Iñigo's POV
Diininan ko pa ang sakal ng kandena sa leeg ni Shanna. Nakakapanggigil talaga ang mukha niya. Hanggang ngayo'y hindi pa rin mawala sa utak ko ang imahe niya kanina. Tuwang-tuwa habang sinasaksak si Hailey. Hindi ako makakapayag. Magbabayad siya sa kahayupang ginawa niya sa kababata ko.
Sisingilin ko na siya ngayon.
"Bakit mo ginawa sa kanya ang bagay na 'yon?! Ha?!" Pinandilatan ko siya ng mata. Nilakasan ko ang boses ko para matakot siya. Kailangan niyang matakot sakin. Mas magiging madali kung mapapaniwala ko siyang matapang ako at gusto ko siyang patayin agad. Kahit na ang totoo'y nag-aalangan ako dahil babae siya. Ewan ko ba. Nahihirapan ako pagdating sa kanya.
"T-tapos k-ka na ba?" Nagulat ako sa pagngising ginawa niya. Isang saksak ang ginawa niya sa opposite ko sa balikat nito kaya naluwagan ko ang pagkakasakal sa kanya ng kadena hanggang sa tuluyan na nga siyang nakalayo sakin. Sinipa niya ko palayo at natumba kami sa sahig ng kabaliktaran ko.
Tinawanan ko lang silang dalawa.
"H-hayop kayo!" Bulalas nilang dalawa habang hinihimas ang leeg nila at ubo ng ubo. Nakakatawa talaga. Nahihirapan silang huminga.
"Sh*t," mura ng opposite ko habang sinusubukang silipin ang sugat na tinamo namin sa balikat. Bwisit talaga kahit kailan ang babaeng iyon. Magpahanggang-ngayon.
"Hindi ka ba nasaktan sa ginawa nila?" Tanong niya sakin habang nakatingin sa dalawa na pana'y inda ng leeg ng mga ito.
"Nasaktan. Pero siyempre, hindi natin dapat ipakita sa kanila na mahina tayo. Mahihirapan tayong talunin sila kapag nalaman nila ang kahinaan natin. Takot akong may mamatay na isa satin," wika ko sabay tingin sa kanya. Nagkangitian lang kaming dalawa.
Isang ngiti ang pinakawalan ko at isang pagngisi naman ang isinukli niya. Nabuhayan ako bigla ng loob nang dahil sa kanya. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang ginawa at gagawin ang mga bagay na ito. Mahirap, ngunit kailangan kong kayanin. Alang-alang sakin at sa kabaliktaran ko.
Ako ang tatapos ng larong ito.
"Nakakaiyak naman kayo." Tinitigan ko ng matalim ang dalawa. Mga nang-iinis talaga. Sinasagad talaga nila ang pasensya ko. Sinusubukan nila akong mainis para ako ang unang gumawa ng pag-atake sa kanila. At mukhang malapit ko na ngang gawin. Ngunit hindi pwede. Paano kung maunahan nila kami? Paano kung kami ang mamatay imbis na sila ng opposite niya? Hindi ako makakapayag!
"Walanghiya ka!" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumugod ang opposite ko. Wala akong nagawa kungdi ang sumunod sa kanya.
Nginisian lang nila kami habang pasugod kami sa kanila. Bigla akong kinabahan. Hindi magandang ideya ang pag-atakeng ito. Mapanganib at wala pang kasiguraduhan. Dito na kaya matatapos ito? Mamamatay na ba ako?
"Aaaaahhhhh!!!" Sigaw ko at ibinuwelo ang hawak kong kadena sa kanila. Naipulupot ito ni Krylle sa espadang hawak niya. Mahusay. Nanlabot bigla ang tuhod ko nang maagaw na nila nang tuluyan ito.
Natigilan ang opposite ko bago pa man kami makalapit sa dalawa. Napaatras kami bahagya nang umabante sila. Biglang naputol ang sungay ko. Nawala ang tapang ko at ngayo'y takot na takot na ako. Malayo sa opposite ko na ganadong-ganado pa rin na kalabanin ang dalawa. Kailangan ko siyang pigilan anoman ang mangyari. Kailangan mapakalma ko siya. Mapapahamak kami kapag ganito ang asta niya.
"Bakit tila yata kinakabahan ang isa sa inyo?" Sabay tingin sakin ng isa. Napayuko ako dahil ayokong makita nila ang takot sa aking mga mata. Hindi ako magpapatalo. Hindi sila ang magpapabagsak sakin sa larong ito. Dahil ako si Iñigo, at ako ang mananalo!
"Tumahimik ka! Ang dami mong sinasabi!" Sigaw ng opposite ko habang naghahanda. Mukhang may balak na naman siyang umatake. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa kinatatayuan ko. Maling-mali na ang inaasta niya ngayon.
"Tatapusin ko na 'to," sambit niya kasabay ang pagngisi. Tumingin siya sakin at tumango. Mukhang gusto niyang mangialam rin ako dahil dalawahan ang labanan.
Bahala na. sabi ko na lang sa isip ko.
Agad akong napakilos nang sumugod na ang opposite ko. Papikit-pikit ako habang pasugod kami. Hindi ko talaga alam kung anong kahahantungan nito. Maaaring isa samin ang mamatay o parehas namin itong ikamatay. Oo nga pala, parte iyon ng laro. Marami na ang namatay at nasusundan pa.
Kami na kaya ang sunod?
"Siraulo ka!" Sigaw ng dalawa nang saksakin ng opposite ko ang dibdib ng isa sa kanila. Nasundan pa iyon ng isa pa hanggang sa hindi na mabilang. Natumba ang dalawa at walang nagawa. Patuloy lang sa pagsaksak ang opposite ko habang tulala ako. Hindi ko inakalang hahantong sa ganito ang kasamaan niya. Oo, masama ako. Ngunit mas masama siya. Iyon ang kaibahan naming dalawa. Nakakakaba at nakakakilabot ang pinapakita niya ngayon. Hindi siya ganyan kanina. Nilamon na nga siya talaga ng kadiliman. Pagpatay at dugo na lang ang mahalaga sa kanya ngayon.
"Tama na," iyon lang ang tanging nasambit ko sa lahat ng nagawa niya. Tuwang-tuwa siyang huminto sa pagsaksak at tila baliw na ngumiti sakin. Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa.
Mariin niyang sinaksak ng kutsilyo ang mata niya. Paulit-ulit. Dumugo iyon at ganon rin ang nangyari sakin. Nanlambot bigla ang buong katawan ko habang siya'y patuloy lang sa kanyang ginagawa. Wala akong ideya kung anong pumasok sa isip niya at nagawa niya ang bagay na iyon subalit isa lang ang ibig sabihin nito. Mukhang hindi na ako makapagpapatuloy pa sa laro.
"Ayoko na," ngumisi siya't tinigil ang pagsaksak sa kanyang kaliwang mata. Isang pagsigaw lang ang nagawa ko nang saksakin niya ako ng kutsilyo sa aking kanang mata.
Kadiliman.
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.