24. The Day

635 21 40
                                    


Augustus's POV

Nakangiti lang ako habang inaayusan ang aking sarili sa harapan ng isang patayong salamin na matatagpuan sa loob ng aking kwarto. Maaga akong nagising at hindi ko maipaliwanag kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko. Kakaiba sa mga nagdaang mga araw na puro nalang kaba at takot.

Ngayong araw na ito ang pinaka-hihintay ko. Ngayon na ang araw kung saan aamin na ako ng aking nararamdaman sa babaeng gusto ko. Si Dorothy. Sa totoo lang, matagal na akong may gusto sa kanya. Palagi lang akong nauunahan ng hiya at katorpehan kaya hanggang ngayon, hindi ko pa rin nasasabi sa kanya itong nararamdaman ko.

Noong first year high school ko pa siya nakilala. Nakilala ko siya dahil sa bestfriend niyang si Kei na tropa ko naman. Simula nun, palagi ko na siyang sinusulyapan sa klase nila. Naging magkaibigan rin kami pero hindi kami malapit sa isa't-isa. Nahihiya kasi talaga ako kapag malapit na ako sa kanya. Ewan ko ba. Ganon lang talaga siguro kapag gusto mo ang isang tao.

Bigla tuloy sumagi sa isipan ko ang ginawa kong paghalik sa kanya. Kahit ako, hindi ko inasahang gagawin ko iyon. Siguro dahil na rin sa nararamdaman kong hindi mailabas kaya ko naudyukang halikan siya. Siguro naman ngayon may ideya na siya kung bakit palagi akong nakatingin sa kanya. Kung bakit hindi ko pa rin binubura sa cellphone ko ang picture naming dalawa. At kung bakit hindi pa rin ako nagkakaroon ng girlfriend hanggang ngayon.

Siya lang ang gusto ko, wala nang iba pa.

"Dorothy, mahal kita. Matagal ko na sanang gustong sabihin sa'yo 'to kaya lang, palagi kasi akong natotorpe kapag kaharap na kita. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob para kausapin ka at sabihin sayo itong nararamdaman ko. Baka kasi maging huli na ang lahat para sa ating dalawa."

Kinindatan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Muling inayos ko ang aking buhok at inamoy pa ang aking hininga. Hindi na masama. Nagmouthwash ako kaya mabango ang hininga ko. Sana lang at hindi na ako matorpe kay Dorothy kapag kinausap ko na siya mamaya.

Isinukbit ko na ang aking bag sa aking balikat at lumabas na ako ng kwarto

Ang tahimik. Parang may hindi tama. Usually kasi kapag ganitong oras kinakalabog ni ate Lucy ang pinto ng kwarto ko. Naisip ko, siguro nauna na siya pumasok kaya ang tahimik na dito sa bahay.

Marahil ganon nga.

Nang sandaling makababa na ako ay madali 'kong pumunta sa kusina upang makapag-handa ng aking makakain. Mahuhuli ako kung sakaling magluluto pa ako kaya naman gumawa na lang ako ng sandwich. Dalawa. Ang isa'y kinain ko habang ang isa'y nilagay ko sa loob ng bag ko. Baka gutumin ako sa klase. Mahirap na.

Inilapag ko muna saglit ang bag ko sa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ay kumuha ako ng malamig na tubig sa ref na maiinom. Magtitimpla sana ako ng kape kaso baka masira ang labi ko. Hindi pwede. Kailangan maging kissable ang lips ko kapag nagkita kami ni Dorothy.

Gusto ko na siyang makita.

Isinukbit kong muli ang bag ko at nagmadaling lumabas ng bahay namin. Isang masangsang na amoy ang sumalubong sakin. Hindi ko alam kung saan yon nanggagaling. Nakakasuka ang amoy.

Amoy patay.

Hindi ko na inalam pa kung saan galing ang nakakasukang amoy na iyon at dire-diretso akong naglakad palabas ng gate.

Papunta na ako, Dorothy.



Krylle's POV

Hingal na hingal na kami ni Heather habang tumatakbo palayo sa maliit na bahay kung saan kami binihag ng walanghiyang gurong-tagapayo namin na si Miss Laura.

Sa ngayon, ang tanging nasa isip namin ay ang makalayo, makatakas, makahingi ng tulong. Nang sa gayon, ay makaligtas na kami at magbayad na si Miss Laura sa ginawa nito sa aming kasamaan maging sa iba pa naming kaklase.

Dapat masabi namin sa mga kaklase namin ang nalalaman namin. Dapat masabi namin sa kanila ngayon na mismo. Tama. Dahil kung hindi namin gagawin iyon, baka maging katapusan na nilang lahat.

Nang makalabas na kaming dalawa ng kakahuyan, nakita ko na ang daanan. Nagmasid-masid kami sa paligid at nakita naming malapit na kami sa Marcelino University. Napangiti kami parehas ni Heather at nagkatinginan, nang makita naming nagkakatipon doon ang mga kaklase namin sa may bandang gate.

"Tara, bilisan natin," sabi ko kay Heather at tumango naman siya.

Tumakbo kami palapit sa mga kaklase namin. Narinig naman nila ang mga yabag namin kaya napatingin silang lahat sa direksyon namin. Huminto kami sa harapan nila na hingal na hingal. Takang-taka naman sila nang makita nila ang dungisan naming mukha at suot.

"G-guys..." Si Heather ang unang nagsalita. Hinihingal pa rin siya. Tinignan niya isa-isa ang mga kaklase namin.

"M-makinig kayong lahat s-saming dalawa... M-may kailangan kayong malaman tungkol kay Miss Laura," sambit ko naman. Kumunot ang mga noo nila sa narinig. Nagkatinginan rin sila.

"Bago yan. Pwede ba naming matanong kung bakit kayo ganyan kadumi?" Tanong ni Jiro samin habang pinagmamasdan kami mula ulo hanggang paa.

Ang dungis namin. Marumi ang uniporme at ang gulo ng buhok. May mangilan-ngilang putik sa aming mga binti at mukha. May kaunting sugat sa tuhod at nakapaa. Mapagkakamalan kaming pulubi sa kalagayan namin ngayon. Naaawa ako sa aming dalawa ni Heather. Ilang araw lang kami sa bahay ni Miss Laura ngunit parang ang tagal niya kaming ikinulong.

"Tsaka bakit nga pala hindi namin kayo nakita? Saan ba kayo nagpunta?" Tanong naman ni Mayumi. Lumingon ito sa kaliwa niya kung nasaan si Chloe.

"Yung iba? Nakita niyo ba?" Sabi naman ni Chloe. Nanlalaki ang mga mata niya na tila ba may kung sinong hinahanap.

"H-hindi. Kami lang dalawa ang magkasama. Ayokong sabihin 'to ngunit mukhang patay na ang mga nawawala." Napayuko ako sa sinabi ko.

Ayokong maiyak. Wala akong sapat na ebidensya sa sanasabi ko ngunit iyon kasi ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Kung sino lang ang mga nandito, sila na lang ang natitira. Kami. Kami na lang ang natitira. Ang mga kaklase naming nawawala ay natitiyak kong wala na. Namaalam na sila. Maaring tinapos na sila ni Miss Laura.

"Hindi na mahalaga ang mga yan. May kailangan kayong malaman tungkol sa gurong-tagapayo natin," sambit ni Heather na siyang nagpaangat sa ulo ko. Sa kanya na nakatuon ang atensyon ng lahat.

"Ano ba kasi yon? Sabihin mo na Heather nang malaman na namin," sabi ni Dorothy.

"Alam niyo kasi... Kaya kami ganito karumi ngayon kasi dinukot kami ni Miss Laura at dinala niya kami doon sa silid niya sa kakahuyan. At kaya kami hingal na hingal kanina pa ay dahil pinatakas niya kami," pagku-kwento ko.

"Ano?! Dinukot kayo ni Miss Laura?!" Gulat na gulat na tanong ni Augustus.

"Oo. Ganon na nga," sagot ni Heather at sandaling tinapunan ng tingin ang iba.

"Bakit naman niya kayo dinukot? Ano bang nangyari bago yon?" Tanong ni Ivanna.

"Bakit naman niya kayo patatakasin kung siya nga ang dumukot sa inyo? Ano siya, tanga?" Singit ni Hailey.

"Hindi namin alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Naisip namin, kailangan naming sabihin sa inyo 'to dahil nasa panganib tayong lahat dito."

"Ano ba kasi yon? Tungkol saan ang bagay na iyon na nalaman ninyo?" Tanong ni Iñigo.

"Nalaman kasi namin na si Miss Laura ay-----"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang biglang kumulimlim ang langit at biglaang sumara ang gate na nasa likod namin. Napaatras kaming lahat. Nagkatinginan. Hanggang sa muling napatingin sa sumarang gate.

Kitang-kita namin ang isang itim na usok na lumulutang sa ere. Maya-maya'y nagimbal kami nang maging si Miss Laura ito.

Tiningan nito kami ng matalim bago nginisian.

"...isang opposite," pagpapatuloy ko.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon