Shanna's POV
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang pinaguusapan namin ng mga kaibigan ko ang tungkol sa mga nakakatawang karanasan namin sa jeep. Halos maluha na nga ako sa katatawa dahil sobrang epic talaga ng mga naging karanasan namin.
Ang ikinuwento ko ay yung nangyari noong isang buwan.
Pauwi na ako nun galing sa bahay ng kaibigan kong si Sassy at naghihintay ako ng jeep na masasakyan. Masyado kasing malayo ang bahay namin mula doon kaya hindi pwedeng lakarin. Saglit lang akong naghintay doon sa kalsada at may humintong jeep sa harapan ko. Pasakay na sana ako nun nang biglang pinaandar ni manong driver. Napatakbo tuloy ako nang wala sa oras pero mabuti na lang at nakasakay pa rin ako.
Lecheng driver iyon.
Nang si Thara na ang magkuwento, wala na. Tila masisiraan na ako ng bait sa kakatawa. Ibang klase kasi siya magkuwento. Talagang ina-acting niya pa sa harapan namin ang nangyari sa kanya nung mga panahong iyon. Maging siya'y hindi mapigilang matawa dahil nasapak niya ang lalaking katabi niya nang biglang huminto ang jeep na sinasakyan niya.
Napatingin ako sa mga kaklase ko dahil sa aming tatlo na nakatuon ang mga atensyon nila. Nagbubulungan sila at mukhang naiinis sila sa ingay na ginagawa namin. Napairap lang ako sa kanila. Ano bang pakialam nila kung magtawanan man kami? Bakit, hindi ba sila nakikipagusap sa mga katabi nila? Kaninang sila ang nagiingay hindi kami nagrereklamo tapos ngayong kami, tila bwisit na bwisit sila? Leche.
"Hi. Ako nga pala si Iris. Maaari ba akong sumali sa usapan ninyo?"
Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Nasa harapan namin siya at nakangiti. Ewan pero nang makita namin ang ngiti niya ay nahawa na rin kami. Nawala ang inis sa mga mukha namin at napalitan na ng saya habang nakatingin ng diretso sa kanya.
Umupo siya sa bakanteng upuan sa kanan ko. Nakatingin pa rin siya samin at mukhang hinihintay niya kaming sumagot sa tanong niya. Sa akin, wala namang masama. Mas okay nga yun kung tutuusin dahil madadagdagan na naman ang kaibigan ko dito sa Marcelino University.
"S-sure. Okay lang naman diba Sapphire, Thara?" Tumingin ako sa dalawa at tumango lang sila sakin biglang pagpayag nila.
"O-oo naman. Walang problema," nakangiting sabi ni Thara sabay tingin samin ni Sapphire.
"Ako nga pala si Sapphire. Nice to meet you."
Nilahad ni Sapphire ang kamay niya at nagkamayan sila ni Iris. Sunod akong nagpakilala at nagkamayan rin kami. Pangatlo si Thara habang tuwang-tuwa sa pagka-pony ng buhok ni Iris. Naaalala raw kasi niya ang pagiging cheerleader niya rito. Ganon raw kasi parati ang ayos ng buhok niya sa tuwing lumalaban sila sa ibang universities.
"So, ano bang pinaguusapan niyo?" Tanong ni Iris. Isa-isa niya kaming tinignan kaya nagkatinginan din kami.
"Yung mga nakakatawang karanasan namin sa jeep," sagot ko at pasimpleng tinignan ng masama ang tatlong babae na nakaupo sa harap ng klase.
Kung hindi ako nagkakamali, sina Lucy, Miyuki, at Ivanna ang tatlong iyon. Mga maldita sila at mahilig mambully. Well, subukan lang nila akong pagtripan at mahahanap nila ang hinahanap nila. Ang lakas ng loob makipagtitigan sakin ngunit nang inirapan ko'y dali-dali namang umiwas ng tingin. Psh. Mga takot naman pala.
"Ikaw, may nakakatawa ka bang karanasan sa jeep?" Curious na tanong ni Sapphire. Nilapit pa nito ang mukha nito sakin habang hinihintay ang sagot ni Iris.
"M-meron," sagot ni Iris tsaka saglit na nagisip, "Nasubsob ako sa lalaking katabi ko nang huminto ang jeep na sinasakyan ko. Nagbabasa kasi ako ng libro nun kaya ayon."
![](https://img.wattpad.com/cover/34798196-288-k860255.jpg)
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.