9. Discovery

998 50 54
                                    


Miss Laura's POV

Pagkapasok ko sa loob ng klase ay unang hinanap ng aking mga mata ang estudyante kong si Lucy. Nakatingin rin ito sa akin at bakas sa mga mata niya ang takot habang tinitignan ako. May napansin lang ako, may ngiti sa labi niya. Nainis naman ako dahil alam kong may ginawa na itong pakialamerang ito na hindi ko magugustuhan.

Lumakad ako't pumunta sa harapan. Akmang magsisitayuan na sana sila upang batiin ako ng magandang umaga nang bigla akong magsalita. Bwisit. Hindi maganda ang araw ngayon. At dahil iyon sa lecheng Lucy na iyon. Talagang hinahamon niya ako.

"Magsi-upo ang lahat! May kailangan akong malaman tungkol sa inyo!"

Pinandilatan ko silang lahat ng mga mata habang tinitignan sila isa-isa. Kunwari hindi ko alam na pinakailaman niya ang mga gamit ko. Susubukan ko siyang paaminin sa kasalanan niya. Kapag hindi siya umamin, ipapadanas ko sa kanya ang kamatayang hindi-hindi niya makakalimutan.

Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako sa sinasabi ko. Kaya ko iyong gawin kung gugustuhin ko lalo pa't ako na ang may hawak ng mga buhay nila ngayon. Mga walang kwentang mag-aaral. Gagamitin ko lang naman sila sa inimbento kong laro. Hindi nila makakamit ang hinahangad nilang pagtatapos, sahil bago pa man dumating ang araw na iyon... patay na silang lahat.

Nairita ako ng husto nang magbulungan sila. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan pa nila itong iparinig sakin. Nakakaasar lang. Mas lalo lang nilang sinisira ang umaga ko.

"Ano na namang problema niya?" Inis na tanong ni Miyuki.

"Ang dami namang alam ni Miss Laura," sabi ni Ethan.

"Ba't ba kasi siya pa ang naging adviser natin?" Iritang sabi nung Ashlynn.

"Ang bagal naman niya. Ano ba kasi yang sasabihin niya? Importante ba yan?" Wika ni Jiro.

"TAHIMIK!"

Galit na galit na talaga ako. Kung dati'y mala-anghel ang mukha ko, ngayon ay kikilabutan ka dahil ibang-iba na. Nakakatindig balahibo. Nakakakilabot. Mistula na akong mabangis na hayop sa harapan nila ngayon na kahit na anong sandali ay nakahandang atakihin sila.

Ngunit hindi pa ngayon ang tamang panahon para doon. Kailangan kong hintayin ang mismong araw kung saan perpekto na ang lahat. Simula sa mga magiging kalahok at sa mga pagsubok na pagdaraanan nila.

Ngayon pa nga lang ay sinisumulan ko nang perpektuhin ang mga plano ko. Nang sa gayon, kapag dumating na ang araw na iyon ay wala nang makakapigil pa sakin. Walang makakasira ng plano ko. Kahit na sino sa kanila.

Sinisiguro ko iyan.

Mabilis na natigil ang mga pagbubulungan nila patungkol sakin. Umiinit na ang ulo ko dahil sa ginawang ingay ng mga ito. 'Yon pa naman ang isa sa mga pinaka-ayaw ko. Ang maingay. Dahil naririndi talaga ako sa tuwing nakaririnig ako ng ingay. Kahit na sabihin pa nating pagbulong lang iyan, kung marami sila, ingay ang mabubuo.

Nakakairita talaga sila.

"Hindi ba't sinabi ko na ayaw ko ng maingay?! Naiintindihan niyo ba yon?! Nagiingay at nagiingay pa rin kayo! Wag ninyong sasagarin ang pasensya ko dahil kapag ito napuno, malilintikan kayo sakin!"

Hinagis ko sa kanila ang mga gamit na nasa ibabaw ng mesa. Ang mga estudyante kong tinamaan nito ay binalik lang nila ulit sa harap ang mga gamit ko. Magaling. Mukhang epektibo itong pagsusungit ko sa kanila. Dapat lang. Dahil diyan ako natutuwa.

"Opo ma'am!" Magalang na sagot ng mga ito.

Napangisi lang ako sa aking narinig. Talagang sunud-sunuran na sila sa kagustuhan ko ngayon. Lahat ng sinasabi ko, ginagawa nila. Mas maigi. Dahil mas mapapadali ang mga plano kung ganyan lang sila bago magsimula ang laro.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon