Lucy's POV
Nang sa wakas ay nahanap na naming tatlo ang magiging klase namin, agad kaming pumasok sa loob at naghanap ng bakanteng mauupuan. Napairap ako nang makita ko sa may bandang dulo ang kinaiinisan ko sa lahat. Si Augustus. Mukhang sunod-sunod na yata ang kamalasang nangyayari sakin ngayong araw. Una, natapilok ako habang papasok rito sa Marcelino University. Pangalawa, ang makasama sa iisang klase ang kinaiinisan ko ay ang pinaka-ayaw ko sa lahat.
Step-brother ko siya. Mabait siya sakin. Maalalahanin rin siya na siya namang ikinakainis ko. Bakit? Kasi alam ko namang pinaplastik niya lang ako. Hindi totoo ang concern na pinapakita niya sa tuwing nasa harapan kaming dalawa nina Mommy't Daddy. Nagpapakitang gilas lang siya. Tama. Iyon nga. Gusto niyang palabasin na siya ang mabuting anak habang ako naman ang masama.
Naupo na kaming tatlo sa napili naming pwesto. Magkakatabi sa unahan. Dito ang napili namin upang hindi namin makita ang mga nakakabwisit na mukha ng mga kaklase namin. Lalo na ang step-brother ko na iyon. Kapag nakikita ko siya, parang gusto ko siyang saksakin ng paulit-ulit para mawala na siya nang tuluyan sa pamilya namin. Naiirita talaga ako sa pagmumukha niya.
"Sigurado ka na ba diyan sa plano mo?" Tanong sakin ni Miyuki habang iniikot-ikot ang dulo ng buhok niya.
Loka-loka.
"Yes. I'm really sure," maarteng sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan ang maganda kong kuko. Hello kitty design. Kahapon ko lang ipinagawa ito. Ang cute naman kasi kaya naengganyo akong magpaganito.
"Bakit Miyuki, hindi ba sila karapat-dapat sa grupo natin? Hindi ba sila karapat-dapat na masali sa Hell Dolls?"
Lumingon ako sa kanan ko kung saan nakaupo si Ivanna. Nakatingin siya kay Miyuki at isang makabuluhang pagngisi ang ginawa niya. Sandaling napaisip si Miyuki sa sinabi niya. Habang ako, palihim na minura silang dalawa. Mga plastik.
"Hindi naman sa ganon. Kaya lang kasi..."
Napairap ako. Kahit kailan talaga. Ang pakialamera niya. Palagi na lang niyang pinakikialaman ang mga desisyon ko. Bwisit talaga siya. Kung hindi ko lang siya kailangan sa grupo namin, matagal ko na sana siyang tinanggal.
Nakakairita.
"Kaya lang ano?" Iritable kong tanong sa kanya. Konting-konti na lang talaga. Napipikon na ako sa lumalabas sa bibig niya.
"Kaya lang, hindi ba't mortal na magkaaway silang dalawa?"
"Eh ano naman ngayon?"
"Parati silang nag-aaway. Naisip ko lang, kung isasali natin sila sa Hell Dolls, baka mabuwag ang grupo natin nang dahil sa kanilang dalawa," sabi ni Miyuki.
Sabagay. May point naman siya. Pero kahit na. Ano bang pakialam niya sa gusto ko? Gumawa siya ng sarili niyang grupo kung gusto niya. Wag niya akong iniinis at masama ako magalit. Kung alam niya lang ang tunay kong pagkatao baka matagal na niya akong iniwasan. Siguradong hindi niya gugustuhin na makita ang ibang ugali ko. Baka isumpa niya ko sa sobra kong sama.
"Sabagay. May point ka," sambit ni Ivanna. Sang-ayon siya sa pakialamerang iyon? Walang kwenta. Magsama silang dalawa!
Napatingin ako sa pinto ng klase nang makitang pumasok ang iba pa naming kaklase. Sa ngayon ay nasa kalahati pa lang kami kaya medyo tahimik pa. May nagku-kwentuhan ngunit hindi naman malakas ang paguusap. Parang kami lang ditong tatlo. Kaya lang, mukhang nawalan na ako ng gana pa rito. Parang gusto ko na lang lumabas ng klase at maglakad-lakad.
"Bwisit," bulong ko habang matalim na nakatingin sa kanila na kasalukuyang naguusap.
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.