18. Barbiecue

690 34 37
                                    


Thara's POV

"TULONG! TULUNGAN NIYO KO!"

Todo sigaw na ako habang nakakapit sa isang bintana sa ikatlong palapag ng paaralan namin matapos may tumulak sakin mula sa rooftop. Hindi ko nakita kung sino ang taong iyon ngunit naaninag kong nakapalda siya. Isa siyang babae.

Napaisip tuloy ako kung may nakagalitan ba akong estudyante rito sa Marcelino University ngunit wala naman. Tahimik at masaya ang naging karanasan ko dito. Napalitan lang ito ng takot ngayon magmula nang sunod-sunod na mawala ang mga kaklase ko.

Laking pasasalamat ko pa rin sa mga sandaling ito dahil nakaligtas ako sa tiyak na kamatayan. Lulang-lula na ako sa posisyon ko ngayon. Ang taas-taas. Pahina na ang braso ko dahil sa tansiya ko'y nasa lagpas labing limang minuto na akong ganito. Hindi ko na 'to kayang tagalan. Konting-konti na lang at mahuhulog na ako mula rito.

Saklolo!

"Guys... Nasaan na ba kayo?" Naiiyak kong sabi habang tinitignan ang braso ko.

Mamamatay na ba ako?



Shanna's POV

"Ano ba! Nakita niyo ba si Thara?!"

Pang-limang tanong ko na iyan kina Iñigo, Kei, Dorothy, at Ivanna habang abala silang nag-uusap tungkol sa magiging project namin sa gurong-tagapayo naming si Miss Laura. Pwede naman nilang tugunin ang tanong ko kung alam ba nila o hindi ngunit parang wala silang mga naririnig. Mga bingi. Hindi naman gaanong maingay ang paligid kaya bakit parang balewala lang sila?

Iritang-irita na ako. Kanina ko pa sila tinatanong pero ni isang sagot mula sa kanila, wala akong natanggap. Kanina pa ako naloloka sa kaibigan kong si Thara. Nasaan na nga ba kasi ang bruhang iyon? Sasabunutan ko talaga siya kapag nakita ko siya. Pinag-aalala niya ako. Letche.

Kinakabahan tuloy ako. Pakiramdam ko may nangyari na sa kanya na hindi maganda. Sa pagkakaalam ko kasi, nasa rooftop lamang siya. Ngunit nang sandaling pumunta ako doon ay wala naman siya. Naguguluhan na ako.

Nasaan ka, Thara?

Imbis na madagdagan pa ang inis ko, ay muli akong naghanap sa paligid. Baka sakaling makita ko siya. Kung saan-saan ako nagmasid. Kung saan-saan ako tumingin. Ngunit, bigo pa rin akong mahanap ang kaibigan.

Pinagmasdan ko ang paaralan namin. Ang laki pala. Tumingin ako paitaas at nagimbal ako nang makakita ng isang estudyanteng nakahawak sa isang bintana sa ikatlong palapag ng paaralan. Mukhang pabitaw na ito sa hinahawakan. Hindi ko makita masyado kung sino siya ngunit tila nahihirapan na siya. Lumapit pa ako't tumingala upang tignan ang estudyanteng iyon.

Si Thara!

"TULONG! TULUNGAN NATIN SI THARA!" Natatarantang sigaw ko nang mapagtantong ang kaibigan kong si Thara ang nakikita ko.

Nagulat ako nang magsilapit ang mga kaklase ko kanina na parang mga walang pakialam. Tinuro ko sa kanila kung anong nakita ko at gulat na gulat sila.

"Si Thara nga!" Sigaw ni Dorothy.

"Anong ginagawa niya?! Papaano ba siya napunta doon?!" Inis na tanong ni Ivanna.

"Ba't ba siya naglalabitin doon? Nasisiraan na ba siya?" Sabi naman ni Kei.

"Kailangan nating umakyat sa thied floor! Ngayon na! Dali!" Sigaw ni Iñigo sabay takbo papasok sa Marcelino University.

Mabuti na lang at walang mga teacher ngayon dahil nasa laguna sila. Kaya walang sisita samin kahit na ang ingay-ingay namin paakyat ng mga palapag.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon