40. The End is Near

389 10 2
                                    


Austin's POV

Sa mga nangyayari ngayon, wala akong ibang masabi kungdi ang "Ako na ang panalo." Natitiyak kong ako na ang mananalo sa larong ito. Paano ko nasabi? Dahil marami akong alam sa mga bagay na ito. Hindi ako isang kriminal pero mahusay ako gumamit ng kahit na anong sandata. Idagdag mo pa ang palagi kong panunuod ng mga action movies. Karagdagang kaalaman para sa kagaya kong mahilig makipaglaban.

Isa akong basagulero sa dati kong university. Iyon ang isang bagay na hindi ko inaamin o sinasabi sa mga kaklase ko ngayon maging sa mga bagong kakilala ko. Ayokong malaman nila ang tunay na ako. Dahil alam kong magagamit ko rin iyon, pagdating ng panahon. Gaya na lang ng nangyayari sa paaralan namin ngayon.

Ginawa kaming kalahok para sa isang inimbentong laro ng gurong-tagapayo namin na isa naman palang huwad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko sa kanya. Hndi pala siya ang totoong Miss Laura.

Inisip ko na ganon talaga ang pag-uugali ng guro namin ngunit hindi pala. Nagpapanggap lang pala ang bwisit na Laura na iyon. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung nasaan ang orihinal na Miss Laura. Dahil ilang buwan na rin ang lumipas at itong peke pa rin ang nakakasama namin magpahanggang ngayon sa mga sandaling ito.

Nang ibalik ko ang sarili ko sa realidad, tuwang-tuwa kong pinagmasdan ang wala nang buhay na katawan nina Ivanna at Kyle. Ang dalawang ito, mga madaling isahan.

Si Ivanna, papatayin na niya sana itong si Kyle ngunit hindi niya napansing nasa likod na niya ako at ang opposite ko. Kaya naman, nabago ang posibleng mangyari. Nabuhay si Kyle at si Ivanna ang namatay.

Pero hindi pangmatagalan ang pagiging buhay ng Kyle na iyon. Dahil wala sa plano ko ang maawa sa kahit na sino sa kanila. Kahit na sino sa mga kaklase ko. Pare-parehas lang sila. Hangad rin nila ang kamatayan ng bawat isa samin.

"Konti na lang ang natitira. Malapit na akong manalo," bulong ko at ngumisi sa opposite ko. Ngumisi rin siya sakin ay sinenyasan niya akong kailangan na naming lisanin ang silid na iyon. Siguro kasi nasusuka na rin siya gaya ko sa nakikita namin ngayon.

Tumango lang ako sa kanya at sabay kaming lumabas ng silid na iyon. Pagkalabas namin, ay hindi ko inasahan ang makikita ko. Ang daming patay na estudyante ang nagkalat. Hindi ko alam kung paano pero bigla na lang akong kinabahan.

Mukhang kailangan ko pa ring magingat---namin. Kaming dalawa ng opposite ko, dahil magkakonekta kami. Kapag may nangyaring masama sa kanya, damay ako. Kapag nasugatan siya, magkakasugat ako. Kapag namatay siya, mamamatay rin ako. Hindi ko iyon dapat hayaan na mangyari. Paano na lang ang pinaghirapan ko? Tatlo na ang napatay ko. Konting tiis na lang at mananalo na rin ako sa larong ito. Sinisiguro ko yan.

"May ideya ka ba kung paano sila namatay?" Tanong ko sa opposite ko. Umiling-iling lang siya sakin.

Maging siya'y walang ideya kung paano ang mga ito nangyari. Bago kami pumasok ng silid sigurado ako, malinis ang daang ito. Walang bahid ng dugo at walang mga patay na estudyante. Tapos malaman-laman nalang namin na ganito na pala ang nangyari? Hindi lang pala kaming magkakaklase ang pumapatay dito. Mukhang may iba pa. Kung sino, hindi ko alam.

Akmang lalakad na sana kami nang isang itim na usok ang humarang samin. Napaatras kami habang unti-unti itong nagiging tao sa harapan namin. Sinasabi ko na nga ba. Tama ako. Siya nga.

"Anong kailangan mo samin, Miss Laura?" Tanong ko at isang pagngisi ang pinakawalan ko sa kanya.



Third Person's POV

Isang malakas na pagsigaw ang pinakawalan ni Miss Shery nang magunahang lumabas ang mga estudyante niya nang sandaling magbukas ang classroom nila. Ang Section Mordred. Madapa-dapa pa siya palabas para lang paalalahanan ang mga ito. Subalit huli na siya. Sapagkat nang makalabas siya nang klase'y nadatnan na niya ang mga estudyante niya na mga wala nang buhay. Sa isang iglap ay nawala ang mga ito.

Napaka-walangkwenta niya. Ito ang paulit-ulit na sinasaksak niya sa kokote niya. Wala siyang utak. Ni hindi niya napigilan ang mga estudyante niya. Namatay ang mga ito dahil sa kanya. Isa siyang sumpa. Siya ang pumatay sa sarili niyang mga estudyante.

"Wala akong kwentang guro!" sigaw niya habang umaatras. Nagsimula na siyang umiyak. Natigilan na lang siya nang makarinig ng nakakangilong ingay. Nang tumingala siya'y wala siyang kahit na anong nakita. Ngunit pagtalikod niya, hindi niya inaasahan ang bubungad sa kanya.

Isang lumilipad na palakol!



Miss Laura's POV

Isang makabuluhang pagngisi ang ginawa ko nang makita ang isa sa apat na lang na natitira sa larong inimbento ko. Si Austin. Tatlo na ang napapatay niya sa laro at natutuwa ako rito dahil sa taglay niyang tapang. Kakaibang abilidad ang ipinamalas niya sa akin sa kasagsagan ng laro. Hindi ko iyon inaasahan. Tuwang-tuwa ako sa isang 'to. Sa palagay ko'y siya na ang mananalo sa laro.

Kaya ko siya hinanap ay upang paalalahanan. Bigyang impormasyon kung ano na ang kaganapan sa laro. Wala akong gagawing pandaraya upang manalo siya. Naniniwala naman akong kaya niyang manalo dahil sa galing niya sa paggamit ng mga armas.

"Bakit mo ako hinanap Laura, ha?!" Medyo galit na ang tono niya habang nakatitig sa akin. Mukhang may balak pa yatang atakihin ako nito dahil napapahigpit ang hawak niya sa palakol.

"Wag mong aksayahin ang oras namin. Malapit nang matapos ang laro," sabat ng opposite niya. Nginiwian muna ako nito bago ito umiwas ng tingin. Napatawa lang ako.

"Mga hangal. Sinadya ko kayo dahil nais kong magbigay ng kaunting impormasyon patungkol sa kaganapan ng laro. Sa ngayon, apat na lang kayong natitira. Ikaw, si Chloe, si Jake, at si Augustus. Tatlo ulit ang kailangan niyong patayin at kayo na ang tatanghalin kong panalo." Nginisian ko lang sila bago ako lumingon sa paligid.

Napaka-raming bangkay ng estudyante ang nagkalat. Ang ganda pagmasdan. Ganito ang gusto ko parating makita. Dugo... maraming dugo at lamang-loob. Pugot na ulo at lasog-lasog na katawan. Ito talaga ang nagpapatindi ng sayang nadarama ko.

"Goodluck," wika ko bago maging isang itim na usok at umalis na.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon