11. Who's That?

906 44 34
                                    


Lucy's POV

Mabilis na isinukbit ko ang bag ko sa aking balikat pagkatapos ay dali-dali na akong lumabas ng aming malaking bahay at naghintay ng masasakyang taxi. Hindi ako mapalagay kagabi pa. Kailangan kong masigurong walang nangyaring masama sa kaibigan ko. Kahit naman ganito ang pag-uugali ko, ni minsan hindi ko hiniling na may mangyaring masama sa kanila.

Kamusta na kaya si Miyuki?

May humintong taxi sa harapan ko. Hindi na ako nagatubili pa at pumasok na ako agad sa loob.

"Miss, saan po kayo?" Bungad sakin ng driver.

"Sa Felleon Village po tayo. Pakibilis," sabi ko at umandar na rin sa wakas ang taxi.

Habang nasa biyahe, hindi ako mapalagay. May hindi magandang pumapasok sa utak ko na pinipilit kong huwag paniwalaan. Ayokong magkatotoo ang iniisip ko. Baka kasi nangyari ang napanaginipan ko kagabi.

Wag naman sana.

Pinapanalangin ko na sana mali ang kutob ko. Sana ay walang nangyaring masama kay Miyuki. Dahil kapag nagkataong may nangyari ngang hindi maganda, isang tao lang ang naiisip kong pusibleng may kagagawan nito.

Si Miss Laura.

"Dito na lang po," sabi ko nang natatanaw ko na ang bahay nila Miyuki mula sa di kalayuan.

"Kuya bayad po," sabi ko pa sabay abot ng bayad.

"Sayo na po ang sukli," Dagdag ko pa bago lumabas ng taxi.

Binalot ng kaba ang buo kong katawan nang makitang maraming pulis sa bahay nila Miyuki. Kinabahan ako bigla. Hindi kaya... Hindi! Hindi pwede 'to! Panaginip lang 'yon!

Hindi pwede 'yon!

Nagsimula na akong maglakad patungo sa bahay nila Miyuki. Pagkarating ko ay nilapitan ako ng isang pulis na katatapos lang kausapin ang ilan sa maid nila Miyuki. Mugto ang mata ng mga ito na para bang kagagaling lang sa pag-iyak. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa kinatatayuan ko.

"Excuse me po," magalang na sabi ko rito.

Tumigil pansamantala ang pulis na iyon sa kung anong isinusulat niya at tumingin ito sa akin ng diretso. Kinutuban na naman ako. Mukhang alam ko na ang sagot sa katanungan ko.

"Ano yon?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Maaari po bang malaman kung ano pong nangyari sa bahay ng kaibigan ko?" Pagtatanong ko. May kaunting luha na na namumuo sa mga mata ko.

Kinakabahan ako sa isasagot niya.

"So, ikaw pala ang isa sa mga kaibigan ni Miyuki. Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na ang kaibigan mong si Miyuki ay namayapa na," sagot ng pulis sa akin na labis kong ikinagulat

Biglang nanlambot ang tuhod ko. Muntikan na akong matumba. Mabuti at naalalayan ako ng pulis kung kaya't nakatayo pa rin ako.

Sinasabi ko na nga ba. Tama ang hinala ko. Sigurado akong may kinalaman rito si Miss Laura. Ang bruhang matandang iyon. Demonyo siya! Anong ginawa niya sa kaibigan ko?

Magbabayad siya!

"A-ano po!? P-patay na si Miyuki!? P-papaano po nangyari yon? Papaano siya namatay? Pinatay ba siya o—"

Hindi ko na naituloy pa ang mga sasabihin ko nang isa-isang sagutin ng pulis ang katanungan ko.

"Patay na si Miyuki. Hindi namin matiyak kung pinatay ba siya o di kaya nagpakamatay. Kasi kung pinatay siya, dapat ay makikita namin dito sa loob ng bahay nila ang footprints o di kaya fingerprints ng taong gumawa non. Ang kaso, wala kaming nakita. Kung nagpakamatay naman siya, dapat natagpuan namin sa loob ng kwarto niya kung saan siya natagpuang patay ang ginamit niya upang magpatiwakal. Ang kaso, wala rin kaming nakita. Malinis ang crime scene. Kaya, kaming mga pulis maging ang mga imbestigador ay nahihirapan na resulbahin ang krimen na ito," pagpapaliwanag ng pulis sa akin.

Natahimik lang ako. Hindi ko na maintindihan ang mga pangyayari. Gulong-gulo ang utak ko. Papaano siya namatay? Sino ang pumatay sa kanya? Leche! Sumasakit na ang ulo ko.

"A-ano po ba ang ikinamatay niya?" Panibagong tanong ko.

"Maraming paso sa tiyan at sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan. Ang pinaka matindi ay ang pagpugot sa ulo niya."

Matapos ang lahat ng nalaman ko, hindi ko napigilang maluha. Dapat pala ay binigyan ko siya ng babala ng gabing iyon baka sakaling nailigtas ko siya. Pero hindi ko ginawa. Binalewala ko lang. Isa ako sa naging dahilan ng pagkamatay niya.

Kasalanan ko rin ito.

"Miss, mauna na ako. Iimbestigahan pa namin kung papaano namatay ang kaibigan mo," sabi ng pulis sa akin. Tumango lang ako bago siya pumunta sa iba pa niyang kasamang pulis at nagpatuloy muli sa pag-iimbestiga.

Hindi sinasadyang napadako ang mga mata ko sa kwarto ng kaibigan ko. Laking gulat ko nang makakita ako ng isang hindi kilalang tao roon. Nakasuot ito ng itim na mahabang damit na may hood. Nakangiti ito sa akin habang may hawak-hawak na bagay sa kanyang mga kamay.

"S-sino yon?" Nagtatakang tanong ko.

Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Baka kasi namamalikmata lang ako. Nagimbal naman ako nang bigla itong mawala sa paningin ko. Kinilabutan ako bigla sa kinatatayuan ko.

Sino ang taong 'yon?

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon