Miss Laura's POV
Napahalakhak ako ng malakas nang makitang bumagsak na rin ang garapon nina Kenn at Brix na ipinatong ko sa ibabaw ng lamesa. Sinasabi ko na nga ba. Tama ang desisyon ko na palabasin ang opposite ng dalawang iyon. May hindi magandang mangyayari.
"Malapit nang mag-umaga," sabi ko at sandaling tinapunan ng tingin ang orasan.
Madaling araw na at mukhang panahon na para tapusin ang huling tao bago ko simulan ang laro. Ang Mr. Marcelino na iyon. Kailangan na niyang mamatay. Magiging hadlang lang siya sa mga plano ko kung mananatili pa siya kaya kailangan ko na siyang tapusin hangga't may oras pa.
Pagsikat ng araw, magsisimula na ang laro. Ang inakala ng mga estudyante kong isang normal na araw ay magiging kakaiba dahil sila ang mga napili kong kalahok para sa inimbento kong laro. Mapapanood ko na rin kung hanggang sila tatagal. Kung ano ang pipiliin nila. Pagkakaibigan o kaligtasan? Pagmamahal o pagtitiwala?
"Tapusin mo na siya," wika ko at binuksan ang garapon na kakakuha ko lang. Agad itong naglakbay palabas ng aking silid habang pinagmamasdan ko ito.
Katapusan na niya.
Third Person's POV
Nagising si Mr. Marcelino ng maaga. Bumangon siya't ginawa ang mga dapat niyang gawin bago lumabas ng kanyang kwarto. Hindi man lamang niya namalayan ang kanyang opposite na nasa likuran pala niya.
Nakangisi ito sa kanya.
Pababa pa lamang siya ng unang palapag ay nakararamdam na siya agad ng kakaiba. Tila ba, mayroong nakamasid sa kanya sa paligid. Hindi niya batid kung sino ito. Sumama bigla ang pakiramdam niya at siya'y kinakabahan.
Nang makababa na siya'y agad siyang tumungo sa kusina at naupo sa harap ng lamesa.
Napangiti siya nang makita niyang inihain na ng kanyang kasambahay na si Corazon ang kanyang magiging almusal para sa araw na ito. Ang kanyang paborito. Champorado. Kasama nito ang mainit na tsokolate na nasa tasa."Isang panibagong araw," tugon niya bago sinimulan ang pagkain.
Habang kumakain, ay hindi maalis sa kanyang isip ang ilang mga bagay. Mula pa kahapon ay hindi niya nakita sa paaralang pagmamay-ari niya ang mga guro at ibang mga estudyante. Takang-taka siya sa pangyayari.
Wala siyang alam.
Nagtataka rin siya kung kanino nanggaling ang balita na nasa Laguna diumano ang mga guro ng paaralan nila. Wala namang meeting ang mga teachers at walang espesyal na okasyon para magsama-sama sila. Labis siyang naguguluhan sa mga nangyayari. Natitiyak niyang may mali sa pangyayaring ito.
Natatakot siya.
Uminom siya ng mainit na tsokolate. Nang maubos ito'y tumayo na siya dahil hindi na tama ang nararamdaman niya. Sigurado siya. May mga matang nakadikit sa kanya kanina pa. Hindi ito ang kaisa-isang kasama niya sa kanyang tirahan na kasambahay. Hindi rin ang ina't anak niya dahil matagal nang wala ang mga ito. Matagal na panahon na.
Kung ganon, sino?
Ang opposite niya.
Kinuha niya ang mga kagamitan niya't naglakad na palabas ng kanyang tirahan. Saktong pagbukas niya ng pinto, ay biglang bumungad sa kanya ang isang taong kamukhang-kamukha niya. Nakangiti ito ng malademonyo sa kanya.
Nginisian lamang siya nito saglit pagkatapos ay sinipa nito ang kanyang binti upang matumba siya. Nang matumba siya, kasabay nito ay ang pagbitiw niya sa kanyang hawak na mga kagamitan.
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.