Third Person's POV
Halo-halong emosyon ang nararamdaman nilang lahat ngayon. Hindi nila alam kung bakit ang itim na usok na iyon ay naging ang gurong-tagapayo nila na si Miss Laura. Walang ideya ang halos lahat sa kanila. Maliban lamang sa dalawa na sina Heather at Krylle.
"A-anong opposite?!" Nagtataka at naguguluhang tanong ni Kei kay Krylle.
"Ang ibig kong sabihin---"
Hindi na naman naituloy ni Krylle ang sasabihin niya. Ngunit sa pagkakataong ito, ay dahil naman ito sa gurong-tagapayo nila na si Miss Laura.
"Sige! Sabihin mo! Nang tapusin ko na ang mga maliligayang araw mo," sabi ni Miss Laura kasabay ang isang nakakapangilabot na tingin at ngisi kay Krylle.
"Ano ba Krylle! Magsalita ka na!" Sigaw ni Heather.
"Ayoko! Natatakot ako sa maaaring gawin niya!" Naiiyak na si Krylle sa harap ng mga kaklase niya.
"Bago ko simulan ang laro, nais kong sabihin sa inyo na ang ta-tanga niyong lahat. Mga inutil. Mga Hangal. Mga walang utak. Ni hindi niyo man lang naisip sa simula pa lang na isa lamang akong opposite. Sabagay, paano niyo naman maiisip na isa lamang akong opposite e hindi niyo naman alam, wala kayong alam kung ano iyong oppposite na sinasabi ko sa inyo ngayon. Tama ba?"
"Ano bang pinagsasasabi niya? Naguguluhan ako!" Iritang sabi ni Clyde at ginulo ang buhok niya.
"Malay ko Clyde. Hindi ko rin alam kung anong pinagsasassabi niyang Miss Laura na yan. Or should I say, Opposite Miss Laura na yan," sabi ni Shanna bago tumingin kina Heather at Krylle na kasalukuyang nakikipagtitigan kay Miss Laura.
"Malapit nang magsimula ang aking inimbentong laro. Ngunit bago yan, nais ko muna kayo bigyan lahat ng babala. Una, bawal na bawal lumabas ng paaralan na ito. Ikalawa, bawal ang magtulungan. Bawal niyo tulungan ang isa't-isa. Ikatlo---"
Nahinto muna si Miss Laura sa pagsasalita nang marinig niyang magsigawan na ang mga estuydanteng nakakulong sa kanya-kanya nitong mga classroom kasama ang kanya-kanya nitong mga gurong-tagapayo.
"Bawal niyo silang tulungan. Yang mga estudyante na yan na naririnig niyo na sumisigaw sa loob ng classroom nila kasama ang gurong-tagapayo nila. Ikaapat, bawal niyong sirain ang posas. Dahil oras na iyon ay nasira, sasabog na parang bomba ang inyong buong katawan. At ang panghuli, ang ikalima, bawal kayong pumasok sa loob ng classroom niyo. Naunawaan niyo ba ang lahat ng mga sinabi ko?" pagpapatuloy ni Miss Laura.
"Ano bang pinagsasasabi niyo Miss Laura? Anong laro?" Tanong ni Mayumi.
"At isa pa pala... Maging mapag-masid sa paligid. Wag malilingat. Maging maingat. Dahil marami akong inihandang mga nakamamatay na trap sa buong paaralan na ito. Isa lang ang dapat na matira sa inyo. Kaya naman, pagbutihin ninyo," dagdag ni Miss Laura.
Ilang saglit pa, ay may itim na usok na lumitaw sa gilid nila. Kinilabutan sila bigla dahil don.
Kitang-kita nila kung papaanong ang itim na usok na iyon na nasa gilid nila ay naging tao. Kamukhang-kamukha nila.Nanlaki bigla ang kanilang mga mata nang makita nilang nakakunekta na ito sa kanila sa pamamagitan ng posas. Isang itim na posas. Mayroon rin silang nakitang kakaiba sa posas na ito. May tila pulang buton na kung ano sa gitna nito.
Natakot. Kinabahan. Nagtaka. Iyon ang nangingibabaw sa kanila ngayon. Sino ba itong kamukha nila na nasa tabi nila?
Napatingin sila bigla kay Miss Laura.
"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo." sabi ni Miss Laura sabay ngisi.
Nagimbal ang lahat nang makitang maglaho siya na parang isang bula.
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.