Dorothy's POV
Nakangiti akong pumasok sa loob ng klase. Sa akin sila nakatingin lahat. Bakit? Nalate lang naman ako ng ilang minuto ngunit ang mga tingin nila, para bang may ginawa akong masama sa kanila. Nakakairita. Hindi ako sanay na pinagtitinginan ng nakararami.
Isang manyak ang sumalubong sakin. Nakangiti siya at mukhang may sasabihin. Wala akong panahon makipag-usap sa mga gaya niya. Inaaksaya niya lang ang oras niya sa gaya ko. Wala siyang mapapala.
"Nang-iinis ka ba?" Tanong ko sa kanya. Harangan ba naman ang daraanan ko. Nakakainis. Nagmamadali na nga ako dahil may pag-uusapan pa kami nila Hailey.
Iniinis niya talaga ako!
"Goodmorning Dorothy," bati niya sakin. At aba, ngumiti pa. Manyak talaga 'tong lalaking ito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa utak ko ang ginawa niya sakin kahapon. Hinalikan niya ako sa pisngi! Leche! Ngayon lang may gumawa sakin ng bagay na iyon. Hindi ko talaga inaasahan ang pangyayaring iyon.
Nakakabigla.
"Patawarin mo sana ako sa ginawa ko kahapon. Napagtripan na naman ako ng mga tropa ko. Sorry talaga." Tumingin siya sa mga mata ko. Bumilis naman bigla ang tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang mainis.
Bakit ko ba 'to nararamdaman sa kanya?
"Kalimutan mo na 'yon. Umalis ka sa daraanan ko pwede ba?" Malumanay kong sabi.
Weird. Hindi ako nagalit sa kanya. Ewan ko kung bakit. Siguro kasi pinaniniwalaan ko ang sinabi niya? Posible. Kasi yung mga tropa naman pala niya ang nag-utos sa kanya. Mukhang napilitan nga lang siya.
Todo kung maka-sorry e.
"Salamat."
Sa wakas ay umalis na rin siya at naupo.
Napairap ako nang mapagtantong nakatingin pa rin sakin ang lahat. Lumakad na ako at naupo na rin sa upuan ko. Tumungo ako upang hindi ko makita ang mga pagmumukha nila.
Nakakairita.
Miss Laura's POV
Napaka-lapad ng ngiti sa labi ko habang nakaharap sa isang malaking salamin na matatagpuan sa loob ng lihim na silid na kinaroroonan ko. Masayang-masaya ako sapagkat batid ko na magiging interesante ang larong inimbento ko oras na malaro na ito ng mga estudyante ko sa araw na itinakda.
"Ngayong hawak ko na ang kanilang mga buhay, kinakailangan na nilang sundin ang lahat ng ipag-uutos ko. Dahil... mga laruan ko na sila ngayon. At ang mga laruan, ay pinag-lalaruan," sabi ko at agad na pumorma sa aking labi ang isang nakakatakot na pagngisi.
Iris's POV
Tulalang nakatingin lamang ako habang nakasilip sa bintanang nasa tabi ko. Ang klase kasi namin ay nasa may gilid. Kung kaya't nakikita ko ang labas ng aming paaralan.
Hindi ko pa rin kasi lubos maisip kung bakit ganon ang gurong-tagapayo namin. Bakit ganon si Miss Laura? Alam kong may kakaiba sa kanya. Alam kong may nililhim siya. Nababasa ko ito sa bawat galaw at pagngiting ginagawa niya sa harapan namin.
Ano ang tunay na pagkatao niya?
"M-may bumabagabag ba sa'yo?"
Napatingin ako bigla sa taong tumabi sakin. Si Carl. Napansin niya yata na malalim ang iniisip ko kaya naudyukan siyang kausapin ako.
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.