28. Jar

406 9 0
                                    


Jake's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa utak ko kung ano ba itong kabaliwang nangyayari samin ngayon. Gulong-gulo ako. Nahihirapan akong intindihin ang lahat. Ayoko ng ganito. Hindi ko kayang pumatay. Lalong-lalo na kung taong malalapit sakin.

Naduduwag ako.

"Tutunganga na lang ba tayo dito? Ayaw mo bang sumali tayo sa kanila?" Tanong sakin ng opposite ko habang matalim siyang nakatingin sa mga naglalaban.

Kung siya nga ang kabaliktaran ko, nasisiguro kong wala siyang inaatrasan. Hindi siya duwag at wala siyang kinatatakutan. Kumpara sakin na walang ibang alam kungdi ang matakot at maduwag. Ibang-iba ko sa kanya. Ang hirap isipin na ganito pala ako sa ibang pagkatao. Nakakakilabot at nakakatakot. Mukhang maamong tupa kung titignan subalit isa palang mabangis na halimaw.

Kinakabahan ako sa maaaring gawin niya.

"Magtago na muna tayo dito. Ayokong may masaktan sa kanila," sambit ko bago hawakan ang kaliwang kamay niyang nakakuyom.

Nababasa ko sa mga mata niyang gusto na niyang manakit at pumatay. Hindi ko yon dapat na hayaan. Ayokong maging isang kriminal. Kahit na sabihin pa nating opposite ko lang siya, siya ay ako pa rin. Anoman ang gawin niya'y tila ginawa ko na rin.

"Isa ka talagang duwag. Nakakahiya ka," iritang sabi niya at binigyan ako ng titig.

Iba talaga ang presensya niya. Malayong-malayo sa pag-uugali ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang naging kabaliktaran ko. Pero sabagay, ganon talaga siguro ang isa ko pang pagkatao. Hindi ko mailabas sapagkat natatakot ako. Takot ako pero sa kabilang banda'y masaya dahil nakita ko na ang isa pang ako.

"Sigurado ka ba talaga diyan sa gagawin mo?" Tanong ko sa kanya. Isang pagngisi lang iginanti niya sakin.

Kailangan ko na maghanda.



Third Person's POV

Napasigaw ang lahat nang makarinig ng malakas na pagsabog. Takot na takot ang ekspresyon ng mga mukha nilang lahat. Mistulang napako ang mga paa nila sa kanilang mga kinatatayuan at walang makapagsalita ni isa sa kanila.

Nagkakatinginan ang bawat isa. Bawat isa'y kabado sa maaari pang pwedeng mangyari. Walang makapagsabi kung kailan mahihinto ito. Subalit may isang katanungan na bumabagabag sa kanila ngayon.

Katapusan na ba namin ito?

Isang misteryosong tao ang lumitaw habang nasa gilid ito ng paaralan. Diretso lamang itong nakatayo at tila ba may pinagmamasdan sa kawalan. Walang anu-ano'y bigla itong ngumisi pagkatapos ay naglaho na parang bula.

Sino ba siya talaga?



Miss Laura's POV

Marahan akong pumasok sa loob ng klase ng Section Opposite. Nilapitan ko ang lamesang nasa harapan at nakangiting inikutan ito.

Hindi talaga ako makapaniwala hanggang ngayon na napanindgan kong maging isang orihinal. Kahit na ang totoo'y isa lamang akong opposite. Isang opposite na walang ibang hinangad kungdi gawing miserable ang buhay ng iba. Na hindi hangad ng totoong Miss Laura.

Pumunta ako sa likod ng mesa at binuksan ang maliit na pintuan. Isang bagay ang hinanap ng aking mga mata. Ang garapon. Sa garapon na ito nakakulong ang taong pinagbasehan sa akin. Nandito ang tunay na Miss Laura.

Kinuha ko ito pagkatapos ay pinatong sa ibabaw ng mesa. Pumunta ako sa harapan at pinagmasdan ang itim na usok na nasa loob nito. Tuwang-tuwa ako. Sapagkat matagal-tagal na rin magmula nang mapunta sakin ang pagiging Miss Laura.

"Mananatili ka diyan, habang-buhay," sabi ko at malademonyong tumawa.

Tinitigan ko ng matalim ang garapon. Naging kulay pula ang mga mata ko at nagkaroon ako ng itim na aura sa katawan. Lumutang ako sa ere at tumagal lamang ito ng mga tatlong segundo.

Nang makababa na ako'y naging itim muli ang kanyang mga mata at nawala na ang aura sa buo kong katawan. Isang plano ang nabuo sa aking isipan na siyang magpapasaya pa lalo sa aking nararamdaman.

"Mas pasayahin pa natin ang laro," wika ko bago maging isang itim na usok.

Naiwan ang garapon na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Kakaiba ang disenyo ng garapon na iyon. Iba kumpara sa garapon na pinagkukulungan ng opposite ng mga estudyante ko na kaunti lang ang mga simbolo.

Hanggang sa biglang gumalaw ang garapon.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon