13. Into the Woods

836 46 36
                                        


Iris's POV

Nang matapos ang klase samin ni Mr. Consolacion ay lumabas na siya ng klase. Nagsaya ang lahat dahil uwian na. Kailangan nalang namin hintayin ang tunog ng bell at si Miss Laura.

Nasaan na ba siya?

Natahimik ang lahat nang sandaling dumating na si Miss Laura sa klase namin. Tinungo niya agad ang mesa niya at tila may ipinasok na kung anong gamit sa ilalim nito. Ang ingat niya talaga. Ni hindi namin alam kung ano bang meron doon at bawal namin pakialaman. Bwisit.

Kinakabahan ako palagi sa kanya.

Tumayo na siya at nagsalita.

"Maaari na kayong umuwi. Mag-iingat kayo," sabi niya kasabay ang pagngisi. Batid kong kinilabutan ang lahat. Nagkatinginan kami bago lumabas ng klase si Miss Laura.

Naglabasan na rin agad ang mga kaklase ko.

"Malalaman ko rin kung ano ang itinatago mo, Miss Laura," sambit ko bago sumunod sa mga kaklase kong kalalabas lang.

Ramdam na ramdam ko ang takot at kaba habang sinusundan si Miss Laura. Nasa Marcelino University pa rin kami. Medyo nagtataka ako sa tinatahak niyang daan. Hindi rito ang daan palabas sa main gate. Ang daang ito'y papunta sa likod ng school.

Nakapagtataka.

Kahit na alangan sa dadaanan ko pabalik ay sinundan ko pa rin siya papunta sa kakahuyan. Malayo na ang lugar na ito. Kaya naman hindi ko maiwasan ang kabahan. Ngayon lang ako nakapunta rito. Napaisip tuloy ako bigla. Ano ang ginagawa niya dito? Dito ba sa lugar na ito matatagpuan ang bahay niya?

Napaka-dilim dito. Liblib. Tahimik. Tanging mga tunog lamang ng kuliglig at kuwago ang iyong maririnig. Ang sarap pakinggan. Ngunit mapanganib. May mga ahas. Hindi ko sigurado subalit iyon yata ang kanina ko pa naririnig na kumakaluskos sa bawat madaranan ko.

Huminto siya sa paglalakad. Natigil ako bigla sa pagsunod at dumapa sa damuhan. Para kapag sandaling lumingon siya sa kanyang likuran ay hindi niya ko makikita.

Ang galing ng naisip ko.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko upang silipin siya. Napatayo ako bigla. Nawala siya. Saan siya nagpunta? Papaano siya nawala nang hindi ko napapansin? Nakakabigla.

Hindi nga siya pangkaraniwan.

"S-s-saan nagpunta si Miss Laura? B-bakit bigla siyang nawala?" Naguguluhan at nagtatakang tanong ko habang pinagmamasdan ang paligid.

Hindi ko na siya makita. Nakakainis. Paano na ako nito? Kailangan ko pa namang alamin ang tinatago niya. Kailangan kong matuklasan iyon. Ngunit nabigo ako. Natakasan niya ko nang hindi ko namamalayan. Kakaiba talaga siya.

Maraming bagay pa akong hindi alam sa kanya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad upang hanapin si Miss Laura. Habang naglalakad, narinig ko na naman ang mga pagkaluskos na kanina pa nagpapakaba sakin. Hindi ko alam kung saan ito nanggagaling. Nakakatakot. Nakakakilabot. Tingin ko'y may nakakita na sa aking mabangis na hayop.

Naglaho ang aking takot nang may matanaw ako sa di kalayuan na isang maliit na bahay. Wala itong ilaw. Subalit, marami naman ritong kandila na nagbibigay liwanag sa bahay na iyon. Nakakakilabot. Dahil nasa pagitan ito ng dalawang malalaking puno.

Kakaiba.

"S-sino kaya ang nakatira don? Hindi kaya... si Miss Laura?" Tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay.

Napangisi ako. Mukhang malalaman ko na ang itinatago ni Miss Laura sa aming mga estudyante niya. Ngunit sa kabilang banda, natatakot ako. Sapagkat, baka kung ano ang gawin niya sa akin kung sakaling mahuli niya ako. At kung sakaling pagmamay-ari niya nga ang maliit na bahay na ito.

Nagsimula na akong maglakad upang lapitan ito. Hindi ako lumapit ng husto dahil baka may makahuli saking pinagmamasdan ko ito. Mahirap na. Kailangan ko mag-ingat.

"M-miss Laura?" Mahina kong sabi nang makita sa loob ng bahay na iyon ang gurong-tagapayo namin.

Nakaharap ito sa mga kandilang may sindi habang nakangisi. Nakakapangilabot ang pagngisi niya. Para bang mayroong masamang bagay siyang iniisip. Ewan ko lang. Pero biglang sumama ang pakiramdam ko sa di maipaliwanag na dahilan.

Lumingon siya sa direksyon ko. Mas lalong lumakas ang kaba ko. Ilang segundo ang hinintay ko bago siya muling tignan sa kinatatayuan niya kanina. Nagulantang ako nang sandaling mawala na naman siya. Nataranta ako bigla dahil baka nakita niya ako. Hindi maaari.

Nasaan na siya?

Muli kong pinagmasdan ang paligid. Pagkatapos ay nagsimula na akong maglakad pabalik. Sana nga lang at tama ang daan na tinatahak ko. Nang sa gayon, makauwi ako sa bahay. Ayokong mag-alala sakin ang mommy't daddy ko. Tiwala lang.

Makakauwi rin ako.

Muli kong narinig ang pagkaluskos. Nagsimula na naman akong kabahan at kilabutan. Hindi ko pa rin batid kung ano o sino ang gumagawa ng pagkaluskos na iyon na kanina ko pa naririnig.

Lilingon na sana ako sa likuran ko nang may maaninag akong tao na palapit sakin. Hindi ko makita kung sino ito dahil malayo pa naman siya sakin. Ngunit habang palapit siya ng papalapit ay nakikita ko na kung sino siya. Ako? B-bakit kamukha ko siya? Sino siya? Bakit parehas na parehas kami?

Naguguluhan ako.

"S-s-s-sino k-ka?" Ramdam kong nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot.

"Ako ang opposite mo. Ako ay ikaw." Binigyan niya ako ng isang ngiti. Ngiti na nagpataas sa mga balahibo ko.

Anong opposite? Hindi ko maunawaan ang mga sinasabi niya. Nalilito ako. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o hindi. Natatakot ako sa kanya.

"Lumayo ka sakin!"

Umatras ako ng umatras habang paabante ng paabante naman siya sakin. Gusto niya 'kong hawakan. Bakit?

Sino ba talaga siya?



Third Person's POV

"Hindi kita sasaktan."

Ayaw paniwalaan ni Iris ang kahit na anong sabihin ng opposite niya. Wala naman siyang alam tungkol dito. Ang tanging tumatakbo lamang sa isip niya ngayon ay ang makauwi ng ligtas.

Iyon lang.

Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago niya napagdesisyunang tumakbo. Kailangan niyang makatakas. Nasa isip niya'y may balak itong gawin sa kanya. Kahit na hindi naman ito ang nasa isip ng opposite niya.

Takot lang siya talaga.

Sumunod ito sa kanya sa pagtakbo. Nais lang naman nitong makipag-usap sa kanya. Gusto nitong makipaglaro. Ngunit ayaw niya. Natatakot kasi siya at hindi siya kumportable.

Napahinto siya sa pagtakbo nang mapansin niya na mayroong tila sinulid na matalim na nasa daraanan niya. Kumislap ito. Nakasisiguro siya sa nakita niya. Kailangan niyang mag-ingat.

Mabuti na lamang at hindi siya dumiretso. Dahil kung hindi, katapusan na niya. Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata na nagpira-piraso ang katawan ng isang uwak nang lumipad ito doon. Tama nga ang hinala niya. May panganib na nag-aabang sa kanya doon.

Lumingon siya sa kanan niya nang makitang tumatakbo pa rin ang opposite niya. Gusto niya itong iligtas. Kailangan niya itong tulungan.

Dali-dali siyang tumakbo upang subukang pigilan ito dahil may patibong rin sa daraan nito na gaya ng nakita niya. Subalit nabigo siya. Hindi siya napansin nito kaya nagpatuloy pa rin ito sa pagtakbo. Napatakip siya sa kanyang bibig nang makitang nagpira-piraso ang katawan nito.

"HINDIIIII!!!!!" Naiiyak na sigaw niya.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang magpira-piraso rin ng katawan niya. Hindi niya alam na magkakonekta silang dalawa. Kung anong nangyari sa opposite niya, ay siya ring nangyari sa kanya.

Pira-piraso.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon