20. Fool

677 26 24
                                    


Heather's POV

"Mukhang hindi na tayo makakaligtas pa. Dalawa na ang kasalanan natin sa kanya. Papatayin na niya tayo," sabi ni Krylle sakin habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Wag tayong mawawalan ng pag-asa. Makakaalis rin tayo dito," sabi ko sa kanya.

Pinipigilan kong huwag tumulo ang nangingilid na luha sa mga mata ko upang mapakalma ko siya. Ang akala ng lahat ay ang tapang-tapang namin dahil mahilig kami sa away. Kahit na ang totoo'y ginagawa lang namin iyon upang hindi kami magmukhang mahina sa harap ng maraming tao. Ayaw na naming mapagkaisahan dahil may parehas kaming nakaraan.

Biktima kami ng pambubulas.

"Pangako?" Umiiyak pa rin siya.

Pambihira.

Naiiyak na rin tuloy ako.

"Pangako," sagot ko tsaka ngumiti upang mapagaan ang loob niya.

Pinagmasdan ko ang maliit na bahay na kinaroroonan namin ngayon. Napaka-luma. Walang masyadong kagamitan. Bukas ang bintana na siyang nagbibigay samin ng malamig na simoy ng hangin. Natatakot ako sa maaari niyang gawin samin. Alam na namin ang totoong pagkatao niya. Hindi niya pwedeng ikaila samin ang bagay na iyon.

Huling-huli namin siya sa akto ng mga sandaling iyon.

Napasigaw ako nang makarinig ng tila may nabasag sa loob ng lihim na silid kung saan siya naroon ngayon. Wala kaming ideya kung anong meron sa loob. Sinusubukan naming sumilip subalit palagi niya kaming nauunahan at napagsasarahan ng pintuan. Nakakabwisit. Mukhang doon niya tinatago ang koleksyong nabanggit niya.

*FLASHBACK*

Magkasabay na lumabas kami ng klase ni Krylle nang maguwian na. Ganon na parati. Hindi na kami mortal na magkaaway pa. Matapos ang lahat ng dinanas namin kay Miss Laura, tsaka lang namin naisip kung ano bang dahilan at galit na galit kami sa isa't-isa? Napaisip nga rin siya. Subalit wala siyang maisip na dahilan. Maging ako'y ganon rin.

Nakakatawa lang.

Naging mas-close kami sa nangyari. Naging magkaibigan kaming dalawa at ngayon, bestfriend na ang turingan sa isa't-isa. Sabay kami parating pumasok at kumain sa cafeteria. Ganon rin sa tuwing uwian kaya lang, hindi inaasahang pangyayari ang nasaksihan namin na siyang nagdala samin sa muling kapahamakan.

"Si Miss Laura ba iyon?"

Napatingin ako sa tinuturo ni Krylle. Palabas na sana kami ng Marcelino University nun nang pukawin ni Miss Laura ang atensyon namin. Labis akong nagtaka nang sa likod ng paaralan siya dumaan. Bakit? Anong ginagawa niya doon? Sa pagkakaalam ko, kagubatan na ang parteng iyon. Doon kaya siya nakatira? Hindi ko alam.

Dahil sa mga katanungang nabuo sa isipan naming dalawa, sinundan namin ng palihim si Miss Laura. Bawat hakbang namin ay ingat na ingat upang hindi siya makahalata na sinusundan namin siya. Natatakot ako kung sakaling mahuli niya kami. May naging kasalanan na kami sa kanya noon. Ayaw ko na sanang dagdagan pa iyon ngunit hindi ko mapigilan itong sarili ko na alamin kung anong itinatago niya saming mga estudyante niya.

Huminto siya sa paglalakad.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Krylle. Napatago kami agad sa punong malapit samin nang lumingon sa likod si Miss Laura. Kinakabahan na ako ng husto ng mga oras na iyon. Kita ko rin sa mga mata ni Krylle ang labis na kaba habang nakatingala siya.

Sumilip ako upang matignan si Miss Laura. Napatingin ako kay Krylle nang makitang nagpatuloy na muli ito sa paglalakad. Muli namin siyang sinundan hanggang sa marating namin ang isang lumang bahay. Huminto kami at sandaling nagtago malapit sa bintana upang mas makita namin kung anong meron sa loob ng bahay na iyon.

"May isa na namang nadagdag sa koleksyon ko. Hangal talaga ang Alfonso na iyon kahit kailan." Tumawa si Miss Laura habang palakad-lakad at tila ba may hinahanap sa paligid.

"Hanggang ngayon ay wala pa rin silang kaalam-alam na ang Miss Laurang nasa harapan nila ay isang opposite." Tumawa siya na siyang nagpakilabot saming dalawa.

Nang sandaling huminto siya, nanlaki ang mga mata namin nang maging isang itim na usok siya. Pumunta ito sa direksyon namin ni Krylle at gimbal na gimbal kami nang mapunta ito sa harapan namin at maging si Miss Laura.

"Kamusta mga mag-aaral?" Nakangisi siya samin ngunit bakas ang pagkainis sa mga mata niya.

*END OF FLASHBACK*



Miss Laura's POV

Pumorma ang ngisi sa labi ko nang makita ang garapon para sa opposite ni Kyle. Napahalakhak ako ng malakas nang sandaling buksan ko ang garapon. Lumabas rito ang itim usok na siyang gagamitin niya upang paslangin ang kaibigan nito na si Calvix.

Nasisiyahan ako.

"Maglakbay ka at hanapin ang iyong kaibigan na si Calvix. Paslangin mo siya."

Hindi nag-anyong tao ang opposite sa harapan ko. Agad itong lumabas ng silid na ito at nagsimula na sa paglalakbay upang hanapin si Calvix.

Napadako ang aking tingin sa pintuan. Nasa labas lamang ang dalawang iyon. Ang dalawang nakaalam na isa akong opposite. Hindi ko napansing sinusundan na pala nila ako nung araw na iyon. Ang akala ko kasi'y isang hayop lamang iyon sa gubat. Ngunit, nagkamali ako.

Wala akong balak na patayin sila. Ngayong magkaibigan na sila, magagamit ko na rin sila para sa larong gaganapin na bukas. Nakahanda na ang lahat. May isa na lang akong kailangang tapusin bago ko simulan ang laro.

"Mr. Alfonso Marcelino."



Calvix's POV

Tahimik lamang ako habang naglalakad sa eskinita pauwi sa bahay namin. Kinabahan ako nang mapansin kong tila may sumusunod sa aking paglalakad. Ang unang sumagi sa isipan ko ay isang asong kalye. Dahil maraming mga galang aso dito samin. Ngunit nagkamali yata ako. Kakaiba ang nararamdaman kong ito. Hindi ko maipaliwanag.

Nasa panganib kaya ako?

Huminto ako pansamantala sa aking paglalakad at tumingin sa aking likuran upang alamin kung sino ang sumusunod sakin. Kaya lang, sa kasamaang palad, wala akong nakita. Nakakaasar. Ang bilis mawala. Tanging pag-ihip lang ng hangin sa mga basura ang aking namataan.

Nakapagtataka.

Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos. Siguro naman ay wala talagang sumusunod sa akin. Iyon ang paiiralin ko ngayon sa aking isip. Tinatakot ko lamang ang aking sarili sa isang bagay na wala naman talaga.

Pagharap ko, laking gulat ko nang tumambad sa akin ang aking kaibigan na si Kyle. Nagimbal ako nang sunod-sunod niya akong saksakin sa aking tiyan habang may malademonyong ngiti sa labi niya. Hindi ako maaaring magkamali. Hindi siya ang kaibigan ko. Impostor ito. O di kaya'y ibang nilalang.

"S-sino ka?" Nanghihinanang tanong ko habang nakahawak sa kamay niya na pana'y ang saksak sakin.

Hindi niya ako sinagot. Nginisian lamang niya ako na lalong nagpatindi ng takot na nararamdaman ko.

"S-sino ka ba talaga?! Hindi ikaw si---"

"Ako ang opposite niya. Ang opposite niyang ubod ng sama," sabi niya bago ako lagutan ng hininga.

"Hangal."

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon