19. Bloody Doll

752 32 37
                                    


Lucy's POV

Tahimik lamang akong nakaupo sa sofa habang nanunuod ng horror movie sa flatscreen tv namin dito sa sala. Nai-pause ko bigla ang pinapanuod ko nang makarinig ng kalabog sa kusina at tila ba may nabasag. Napairap tuloy ako. Sigurado akong si Augustus na naman iyon. Ang step-brother kong di maingat kumilos. Sa katunayan nga niyan halos siya lahat nakakabasag ng pinggan. Nakakairita talaga siya.

"Hoy Augustus! May nabasag ka na naman?!" Galit na sigaw ko habang nakatingin sa kusina.

Nagtaka ako kasi wala akong makitang tao. Madilim ang kusina namin. Nakapagtataka. Sa pagkakaalam ko'y binuksan ko ang ilaw doon kanina. Paano nangyaring patay na ito ngayon? Si Augustus, pinagtitripan naman yata niya ako. Siraulo talaga ang step-brother kong iyon.

Loko-loko.

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang biglang lumitaw sa harapan ko si Augustus nang sandaling ibalik ko ang atensyon ko sa tv. May hawak siyang chainsaw. Nakangisi siya sakin at salubong ang mga kilay niya. Isang bagay lang ang sumagi ko sa isipan ko ngayon. Hindi siya ang Augustus na step-brother ko. Hindi siya yan. Isa siyang impostor. Kung ganon, sino siya?

"Itigil mo nga yan! Hindi mo ko maloloko! Alam kong peke lang yang hawak-hawak mo! Hindi ako tanga gaya mo!" Tapang-tapangan kong sabi bago umirap. Hindi ko kailangang ipahalata sa kanya na natatakot ako.

Isa akong malditang babae sa totoo lang. Mahilig akong makipag-away at magpahiya ng mga kapwa ko estudyante. Ganon ang ginagawa naming mga Hell Dolls. Ang grupo namin nina Miyuki at Ivanna. Kaya lang ngayon, dalawa nalang kami. Lima sana dapat kami kaso hindi sumali sa grupo namin sina Krylle at Heather. Mga bwisit talaga.

Umurong ang sungay at buntot ko dahil sa Augustus na kaharap ko ngayon. Ibang-iba sa Augustus na kilala ko. Malayong-malayo.

Nagsimula na akong kabahan. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil alam ko na ang nangyayari ngayon. Tsaka lang nagsink-in sa utak ko na...

Nasa panganib ako.

"Peke pala... Iyon pala ang akala mo... Pwes, ipapakita ko sa'yong totoo 'to." Ngumisi siya na labis kong ikinatakot. Nangatog ang tuhod ko at nanlambot ako.

Nakakatakot siya.

Gulat na gulat ako nang paandarin niya ang chainsaw sabay sira sa isa pang sofa na nasa sala namin. Hindi nga siya si Augustus. Hindi magagawa ni Augustus ang mga bagay na ito. Isang demonyo ang nasa harapan ko ngayon. At kailangan kong mag-ingat sa kanya. Kailangan ko na siyang matakasan ngayon dahil nararamdaman kong ilang saglit na lang at aatakihin na niya ako.

Muli siyang tumingin sakin. Nakakaloko ang pagtitig niya. Kinikilabutan talaga ako. Napaurong ako bigla sa pagkakaupo ko. Napangiti naman siya dahil sa ginawa ko. Nasisiraan na nga yata talaga itong impostor na ito.

Papatayin niya ko.

"A-anong gagawin mo sakin?" Natatakot na tanong ko.

Hindi siya sumagot sa tanong ko. Napasigaw ako bigla nang paandarin niya ang chainsaw sabay tawa habang galit na galit na nakatingin sakin. Dahil sa sobrang taranta ko, napatakbo ako bigla palabas ng mala-mansiong bahay namin. Nanalangin ako sa isip ko. Ngayon ko lang ginawa 'to.

Lord, iligtas niyo po ako.



Miss Laura's POV

Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan ang isa pang garapon na kamakailan lang napasama sa koleksyon ko. Ang opposite ni Mr. Alfonso Marcelino.

Nakuha ko ang opposite niya noong isang araw nang alukin ko siya ng candy. Wala naman siyang kamalay-malay na ipinahamak niya lang ang kanyang sarili sa ginawa niya.

Sa ngayon, nagdadalawang isip tuloy ako kung bubuksan ko na ba ito ngayon o bukas na lang. Tutal, bukas na magsisimula ang larong inimbento ko. Sa araw na iyon, mararanasan ng mga estudyante ko ang kakaibang karanasan. Karanasan na sa buong buhay nila'y hindi nila aakalaing magdadala sa kanila sa tagumpay o ang masaklap ay sa kamatayan. Larong magkasama ang orihinal at ang opposite. Labanan ng mga magkakaklase. Labanan para sa espesyal na premyo.

Nakahanda na kaya sila?

Kinuha ko ang garapon ng opposite ni Mr. Alfonso Marcelino. Tinititigan ko lamang ito habang pinagmamasdan ang itim na usok na nasa loob nito.

"Bukas na ang simula," sabi ko kasabay ang isang pagngisi.

Nainis naman ako bigla nang marinig ang dalawang estudyanteng bihag-bihag ko na sumisigaw upang humingi ng tulong. Napapangiti rin ako sa tuwing naririnig ko ang pagmamakaawa nila. Tuwang-tuwa ako sa ginagawa ko. At wala akong balak na itigil ito.

Sumagi sa isip ko si Lucy. Kamusta na kaya ang pakialamerang iyon? Napatay na kaya siya ng opposite ng step-brother niya? Hindi na ko makapaghintay pa sa kamatayan niya. Napangisi muna ako bago nagsalita.

"Mawawala ka na rin sa wakas, Lucy."



Third Person's POV

"Wag Agustus! Wag mo kong patayin! Tulong! Tulungan niyo ko!" Takot na takot na sigaw ni Lucy habang hinahabol siya ng opposite ng step-brother niyang si Augustus sa labas ng mala-mansion nilang bahay.

Hawak-hawak pa rin nito ang chainsaw na hawak nito kanina. Nakaporma pa rin sa labi nito ang isang pagngisi. Mukhang nasisiyahan itong paglaruan siya. Takot na takot na siya habang ito nama'y sayang-saya.

Nawawalan na siya ng pag-asa. Nawawalan na siya ng pag-asa na makaliligtas pa siya ngayon sa mga sandaling ito. Siya lang at ang step-brother niya ang alam niyang nandito.

Hindi inaasahang may opposite na darating. Wala ang mga magulang nila dahil nasa states ang mga ito. Wala na rin ang mga kasambahay nila dahil kakapalayas lamang niya rito kahapon lang.

Nakahanap siya ng mapagtataguan. Alam niyang mahirap magtago doon ngunit kailangan niyang gawin iyon. Wala na siyang pagpipilian. Kailangan niyang makaligtas sa kamatayan niya ngayon.

"Lucy... Magpakita ka na sakin... Sige ka, papatayin kita."

Kitang-kita niya mula sa ilalim ng swimming pool ang mala-demonyong mukha nito. Pinipigilan niya ang kanyang paghinga. Pero alam niya na kapag natagalan ito, ay ikamamatay niya. Kaya ang tanging hinihiling niya, ay umalis na itong nagtatangkang patayin siya. Dahil konti na lang at bibigay na siya.

Hindi na niya napigilan pa at bigla niyang naibukas ang kanyang bibig. Nakalikha ito ng pagbula sa ibabaw ng swimming pool na pinagtataguan niya. Nanlaki bigla ang kanyang mga mata. Nakita nito ang pagbulang nagawa niya bago pa man ito tuluyang umalis.

"Huli ka ngayon. Hindi ka na makakawala sakin," sabi nito at pinaandar na ang chainsaw.

Dali-daling tumakbo ito malapit sa pinagtataguan niya. Nataranta siya at napaahon agad. Habol-habol niya ang kanyang paghinga. Sobrang takot na ang kanyang nadarama. Wala na siyang kawala ngayon. Wala na siyang ligtas.

Mamamatay na ba siya?

Lumusong ito sa swimming pool. Nanghihina na siya. Paalis na sana siya nang maramdaman niyang may tumama sa ulo niya. Natumba siya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdamang dinadaanan na ng chainsaw ang katawan niya.

Inuna siya nitong gamitan ng chainsaw sa kanyang leeg paibaba. Hindi pa ito nakuntento. Maya-maya'y pinagpira-piraso naman nito ang ibabang parte ng katawan niya. Ang ulo niya, tila sinaksak ng chainsaw. Lasog-lasog na ang katawan niya. Humalo ang dugo niya sa pool maging ang mga laman niya.

"Paalam, hindi ko mahal na kapatid," sabi nito kasabay ang nakakapangilabot na pagtawa.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon