15. Felon

879 39 47
                                    


Sapphire's POV

Matapos kong manggaling sa kusina upang uminom ng malamig na tubig ay umakyat na ako agad pabalik sa kwarto ko. Gusto ko nang magpahinga dahil kanina ko pa nararamdaman na tila ba nanghihina ang katawan ko.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito. Nagtataka ako kanina pa. Wala naman akong ginawang mabigat na gawain. Pakiramdam ko ngayon may nakadagan sakin.

Kakaiba.

"Saan ko ba nailagay yon?"

Nilibot ko ng tingin ang kwarto ko. Hindi ko talaga mahanap kung saan ko nailagay ang suklay kong hello kitty. Nakakainis. Kailangan kong magsuklay bago matulog. Para matutulog ako ng maganda, gigising ako ng maganda.

Napangiti ako nang mahanap ko na ito. Nasa ilalim lang pala ng kama ko. Pambihira. Paano napunta 'to doon? Psh. Bwisit. Nagiging burara na ako. Parang hindi na ako yung Sapphire na maingat sa mga gamit. Halos lahat ng gamit ko, nakakalimutan ko na kung saan ko nailagay.

Nakakainis.

Tumayo ako sa harap ng malaking salamin na nasa gilid ng kama ko. Sinuklayan ko ang buhok kong napaka-ganda. Hindi pa ako nakuntento at matapos nito'y nagpulbos naman ako. Grabe ang ganda ko talaga. Isa ito sa mga dahilan kaya maraming nagkakagusto saking mga lalaki. Kaya lang, wala akong time sa lovelife. Mas priority ko maging single at magflirt. Mas masaya kasi. Exciting pa. Kung sino-sino ang nakikilala ko.

"Bongga!" Ngumiti ako habang nakatingin pa rin sa salamin.

Tinago ko muna ang suklay at pulbos na ginamit ko bago pagod na pagod na nahiga sa asul kong kama habang katabi ang paborito kong teddy bear.

"Goodnight." Nagkumot na ako at pumikit.

Maging mahimbing sana ang tulog ko.



Miss Laura's POV

Nakatingin na naman ako sa mga koleksyon ko ng opposite. Namimili kung sino ang sunod konh tatapusin. Ayaw ko ng maraming kalahok para sa larong inimbento ko. Bilang ko lang ang mga kasali. Napili ko na sila. Kaya hangga't maaga pa, babawasan ko na sila. Nagdadalawang isip nga ako ngayon kung ang maldita at pakialamera ba na si Lucy ang uunahin ko o si Sapphire.

"Sino kaya?" Nakangisi kong sabi.

Nang sandaling makapili na ako, dali-dali kong kinuha ang garapon nito. "Mukhang ikaw na muna ang uunahin ko. Dahil may naiisip na akong maganda ideya kung papaano mawawala sa landas ko ang pakialamerang Lucy Heirls na iyon," Nakangising sabi ko habang hawak-hawak ang garapon ng opposite ng estuydante kong si Sapphire. Ngumiti lamang ako saglit bago ko binuksan ang garapon.

"Ano pong kailangan niyo sakin?" Bungad nito agad sakin nang sandaling maging tao na ito mula sa pagiging itim na usok.

Sa unang tingin, mukhang wala namang pagkakaiba ang Sapphire na ito sa tunay na Sapphire. Ngunit, diyan kayo nagkakamali. Dahil, napaka-raming pinagkaiba nito doon sa tunay na Sapphire. Una na rito ay ang kislap sa mga mata nito. Tila ba, mayroong itong itinatagong galit, poot na gusto niyang mailabas. Ikalawa, ay ang mga ginagawa nitong pagngisi. Tila ba nagpapahiwatig ito na siya ang pinaka-magaling o pinaka-mahusay sa lahat ng mga bagay. At ikatlo, ay ang mga kilos nito. Napaka-misteryoso. Hindi mo mawawari sa kanya kung ano ang iniisip niya at kung ano ang binabalak niyang gawin. Dahil magaling siyang magtago ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanya at sa mga bagay na gagawin niya. Hindi tulad ng tunay na Sapphire na madaling mabasa ang mga galaw at nararamdaman.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon