12. Exodus

945 38 35
                                    


Carl's POV

Halos apat na buwan na ang nakalipas nang mamatay ang kaklase naming si Miyuki. At hanggang ngayon, wala pa rin kaming balita tungkol sa pagkamatay niya. Hindi pa rin nalalaman ng mga pulis at imbestigador kung papaano siya namatay. Malinis na malinis ang crime scene. Walang bahid ng kahit na anong ebidensya na magagamit sa pagiimbestiga.

Nakapagtataka.

Nakaupo ako sa bench ngayon at kasalukuyang hinihintay si Iris na lumabas saglit ng Marcelino University. May bibilhin lang daw siyang libro. Hindi niya sinabi kung anong klaseng libro pero magagamit daw para sa mga assignments at projects namin.

Habang hinihintay ko siya, nilabas ko mula sa loob ng aking bag ang isang kulay kahel na notebook at isang ballpen. May sasagutan muna ako para hindi ako mabagot. Dahil sa totoo lang ay kanina pa ako naghihintay dito. Mag-iisang oras na rin. Ang tagal niya naman kasi.

Naiinip na ako.

Nang mahanap ko na ang pahinang hinahanap ko ay agad kong sinagutan ito. Medyo madali lang naman dahil magde-define ka lang ng terms. Mas madali ito kesa sa binigay na takdang-aralin ni Miss Laura.

Kinabahan ako bigla. Tila ba, may nakamasid sa akin mula sa di kalayuan. Huminto ako pansamantala sa aking pagsasagot. Mabilis akong tumingin sa paligid upang alamin o upang hanapin kung sino ang taong 'yon. Hindi maganda ang kutob ko rito. Pakiramdam ko, maraming mangyayari na hindi maganda ngayong araw. Maaaring sa akin, o di kaya sa mga kaklase ko.

Natatakot ako.

May natatanaw akong tao malapit sa puno. Kumakaway ito sa akin. Napangiti ako nang makitang ang kaibigan ko itong si Iris. Nandoon lang pala siya. Siguro'y kanina pa niya ako pinagtataguan. Loko-loko talaga ang babaeng iyon. Ang daming alam.

Akmang lalapitan ko na sana siya nang biglang may humawak sa braso ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Iris ito. Ano 'yon? Kinilabutan ako bigla.

Bakit dalawang Iris ang nakita ko?

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sakin.

Naguluhan ako bigla. Kakakita ko lang sa kanya malapit doon sa may puno. Papaanong nandito na siya agad? Pambihira. Nababaliw na ba ako? Ano ba 'tong nangyayari sakin?

Gulong-gulo na ako.

"S-s-sa'yo," nauutal na sagot ko.

"Anong sakin? Ano bang nangyayari sayo?" Nagtataka niyang sabi habang tumitingin-tingin sa direksyon kung saan ako nakatingin kanina.

Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari. Parang may kakaiba. May nangyayaring kakaiba sa aming magkakaklase. Nakasisiguro ako.

"M-Mauna na ko," sabi ko na lang sa kanya bago nagsimulang lumakad papunta sa klase namin.

Nasa panganib kaya si Iris?



Iris's POV

Nakatungo lamang ako sa desk habang nagtuturo sa harapan ang aming guro sa Matematika. Si Mr. Ventura. Hindi pa rin mawala hanggang ngayon sa isip ko ang bagay na yon. Ang tattoo ni Miss Laura sa dibdib niya.

Naaalala ko na.

"Iris. May problema ba?" Dinig kong bulong sa akin ni Kei na nakaupo sa likuran ko. Itinaas ko ang ulo ko at nakita kong nakalapit ang mukha niya sakin.

"Okay lang ako. Wag mo 'kong problemahin. May iniisip lang ako," walang ganang sagot ko habang nakalingon ng kaunti sa upuan niya.

"Anong iniisip mo? Tungkol ba yan kay Miss Laura?" Panibagong tanong niya sakin.

"Oo e, nakita ko na kasi dati yung tattoo niya. Alam kong may kakaiba don. Nasisiguro ko yan."

"O sige. Makikinig na ko kay Mr. Ventura. Baka bumagsak pa ako sa test natin bukas," sabi niya bago umayos ng upo.

Tutungo sana muli ako nang maisipan kong sumilip sa bintanang nasa tabi ko. Pagkasilip ko, napangiti ako nang makita ko si Carl na kinakawayan ako. Lumabas pala siya ng klase. Hindi ko namalayan.

Napalingon ako bigla sa pinto nang may pumasok. Nagimbal ako nang makitang si Carl ito. Paanong nandoon na siya agad? Nawala bigla ang ngiti sa labi ko. Nagtaka at naguluhan ako.

Umupo ng nakangiti si Carl sa tabi ko. Pagkaupong-pagkaupo niya, hindi na ako nagdalawang-isip pa at tinanong ko siya agad.

"P-pumunta ka ba banda don?" Tanong ko sabay turo kung saan ko siya nakitang pakaway-kaway sakin.

"H-hindi. Sa banyo ako pumunta. Bakit?"

Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Dalawang beses nang nangyari ito. Sino ba ang talaga ang taong nakikita ko?

"W-wala," nauutal na sagot ko.

Itinuon na niya ang atensyon niya sa gurong nasa harapan. Habang ako'y nanatiling nagtataka at gulong-gulo habang nakasilip sa labas. Pangalawa na ito. May kasunod pa kaya?

Sino ang nakikita kong kamukha niya?



Shanna's POV

Recess na namin. Nasa cafeteria kami ngayon. Maraming estudyante, palagi naman ganito. Umupo ako sa tabi ni Sapphire. Nilapag ko ang mga pagkaing dala ko at sinabayan na sila ni Thara.

"Shanna, mabait ba si Jake?"

Muntikan na akong mabilaukan sa biglang tanong sa akin ni Sapphire. Ang bruha. May inaawrahan na naman pala. Grabe talaga siya. Matapos si Austin ay si Jake naman.

Ibang klase.

"Ah, ewan ko. Hindi ko naman close yun eh. Itong si Thara tanungin mo. Balita ko, close daw silang dalawa ni Jake," sagot ko na sinabayan ko ng pag-inom ng tubig.

"Thara mabait ba si Jake?" Diretsahang tanong ni Sapphire.

"O-oo. Medyo. Ewan ko. Malay ko sa kanya," sagot ni Thara at umiwas ng tingin.

"Hay nako. Ang gulo niyong kausap. Makakain na nga lang," inis na sabi ni Sapphire bago ipagpatuloy ang pagkain niya.

"Girls..." Sabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Bakit?"

"Magba-banyo muna 'ko."

"Sige lang. Hintay ka namin dito." Sabi ni Thara kasabay ang isang malapad na ngiti.

"Sige na. Pumunta ka na. Bago ka pa tuluyan dito," sabi naman ni Sapphire. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa.

Ngumiti lamang ako saglit pagkatapos ay lumabas na ako ng cafeteria at nagtungo na agad sa banyo. Nanalamin muna ako bago naghugas ng kamay at naghilamos. Piling ko ang haggard ko na.

Kinabahan ako bigla nang bumukas ang isa sa mga cubicle at niluwa nito ang kaibigan kong si Sapphire. Kinilabutan ako. Papaanong napunta siya rito? Dapat ay nasa cafeteria siya.

Nakapagtataka.

"Nandito ka rin?" Tanong ko rito habang patuloy pa rin sa paghilamos.

Malapad ang ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Natatakot ako. Sigurado akong hindi siya ang kaibigan kong si Sapphire.

Isa siyang impostor.

"Bakit bawal ba?" Mataray na sabi niya sakin sabay hawi ng buhok niya.

Nilingon niya ako't nginisian. Nakakakilabot siya. Maya-maya'y maarte siyang lumakad at lumabas ng banyo. Naiwan naman ako na takot na takot. Kinakabahan at nagtataka.

Sino siya?

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon