sa section namin? Bakit ganon? Bakit nangyayari sa section namin 'to? At sinong may pakana ng lahat ng ito?
Napaka-demonyo niya!
Nagkatinginan kami kasabay ang pagtulo ng luha sa aming mga mata. Mabilis na nawala sa paningin namin ang mga estudyanteng 'yon. May itatanong sana ako sa kanila kaso nagbago bigla ang isip ko. Hindi nila alam na galing kami sa Section Opposite. Mas mabuti. Dahil baka sa susunod, kami na ang pinag-uusapan nila.
Ayaw naman naming mangyari 'yon.
"A-ano ba itong nangyayari sa section natin? Bakit isa-isang namamatay ang mga kaklase natin?" Umiyak si Chloe at yumakap sakin.
"Hindi ko alam. Takot na takot ako. Ayoko pang mamatay," takot na sabi ni Bianca bago humawak sa braso ko. Patuloy pa rin kami sa pag-iyak at pinagtitinginan na kami ngayon ng ibang mga estudyante.
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. "Kailangan nating alamin kung sino ang may pakana nito. Hindi pe-pweddeng magtuloy-tuloy 'to. Dahil baka sa susunod, tayo na ang pinag-uusapan nila." Niyakap ko silang dalawa.
Jiro's POV
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa damuhan. Nakakabagot na dito. Wala akong makausap. Nakakasawa rin ang mukha ng mga estudyanteng nakikita ko. Nakakaumay lang. Mas gusto ko pa ang nakikita ko sa klase namin. Ang babaeng iyon, gusto ko siya.
Saktong pagkatayo ko, muli akong napaupo. Napamura ako ng malutong dahil sa inis habang inaalam kung sino ang may gawa sakin ng bagay na iyon. Halatang sinadya niyang matumba ako. Sinagi niya pa ako ng siko niya kaya naman medyo sumakit ang dibdib ko.
"Ooops! Sorry!"
Pinagmasdan ko ang babaeng nakabangga sakin. Nakakainis ang pagngiting ginagawa niya subalit tila walang epekto sakin. Mistula akong naging anghel nang makita ko siya. Bakit ba hindi ko magawang mainis sa babaeng ito?
Gusto ko siyang sabihan ng masasakit pero mukhang hindi eepekto 'yon. Ang saya ng aura ko. Natumba na nga niya ako pero ang feeling ko para sa kanya, walang galit o inis man lang. Naisip ko rin, kung papatulan ko siguro siya baka sabihan pa akong bakla.
Tss.
"Ashlynn," bulong ko na sinabayan ng ngiti.
Gusto ko talaga siya.
"Anong sabi mo? Pakiulit nga?"
Hindi ako tumugon sa tanong niya. Hanggang sa makarinig ako ng mga boses. Boses nila Austin 'yon. Mukhang may binabalak na naman ang mga loko. Mga siraulo talaga. Hindi sila makaalis ng hindi ako kasama.
Pambihira.
Tinaas ko ang ulo ko at lumingon-lingon sa paligid upang hanapin sila. Nakita ko silang kumakaway-kaway sakin. Sina Austin, Hailey, at Clyde.
Ang saya-saya nila.
Tumayo na ako. Isinukbit ko ang bag ko at nakakalokong ngumiti kay Ashlynn. Iinisin ko muna siya para hindi niya ko makalimutan. Haha. Sana lang talaga. Magkikita naman ulit kami mamaya.
Makakasama ko rin siya.
"Hey! Saan ka pupunta?! Bumalik ka dito! Hindi pa ko tapos sa'yo!" Hindi ko pinansin si Ashlynn at tumakbo na ako papunta kina Austin.
Babalikan kita, Ashlynn.
Thara's POV
Kinikilig ako habang tinitingnan sa cellphone ko ang mga luma kong picture noong cheerdancer ako sa dati kong university. Hindi ko makalimutan ang mga araw na yon. Dahil doon ako masaya. At nang dahil sa pagsali ko doon, nagkaroon ako ng mga kaibigan. Dumami rin ang nakakakilala sakin. Naging sikat ako. Ngunit nawala rin ang lahat ng yon dahil nainjured ang kaliwang paa ko. Magmula nun, hindi na ako nakasali pa ng cheerdance.
Nakakamiss talaga.
Paakyat ako ngayon ng rooftop ng Marcelino University. Habang paakyat, may nararamdaman ako na hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko may mangyayari sa akin na hindi maganda. Pakiramdam ko may mga matang nakatingin sakin.
Natatakot ako.
Nang makarating na ako, tiningnan ko ang magandang view mula sa itaas. Ang simoy ng hangin, napaka-sarap damhin. Para ka nitong dinadala sa alapaap. Para bang, nasa himpapawid ka at malayang lumilipad. Ganoon ang pakiramdam ko sa mga sandaling ito.
Tila dahong nakalutang sa hangin.
"Siguro naman.... Maaari ko pa ring gawin yon," sabi ko sabay tingin sa ibaba.
Grabe. Napaka-taas. Nakakalula. Limang palapag ang paaralan namin. Naiimagine ko lang kung sakaling may mahuhulog rito'y wala nang kasiguraduhan kung makakaligtas. Imposibleng mabuhay ka pa sa ganito kataas. Bali-bali na ang katawan mo oras na madama mo na ang lupa.
Muli kong tinignan ang cellphone ko tsaka ngumiti. Ibinalik ko na ito sa loob ng bag at inilapag muna ito pansamantala. Susubukan ko kung kaya ko pa bang gawin ang mga bagay na ginagawa ko dati. Namimiss ko na maging isang cheerdancer.
Tumuntong ako sa pasamano. "I'm back," nakangiting sabi ko. Tumingin ako saglit sa kawalan bago sinimulan ang gagawin ko.
Ang pagchi-cheer.
"Give me a T! Give me H! Give me a A! Give me a R! Give me a A!" Tinataas-taas ko pa ang kamay ko na sinasabayan pa ng pagtaas ng pa.
Walang humpay ang saya ko habang isinasagawa ko ito sa pasamano. Pero sa kabilang banda, natatakot ako. Dahil isang maling galaw lang ay ikamamatay ko. Mahuhulog ako mula rito paibaba ng paaralan na ito. Natatakot ako. Ngunit kailangan ko munang isantabi ito dahil gusto kong ibalik ang dati.
Ang dating si Thara.
Third Person's POV
Habang abala si Thara sa pagchi-cheer, hindi niya napapansin na unti-unti na palang lumalapit ang opposite niya sa kanya. At mukhang may binabalak ito na hindi maganda sa kanya.
"Pagchi-cheer? Kinaiinisan ko yan. Yan ang pinaka-ayaw ko sa lahat," sabi nito habang palapit sa kanya.
Huminto ito sa likod niya.
"Paalam, kawawang cheerleader," nakangiting sabi nito sa kanya bago siya itulak.
Katapusan na kaya ni Thara?

BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.