Krylle's POV
Napapitlag ako nang makitang pasugod na sakin ang dalawang Hailey. Naalerto ako bigla maging ang opposite ko. Napaatras kami at agad na nailagan ang pag-atake ng dalawa. Kinabahan ako na labis kong ikinainis. Hindi ako dapat matakot sa kanila. Matagal na akong masama ngunit tinalikuran ko na iyon. At ngayon, mukhang kailangan ko na namang ibalik ang kamalditahan ko.
Papatayin ko sila.
"Mamamatay ka na, Krylle." Nginisian ko lang sila at kita kong napikon sila sa ginawa kong iyon. Natawa lang ang opposite ko. Tinitigan ko lang siya ng matalim bago muling ituon ang atensyon ko sa katunggali namin.
"Mga bruha," bulong ko at mahinang tumawa.
Kami naman ngayon ng opposite ko ang sumugod. Habang hawak ang mga weapon o kagamitan na gagamitin namin, hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Dahil nakasisiguro na akong mamamatay ang dalawang Hailey na ito. Dahil sa taglay nilang kahinaan at katangahan na rin.
"Magbabayad ka!" Sigaw ko at inatake silang dalawa. Nasalag nila ang pag-atake ko ngunit hindi ang kabaliktaran ko.
Sinaksak nito sila sa tagiliran. Sabay silang napasigaw sa sakit lalo pa't paulit-ulit ang ginawang pagsaksak ng opposite ko. Nang mapansin kong nanghina sila'y sabay ko silang sinipa sa tiyan at natumba sila. Hinawakan ko ang opposite ko sa braso upang huminto muna siya. Ngayon, ako naman. Ibabalik ko na ang Krylle na kinatatakutan nilang lahat.
Nakakaloko akong ngumiti sa dalawa habang nakahiga sila sa lupa. Nabitawan nila ang hawak nilang katana at sibat. Nakakatawa silang pagmasdan. Mga wala na silang silbi ngayon. Mamamatay na rin sila gaya ng iba naming kaklase. Mapalad siya dahil ako ang papaslang sa kanya. Siya ang kauna-unahan kong mapapatay sa larong ito na inimbento ni Miss Laura. Mabuti na lang talaga kanina at mabilis akong nakapagtago. Ni hindi nila ako napansin.
Pinapanuod ko lamang sila habang nakikipaglaban sa bawat isa. Ayoko muna sumali ng mga sandaling iyon dahil ang dami pa nila. Ngayong konti na lang, siguro naman may tiyansa na akong manalo at makalabas sa bwisit na paaralan na ito.
"Ako na tatapos nito." Sabay tingin sa opposite ko. Nakangisi na rin siya gaya ko at mukhang hinihintay na niya ang gagawin ko.
"Mabuti naman," maarte niyang sabi sakin at inirapan ako. Psh. Naitirik ko tuloy bigla ang mga mata ko. Nakakainis. Ang arte-arte niya. Ibang-iba talaga siya sakin.
Lumuhod ako't tinawanan ang dalawa. Nilaro-laro ko ang dulo ng buhok nila habang dinadampi ang hawak kong patalim. Nahintatakutan sila sa tingin ko dahil sabay silang napalunok ng kakarampot na laway. Nagkatinginan sila at may awa sa mga tingin nilang iyon. Tila nagpapaalam na sila sa isa't-isa. Napangisi tuloy ako bigla. Matalino rin pala ang mga ito. Alam na nila kung anong kasunod nito.
Kamatayan.
Mabilis kong tinusok ng punyal ang lalamunan ng isa sa kanila. Kahit naman sinong saktan ko'y parehas silang maaapektuhan. Halakhak ako ng halakhak habang nakikitang nasasaktan sila. Nakangiti lang ang opposite ko nang tingnan ko siya. Patuloy lang sila sa pag-iyak. Parang mga bata. Walang hinto.
Nasiyahan ako kaya tinuloy ko pa ang gagawin ko. Ang nakatusok na punyal sa lalamunan ay pinababa ko sa dibdib niya. Nang marating ang tiyan ay walang awa ko itong pinagsasaksak. Hindi ko na mabilang sa sobrang dami. Basang-basa na ng dugo ang mukha ko ngunit tuloy pa rin ako. Huminto lang ako nang maglaho na parang bula ang isa sa kanila. Ibig sabihin non ay patay na siya.
Patay na si Hailey.
"Bakit mo ginalingan?" Tanong sakin ng opposite ko. Natawa lang ako sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng lalaking nakatayo sa likod niya. Napahawak ako sa leeg ko nang sandaling sakalin ng lalaking iyon ang opposite ko gamit ang kadena. Parehas kami ngayong hindi makahinga.
Ganon na lamang ang pagkagimbal ko nang makita ang mukha ng lalaking iyon. Hindi talaga ako makapaniwalang magagawa niya sakin ito.
"I-i-iñigo..."
Shanna's POV
Kinilabutan ako nang husto nang makita ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Si Augustus. Ibang-iba siya sa Augustus na kilala ko. Hindi siya mukhang mabait sa mga sandaling ito. Natawa ako sa isip ko. Bakit, mabait ba ako? Hindi rin naman. Maraming bagay na akong nagawa na hindi nila alam. Maraming-marami. Mga bagay na ako lang ang nakakaalam.
"Handa ka na?" Tanong ng isa sa kanila. Ang hirap tukuyin kung sino ang opposite at original. Parehas na parehas. Ang isa'y may hawak na sumpak habang ang isa'y may... fourfinger? Tss. Mapapatay ba niya kami gamit ang yan? Tsk. Ang bobo. Hindi nag-iisip.
"Haha, I know what you're thinking." Ngumisi ang loko. Matatakot na ba ako? Well, walang talab sakin yang ngisi niyang iyan. Hindi ako takot dahil alam ko namang hindi siya marunong makipaglaban.
"Both of you, you're both tanga. Ang co-corny ng weapons niyo," pang-iinis ko at tumawa. Nakisabay naman itong opposite ko kaya hindi ako nagmukhang tanga sa harapan nila.
"Tss. Baka 'yang sa'yo ang tinutukoy mo?" Nginuso niya ang hawak kong mga blades. Tinawanan ko lang siya.
"Seryoso ka ba? 'Yang sa inyo ang luluma!" Sabi pa ng opposite ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang magkaroon siya ng tama ng sumapak sa leeg na hindi ko namalayan. Sobrang bilis. Nakaramdam ako ng hilo pagkatapos non. Parehas kami.
Nanghina kami bigla. Napalunok ako. Delikado ito!"Ngayon, tanggal na rin kayo sa laro." Kinilabutan ako ng husto sa sinabi ng isa sa kanila. Nakalapit na agad sila samin. Wala kaming magawa ng opposite ko. Hinang-hina kami. Parang may lason ang bala ng sumpak na iyon. Sigurado ako. Nalalason kami sa mga sandaling ito.
Nabitawan namin ng opposite ko ang mga hawak namin at sabay kaming natumba at napahiga sa may lupa. Magkatabi kami.
Napadako ang tingin ko sa kanila. Naguunat-unat ang isa sa kanila ng buto na labis kong ikinatakot. Napausal ako bigla ng dasal sa aking isip. Hindi na maganda ang pakiramdam ko. Nasa bingit na kami ng kamatayan.
Pumikit ako saglit. Pagkadilat ko'y nagulat ako nang nakangiti silang dalawa ng nakakaloko sakin. Mga demonyong ngiti na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag alam mo nang katapusan mo na. Hindi mo maipaliwanag. Halo-halong emosyon ang nararamdaman mo.
"Sweetdreams, sweetheart." Lumuhod ang isa sa kanila na may suot na fourfinger. Nangilabot ako ng husto nang panlisikan niya ako ng mata.
Ibinuwelo niya ang kaliwang kamay niya. Alam ko na kung anong magiging kasunod non kaya't pumikit ako. Maya-maya'y naramdaman kong inumpisahan na niya... sa mukha ko. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo at pagkadurog ng mukha ko. Narinig ko pang nagsalita ang isa sa kanila bago ako tuluyang lagutan ng hininga.
"Ngayon, hindi na siya kilala."
BINABASA MO ANG
The Opposite
Terror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.