32. Escape

389 13 0
                                    


Jiro's POV

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasakal niya sa leeg ko. Sigurado akong nahihirapan na rin ang opposite ko sa mga sandaling ito. Hindi na kami makahingang dalawa. Kailangan naming makagawa ng pag-atake upang bitawan na nila kami. Bwisit talaga siya kahit kailan.

Paksh*t ka, Austin!

"B-bi-bitawan... n-niyo k-kami," dinig kong sambit ng opposite ko.

Nairita ako nang ngisian lang nila kami. Mga bwisit talaga sila. Hindi sila patas makipaglaban. Totoo ngang opposite ni Austin itong kaharap ko.

Maduga.

"Hindi kasama sa rules ang pandaraya." Isang matalim na pagtitig lang ang natanggap ko.

Tumalikod silang dalawa samin at may kung ano silang kinuha sa may dulo ng silid kung saan kami nakakulong ngayon ng opposite ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita kung ano ang hawak ng isa sa kanila.

Chainsaw.



Third Person's POV

Habang tumatagal ay mas lalong nawawalan na ng pag-asa ang lahat ng mga nakakulong sa bawat klase. Anim na klase pa ang hindi nagbubukas samantalang dalawang klase na ang nabuksan. Ang Section Nobility at ang Section Invincible.

Kalahati na lang ng klase ng Section Nobility ang natitira sapagkat ang iba'y namatay na nang dahil sa mga nagkalat na patibong. Lahat sila ngayo'y hindi makaalis sa mga kinatatayuan nila ito'y sa kadahilanang nababatid nilang maaari nilang ikamatay ito oras na tumakas sila.

Ang Section Invincible naman ay naubos na lahat. Walang natira ni isa mula sa klaseng iyon. Nang sandaling bumukas ang pinto ng klase nila'y nagtatatakbo sila agad sa pag-aakalang makakaalis na sila ng basta-basta sa paaralan nila. Ngunit nagkamali sila. Marami sa kanila agad ang namatay dahil sa hindi inaasahang mga patibong. Nagkalat ito kung saan-saan. Okay na sana dahil nakaligtas sila kaya lang isa sa kanila ang nakaapak ng asul na buton na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

At marami pang buton ang nasa kung saan mang sahig.

Iba't-ibang klase ng twists ang ginawa ni Miss Laura. Limang buton para sa kakaibang twist na iyon. Naapakan na ang isa at may apat pa na natitira. Isang kapana-panabik na pangyayari ang masasaksihan niya kung sakali mang may magkamali na may makaapak nito muli.

Hindi na siya makapaghintay pa.

-----××-----

Makailang beses na nilang sinusubukang buksan ang pinto ng kanilang classroom subalit bigo pa rin sila gawin ang bagay na iyon. Halos kabuuan ng klase nila'y nakasubok na sa pagtangkang buksan ito pero wala pa ring nangyari.

Nakakulong pa rin sila.

Lumapit ang gurong-tagapayo nila na si Miss Abegail. Isa-isa sila nitong tinignan at binigyan ng isang ngiti. Ngiti na sana'y magbigay pag-asa sa mga estudyante niya. Dahil gaya niya, hangad rin niyang makalabas ang mga ito ng ligtas at makalabas ng kanilang paaralan.

Hindi nga lang niya alam kung papaano ngunit kailangan niyang umisip ng paraan. Kahit na anong paraan upang makalabas sila. Sa isip niya'y hindi sila maaaring magtagal rito sapagkat habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang sitwasyon sa labas.

"Huminahon kayo. Makakalabas rin tayo rito. Hayaan niyo akong mag-isip at magtulong-tulong tayo. Naunawaan niyo ba?"

Lumapit ang isa sa mga estudyante niya. Nginitian siya nito at napangiti rin siya. Naglapitan ang lahat sa kanya. Tumigil ang mga ito sa ginagawa at itinuon ang atensyon sa kanya.

"Ma'am, hindi po ba't may susi sa bawat klase na nakatago? I mean, may duplicate key ang bawat klase na ang isa'y nandito mismo sa loob ng klase?"

Napaisip siya sa sinabi ng kanyang estudyante. Tama ito. Hindi siya maaaring magkamali. May isa pa ngang susi sa loob ng klase. Kung meron, saan naman kaya ito nakatago? Sigurado siyang nakalagay ito sa hindi basta-basta mapapansin ng kung sino.

Saan kaya? tanong niya sa kanyang isip.

"Tulungan niyo akong hanapin ang susi na iyon. Magmadali kayo!" Utos niya na agad namang binigyang pansin ng mga estudyante niya.

Lahat sila'y abalang-abala sa paghahanap ng sinasabing duplicate key umano ng klase nila. Sana lang talaga at may mahanap sila nang sa gayo'y makalabas na rin sila. Ngunit may mga bagay pa silang hindi alam. Mga patibong at ilang mga buton na maaaring magpahamak at kumitil sa mga buhay nila.

"Bilisan niyo pa ang paghahanap!"

Sa iba't-ibang parte ng klase sila naghanap subalit bigo sila makita ang sinasabing susi. Mawawalan na sana sila ng pag-asa nang isa sa kanila ang may makuhang susi sa ilalim ng desk ng isa sa mga upuan. Agad na naglapitan sa kanya ang lahat at pinagmasdan ang susing hawak niya.

Ibinigay niya ito sa kanyang guro.

"Ito na marahil ang susi,"wika ni Miss Abegail bago mapangiti. Siguradong-sigurado na siya na ito na nga ang susing hinahanap nila kanina pa.

"Palabasin niyo na kami dito ma'am!"

"Umalis na po tayo dito!"

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at sinubukan na niya ang susing kanilang nahanap. May kabang bumalot sa kanya habang ipinapasok ang susi sa keyhole. Eksakto ang susi. Tamang-tama. Inikot pa niya ang susi at ilang saglit pa ay tuluyan nang bumukas ang pinto ng kanilang klase.

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nagmadaling tumakbo palabas ang mga estudyante niya. Ganon na lamang ang pagkagimbal niya nang makitang isa-isa itong mamatay sa harapan mismo niya. Natigilan ang iba habang ang ilan nama'y patuloy pa rin sa pagtakbo ngunit makailan lamang ang ilang saglit ay namatay rin.

"Hindi!!!" Sigaw niya habang nakaluhod. Pana'y ang iyak niya at hampas sa sahig.

Nag-iyakan ang sampu sa natira niyang mga estudyante. Awang-awa ang mukha ng mga ito sa kanya. Niyakap siya ng mga ito. Hanggang sa makakita sila ng paa ng tao sa kanilang gilid. Nang itaas nila ang kanilang ulo'y hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita. Ang guro na ito. Ito ang kanilang sinisisi sa lahat ng nangyayari ngayon.

"Hayop ka!" Sigaw ni Miss Abegail at binigyan ang gurong iyon ng matalim na tingin.

"Napaka-sama mo!"

"Magbabayad kang demonyo ka!"

"Hindi na ito tama!"

Isang malademonyong pagngisi lang ang ginawa nito habang nakatingin sa kanilang mga mata.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon