10. Adios, Mademoiselle

1K 45 83
                                    


Lucy's POV

Nakatago ako sa isang malaking puno habang pinagmamasdan ang aking gurong-tagapayo kung saan nito dadalhin ang walang malay kong kaibigan. Habang nakatingin ako sa kanya, hindi maalis ang kaba sa aking dibdib. Nasa panganib ang buhay ng kaibigan ko at kailangan niya ng tulong ko.

Kailangan ko siyang iligtas.

Sinundan ko lang si Miss Laura hanggang sa makarating kami sa isang lumang bahay. Sa kanya kaya ito? Nakakapagtakang nakatayo ito sa isang liblib na lugar. Napangisi ako. Talaga ngang may tinatago siya samin.

Kahit na takot na takot, pumasok pa rin ako sa loob ng lumang bahay. Pagkapasok ko ay agad akong naghanap ng matataguan habang hindi pa paparating sa aking kinaroroonan si Miss Laura. Nang sandaling makahanap ako, madali akong tumungo roon upang makapagtago.

Isang aparador.

Ang hindi ko alam, ay doon pala ipinasok ang aking kaibigan. Kaya nang sandaling makita ko ang katawan nito na walang malay ay napasigaw ako ng malakas. Agad naman akong napatakip sa bibig ko dahil nakalimutan kong narito nga pala si Miss Laura.

Pinagpapawisan na ako ng mga sandaling iyon at nangangatog na ako habang yakap ang aking mga tuhod. Natatakot ako sa maaaring mangyari sakin. May isa na akong ginawang kasalanan. At nadagdagan pa ito ngayon.

Ano nang gagawin ko?

"Lucy... Magpakita ka na sakin..."

Napalunok ako ng kakarampot na laway habang pinipigilang maluha sa pwesto ko. Dinig na rinig ko mula sa labas ang tunog na ginagawa niya. Nang silipin ko kung ano iyon ay halos kapusin ako ng hininga nang makitang isa itong palakol. Hinahasa niya ito habang nakatingin ng malademonyo sa direksyon ko.

Nataranta ako nang bigla siyang mawala sa paningin ko. Napasandal naman ako nang may magbukas sa aparador. Nakangisi siya sakin. Bakas ang tuwa sa labi niya habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Miyuki.

"Katapusan niyo na," sabi niya sabay hakbang palapit samin.

Napasigaw ako nang hatakin niya ang kaibigan ko na walang malay at inihiga ito sa isang mahabang lamesa. Nginisian niya ako. Nagsumamo ako sa kanya na tumigil siya sa gagawin niya ngunit tinawanan niya lang ako. Iyak ako ng iyak. Hindi ko na alam kung anong gagawin. Papaano ko ililigtas si Miyuki?

"Wag Miss Laura... Wag mo siyang papatayin..."

Halos lumuhod na ako sa harapan niya para lang pakawalan na niya ang kaibigan ko. Ngunit gaya kanina, nagbingi-bingihan lang siya. Tumawa siya habang unti-unti nang initinataas ang palakol na hawak.niya.

"Pagmasdan mo kung papaano ko pugutan ng ulo ang kaibigan mo. Ito ang kabayaran mo sa pangingialam mo sa gamit ko noong isang araw. Pakialamera," sabi niya sakin kasabay ang isang matalim na pagtitig.

"MIYUKIIIII!!!!!"

Napasigaw at napaiyak na lang ako nang pugutan na niya si Miyuki. Sumirit ang napaka-raming dugo sa mukha niya habang nakangiti siyang nakatingin sakin. Inamoy-amoy niya pa ang dugo sa palakol. Isa siyang hayop. Hindi makatao ang ginawa niya!

May napansin akong gumulong sa harapan ko. Napatili ako ng husto nang makitang ulo ito ni Miyuki. Dilat na dilat at nakatingin sakin na tila ba humihingi ng tulong.

-----××-----

Napabalikwas ako ng bangon at agad na lumingon sa paligid. Nandito ako sa kwarto ko. Ibig sabihin, panaginip lang ang lahat ng iyon? Nakahinga ako bigla ng maluwag. Ang buong akala ko kasi'y magiging katapusan ko na iyon. Salamat at hindi iyon totoo kungdi isang bangungot lang.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon