Chloe's POV
"Katapusan mo na." Nginisian nila kami na labis kong ikinairta.
Binaling ko ang tingin ko sa opposite ko at nakita kong sobra ang inis niya dahil sa yabang na pinapakita ng dalawa. Ayokong kabahan pero nang makita ko ang hawak na palakol ng isa sa kanila, parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa.
Kaya ba namin silang tapusin gamit lang ang baril na hawak ko, at punyal na hawak niya? Piling ko hindi. Hindi sa wala akong bilib sa sarili kong kakayahan ngunit para sakin kasi ay nakakalamang sila sakin dahil sa mga sandatang hawak nila.
"Barilin mo sa ulo ang isa sa kanila," dinig kong bulong ng opposite ko.
Nginisian ko siya bago ako tumango. Tama siya. Isa lang ang mapatay ko ay patay rin ang isa. Nakakonekta nga pala kami sa mga opposite namin. Muntikan ko na makalimutan. Kaya labis ang pagiingat ko kanina at baka masugatan ang isa samin o di kaya'y mamatay.
"Umpisahan na natin," sabi ko sa kanila at nakakalokong ngumiti.
Napangiwi ako ng ngumisi naman sila. Mga leche. Hindi talaga sila natatakot samin. Bakit? Ilan na ba ang napatay nila? Imposibleng wala dahil alam kong may alam siya sa mga ganito. May alam siya sa pagpatay bagama't hindi siya isang kriminal. Hilig niya ang panunuod ng mga action films. Ako ang palaging kasama niya manuod kaya alam ko. Iyon ang dahilan kaya iniiwasan ko siya.
Mahirap siyang kalaban. Sigurado ako. Alam niya ang bawat pag-atake ng isang tao. Alam rin niya kung paano ito kontrahin at ang masaklap ay marunong rin siya gumamit ng iba't-ibang kagamitan. Na akin namang kahinaan.
Baril ang hawak ko. Sabi nila ito na daw ang pinaka-malakas dahil isang tama lang at may mapapatay ka na. Ewan ko lang. Hindi ako marunong gumamit nito at lalong di ako asintado. Oo natamaan ko si Clyde kanina. Tiyamba ko lang siguro 'yon. Wala talaga akong alam dito. Ang tanging alam ko lang naman ay magbasa ng mga pocketbooks at manuod ng mga koreanovelas.
Bahala na nga. irita kong sabi sa isip ko.
"Kung ganon, uumpisahan na namin," sambit ng isa sa kanila.
Nanlaki ang mga mata ko nang ihagis nito samin ang hawak nitong palakol. Masyadong mabilis ang pagtravel nito samin kaya hindi na namin nagawang umilag. Mabuti na lang at sa gitna namin ito dumaan. Nadaplisan nito ang posas na nakakunekta samin. Kinabahan ako ng sobra. Kung saka-sakaling nasira pa naman iyon at katapusan na namin. Isa sa mga rules na bawal sirain iyon. Muntikan na kami doon. Mga bwisit talaga ang dalawang ito.
"Mga tanga," bulong ng opposite ko. Nakita kong may kinukuha siya sa likod niya. Hindi ako makapaniwala nang mapag-alamang isang bala iyon ng sumpak. May taglay iyong lason. Isang tama lang at tapos ka na.
"Gawin mo ang sinabi ko sa'yo kanina. Maliwanag ba?" Tumingin siya sakin at ngumiti. Tumango lang ako dahil nakukuha ko ang punto niya. Patayin ang isa at tapos ang dalawa. Handa na akong tapusin sila.
"Aaaahhhh!!!"
Tumakbo pababa ng hagdan ang dalawa at sumugod samin. Hindi maalis ang ngisi sa labi ko. Mga atat silang manalo. Wala silang kaalam-alam na may baril ako. Isang tama lang sa ulo at tapos na rin sila sa wakas. Kailangan kong mag-focus. Diretso ang tingin at sa ulo ang target.
"Akala niyo siguro'y maiisahan niyo kami."
Huminto sila sa pagsugod nang nasa kalagitnaan na sila ng hagdan. Kinabigla ko nang may latigo na hawak ang isa sa kanila. Nang sundan ko ito ng tingin ay tsaka ko lang napansin na nakapulupot pala ang dulo nito sa binti ko.
Nagkatinginan kami ng opposite ko at ilang saglit pa'y naramdaman kong hinila na ang latigo kaya natumba kaming dalawa.
"Aray," inda ko nang sumakit ang ulo ko. Parehas na kaming nakahiga ngayon ng opposite ko at iniinda ang sakit ng ulo.
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.