Christopher's POV
"Kayanin mo! Hindi tayo pwedeng mamatay dito!" Sigaw ko sa opposite ko nang atakihin kami ni Tagakashi at ng opposite rin nito.
Kumunot ang noo ko dahil sa sitwasyon ko ngayon. Ang hirap nito. Tatanga-tanga ang kabaliktaran ko. Baka magdulot ito sakin ng kapahamakan at ikamatay ko pa.
Hindi ko iyon dapat na hayaan.
Binuwelo ko ang hawak kong latigo na napulot ko lang kani-kanina. Hindi ko alam kung saan ito galing at kung sinong may hawak nito. Dinampot ko na lang ito agad dahil magagamit ko ito. Medyo bihasa ako sa paggamit nito dahil may ganito kami sa bahay na pagmamay-ari ni papa. Wala akong ideya kung bakit siya may ganito ngunit ang palagi niyang sinasabi sakin ay importante raw ang latigo na iyon sa kanya.
Ibinalik ko agad ang aking sarili sa realidad.
"Huwag mong gawin yan!"
Natigilan ako sandali nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Si Chloe. Nakatayo lamang siya sa gilid at nagtatago kasama ang opposite niyang nanlilisik ang mga mata. Medyo kinabahan ako sapagkat alam kong sakin sila nakatingin. Tila ba gusto ako paslangin ng kabaliktaran niya.
"Umilag ka!"
Napayuko ako bigla nang sumigaw ang opposite ko. Nakayuko rin siya gaya ko. Napalunok ako nang makita ang weapon na hawak ni Tagakashi. Isang mahabang kadena na may bola sa dulo na maraming patusok. Hindi ko alam kung anong tawag sa kagamitang iyon subalit alam kong mapanganib iyon. Sobrang mapanganib. Kaya nun makapatay ng tao sa isang iglap. Hindi ako maaaring magkamali. Nakita ko na iyan minsan sa mga palabas na pinapanood ko. Kinilabutan ako bigla at pinagpawisan.
Matatalo kaya namin sila?
"Takbo!" Sambit ko bago hilahin ang opposite ko nang makatayo na kami.
Hingal na hingal kami habang dire-diretsong tinatahak ang daan papasok ng building ng Marcelino University. Ewan ko kung bakit subalit biglang nawala ang tapang ko. Nanghina ako bigla nang makita ang weapon niya. Deadly weapon. Hindi yata namin sila kayang talunin. Isang latigo at baseball bat lang ang nakuha namin ng kabaliktaran ko.
Luging-lugi kami sa kanila.
"Sige, takbo pa! Tumakbo kayo!"
Nagkatinginan kami ng opposite ko nang marinig ang pagsigaw na ginawa ng isa sa kanila. Nagtanguhan kami at binilisan pa ang pagtakbo papunta sa hagdan. Naisip ko'y sa ibang palapag kami magtago dahil nababatid kong mahihirapan silang mahanap kami kapag ganon. Kailangan namin maging matalino. Kailangan naming maging maparaan. Lalo pa't ayaw ko pang sapitin ang aking nalalapit na kamatayan.
Tatakas kami hangga't maaari.
Kyle's POV
Sinenyasan ko ang opposite ko na magtago na muna kami. Hindi kami dapat kumilos ng basta-basta. Mapanganib. Ayokong may masugatan o mamatay ni isa saming dalawa sapagkat magiging sanhi iyon ng aking katapusan.
Hindi ko pa oras upang mamatay.
"Makinig ka sakin. Gamitin mo 'yang pana na yan upang atakihin sila. Sa likod tayo gagawa ng pag-atake. Wag kang mag-alala dahil akong titingin sa paligid kung may magtangka man satin. Akong bahala. Basta ang kailangan mo lang gawin ay panain sila," bulong ko habang nakatitig sa mga mata niya.
"Sumasang-ayon ako," sabi niya at nagsimula nang maghanda.
Napangisi ako dahil napasunod ko siya. Totoo ngang siya ang kabaliktaran ko. Madaling mapaamo at sumusunod sa lahat ng anomang iutos. Nakakatawa. Ngunit magagamit ko ito upang mapaslang ang mga kaklase ko. Wala akong ibang hahangarin ngayon kungdi ang manalo sa larong ito. Matagal na panahon na akong naging talunan. Sa pag-ibig maging sa iba pang mga bagay. Kaya handa akong gawin ang lahat upang tanghalin na panalo. Kahit na maraming buhay pa ang maging kapalit nito.
Nakahanda ako.
"Sinong uunahin ko?"
"Piliin mo kung sino ang sa tingin mo'y madaling maapektuhan. Maaaring si Dorothy o si Hailey. Ikaw na ang bahalang mamili sa kanila. Husayan mo nang sa gayo'y hindi ka pa tuluyang mawala."
Tumango siya. Sinimulan na niya ang kanyang gagawin. Nakararamdam pa rin ako ng kaba habang nakikitang tinututok na niya ang palaso. Para bang, nagkamali ako. Mukhang mali yata ang inasta ko. Dapat hindi ako naging makasarili. Dapat pinairal ko ang pagkakaibigan namin. Ngunit papaano ko gagawin yon kung ang tumatakbo rin sa isip nila, ay ang patayin ako?
"Katapusan mo na, Hailey," bulong niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may humampas ng ulo niya. Natumba siya't nawalan ng malay sa sahig.
Nabitawan ko bigla ang hawak ko. Akmang Lilingon pa sana ako upang alamin kung sino ang taong 'yon nang makaramdam ako ng pagkahilo matapos may tila humampas rin ng ulo ko. May likido akong nakakapa sa mukha ko.
Ano 'yon?
Nanghina ako't tuluyang nawalan ng malay sa lupa kasama ang kabaliktaran ko.
"Sorry kyle, masyado kang tanga."
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.