Chloe's POV
Nanigas ang buong katawan ko sa nakita ko. Si Ivanna at ang opposite niya, papatayin nila si Kyle. Hindi ko maiwasang kilabutan at kabahan sa nasasaksihan ko. Wala akong magawa upang tumulong. Ayokong labagin ang rule na binigay samin ni Miss Laura. Natatakot ako sa maaari kong sapitin.
Lumingon ako sa opposite ko na ang tahimik simula pa kanina. Hindi siya masyadong nagsasalita pero nababasa ko sa mga mata niyang gusto niyang sumali sa labanan. Hindi ko maintindihan ang dahilan niya kung bakit patuloy pa rin kami sa panonood dito. Oo ayokong pumatay subalit siya ang inaalala ko. May kung ano akong hindi mawari sa kanya.
Napaka-misteryoso niya.
"Tatlumpung minuto... Sasali na tayo sa kanila," sambit niya habang matalim na nakatingin sa magkatunggaliang Dorothy at Clyde.
Napalunok na lang ako. Kailangan kong harapin ang kinatatakutan ko. Kailangan kong isantabi ang pagiging mahina. Ang pagiging matatakutin. Kailangan ko ngayong mag-iba ng pagkatao. Kailangan kong maging makasarili. Kailangan kong alisin ang awa.
Kailangan ko maging halimaw.
"Nakahanda ka na ba?"
Lumingon siya sakin at binigyan ako ng isang nakakakilabot na pagngiti. Kuhang-kuha nga niya ang itsura ko, ngunit hindi ang buong pagkatao ko. Ibang-iba ako sa kanya. Sa ngiti pa lang na ginagawa niya'y mapapansin mo na agad na hindi ako siya. Malayo. Idagdag mo pa ang tattoo na nasa bandang dibdib niya. Isang kakaibang Tattoo na sigurado akong meron rin maging ang mga opposite ng mga kaklase ko. Biglang sumagi sa isipan ko si Miss Laura.
Isa nga talaga siyang opposite.
"Anong gagamitin ko? Wala akong nakuha dahil sa pagmamadali ko kanina," wika ko.
Napabuntong-hininga siya.
"Babagal-bagal ka kasi. Mabuti na lang at nakuha ko ang kagamitan na ito kanina. Maaari mong gamitin yan." Inabot niya sakin ang isang baril.
Medyo nagtaka ako sapagkat wala naman akong nakitang ganyang klase ng kagamitan kanina. Walang baril. Puro pana, latigo, palakol, at kung anu-ano lang ang nakita ko. Nakakapagtaka.
Saan niya kaya nakuha yan?
Magtatanong pa sana ako tungkol sa baril na nakuha niya, nang bigla niya akong hilahin sabay takip ng bibig ko. Naasar ako dahil sa ginawa niya. Pinilit kong tanggalin ang kamay niya subalit mas malakas siya sakin. Kakaiba. Hindi ko alam kung anong nangyayari at tila tarantang-taranta siya.
"Tatapusin na ba natin sila?"
Kilala ko ang boses na iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Si Dorothy. Pero teka, anong tatapusin? Sinong tatapusin nila? Pinagmasdan ko ang opposite ko at napansin kong pinakikinggan rin niya ang usapan ng dalawang Dorothy.
"Ayoko. Natatakot ako. Bahala ka sa gusto mong gawin. Napipilitan lang naman akong gawin ang mga 'to dahil sa Miss Laura na iyon. Hindi ko gustong pumatay. Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng mga kaibigan. Pero sa sitwasyon ngayon, hindi ko na talaga kaya. Sumusuko na ako. Gusto ko nang mamatay!"
Nakarinig ako ng pagsaksak. Tama kaya ang naiisip ko? Sinaksak ng opposite niya si Dorothy? Hindi ko batid ngunit iyon ang nabubuong eksena sa utak ko. Nagtatalo sila't napuno na ang isa. Naiinis na ito kaya't hindi nito napigilan ang sarili sa ginawa.
"Hindi na ako nag-eejoy sa laro na kasama ka. Mas mabuti ngang mamatay ka na lang. Wala kang silbi. Isa kang hangal. Ayoko pa naman sa lahat ang mga kagaya ninyong walang ibang inisip kungdi ang kapakanan ng iba."
Biglang all of the sudden, tumahimik ang paligid. Hindi ko na naririnig si Dorothy. Maya-maya'y nakarinig kami ng opposite ko nang tila may bumagsak o natumba. Dali-dali kong inalis ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at hinanap ang pinanggalingan non. Tama nga ang kutob ko. Si Dorothy...
Patay na siya.
Third Person's POV
Isang classroom na naman ang nagbukas. Ang Section Invincible. Nagmamadaling naglabasan ang lahat ng estudyante kasama ang kanilang adviser na si Mr. Natividad. Takot na takot na nagtatatakbo sila upang makatakas.
Nanlaki ang mga mata nilang lahat nang isa-isang namatay ang ilan sa kanila nang dahil sa mga patibong. Marami sa kanila ay nahiwa ang katawan sa dalawa. Takot na takot ang lahat at napako na lang sa kanilang kinatatayuan.
Si Mr. Natividad ay patuloy lang sa pagpapakalma sa mga estudyante niya. Hindi maitatangging nahihirapan siya subalit pinipilit pa rin niya alang-alang sa mga ito. Ayaw na ayaw niyang nakikitang nahihirapan ang mga ito. Sapagkat maging siya'y nahihirapan rin.
Isang estudyante niya ang nakaapak ng asul na buton sa sahig. Masama ang ibig sabihin nito. Napasigaw sila nang magkaroon ng harang sa magkabilang gilid ng kanilang daraanan. Napatingala sila at mula sa kisame, nakita nila ang maraming patusok. Napapikit ang iba habang ang ilan nama'y nagsisisigaw. Alam na nila kung anong mangyayari sa sitwasyon nila ngayon.
"Tulooong!!!" Sigaw ni Mr. Natividad.
Nagbagsakan ang maraming patusok sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.