39. Sacrifice

406 12 0
                                    


Jake's POV

Hindi ko akalaing maduduwag ako na kalabanin sila. Gusto ko sanang sumali kanina kaya lang mas mapapadali siguro ang pagkapanalo ko kapag konti nalang kaming kalahok sa larong ito.

Sa tansya ko'y nasa lima na lang kaming natitira. Hindi ko alam kung nasaan ang tatlo ngunit ang isa'y pinagmamasdan ko sa mga sandaling ito.

Si Augustus at ang opposite niya. May tuwa sa mga labi nila habang nakatingin sa bangkay ni Shanna. Wasak na ang mukha nito dulot ng fourfinger na ginamit nila rito. Hindi na ito makikilala pa ng iba kung sakali mang makita man nila. Kaawa-awang babae. Ang maganda niyang mukha, wala na.

"Aatakihin na ba natin sila?" tanong sakin ng opposite ko. Lumingon ako sa kanya at binigyan ko siya ng isang makabuluhang ngiti. Ngumiti rin siya. Mukhang nakuha niya ang ibig kong ipahiwatig.

"Ang tagal nating naghintay. Ngayon na ang tamang oras," sabi niya't inayos ang weapong hawak niya. Mukhang ordinaryong tirador kung titignan subalit nakamamatay ang balang gamit nito. May lason gaya ng sumpak ngunit mas mabilis ang epekto.

"Sang-ayon ako." Inayos ko na rin ang weapong hawak ko. Wala namang espesyal dito. Golf bat. Nakakairita. Pero okay na rin. Mabigat ito at mukhang gawa sa bakal. Makakapatay ako gamit ito.

"Tara na," sambit ko at lumakad na kami palapit sa dalawa.



Third Person's POV

Patuloy lang sa pag-iyak ang gurong-tagapayo ng Section Mordred na si Miss Shery habang awang-awa na nakatingin sa mga estudyante niya. Magpahanggang ngayon kasi ay sinusubukan pa rin ng mga ito na sirain ang pintuan. Malas nga lang dahil hindi nila ito maisakatuparan. Sobrang tibay ng pinto. Nakakandado pa ito mula sa loob at labas kaya mahirap sa kanila ang umisip ng paraan kung paano makakalabas.

Nasaan ang susi? Ito ang makailang-ulit na na tanong nila sa kanilang isipan na hindi pa rin nabibigyan ng kasagutan. Nawawalan na sila ng pag-asa lahat. Lahat ay negatibo ang pag-iisip at desperado nang makalabas. Gaya ng mga naunang section, wala rin silang kaalam-alam na may mga patibong pala na nakaabang sa kanila sa kanilang paglabas. Mga hangal.

"Ma'am hindi pa ba tayo makakalabas?"

"Ma'am natatakot po ako."

"Masisiraan na ako ng bait dito!"

"Ma'am alis na po tayo dito please."

Naluha na lang ang gurong si Miss Shery sa mga narinig niya sa kanyang mga estudyante. Hindi siya makapagisip ng paraan kung paano sila makakalabas dahil walang pumapasok na ideya sa kanyang utak. Mas nangingibabaw sa kanya ngayon ay ang kawalan ng pag-asa. Negatibo siya parating mag-isip. Kung makaisip man siya ng paraan, sa isip niya, mamamatay rin silang lahat ng mga estudyante niya.

"Patawarin niyo ko," bulong niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Hindi pa rin humihinto ang ilan sa mga estudyante niya na sirain ang pintuan para makalabas sila. Ginagawa nila iyon sa pag-aakalang mabubukas nila. Isang malaking kalokohan. Pinapagod lamang nila ang kanilang sarili. Aksaya lamang ng lakas. Dahil kahit na anong pilit nila, hindi iyon bubukas. Maliban na lang...

Kung isang pares na naman ang maaalis sa laro.



Chloe's POV

"Hindi ko inaasahan 'to." Ngumisi ako habang nakatingin samin ang dalawang Clyde. Totoo naman e, unexpected itong nangyayari ngayon. Sa lahat ng unang makakalaban ko, bakit siya pa? Kainis. Isa pa naman siya sa mga iniiwasan ko. Ayoko siya. Ayoko siyang kalabanin.

May sarili akong dahilan.

"Ano? Tutunganga ka nalang? Wag kang tatanga-tanga! Papatayin niya tayo!" Pagpapaalala ng opposite ko habang hinahawakan ng mahigpit ang braso ko. Bwisit. Bakit niya nahahalata?

"Alam ko. Wag mo kong igaya sa'yo." Inirapan ko siya't muling tumingin sa dalawa.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang wala na sila sa kinatatayuan nila kanina. Maging ang opposite ko ay nagulat rin. Taranta kaming lumingon-lingon sa paligid hanggang sa isang saksak sa tagiliran ang naramdaman ko.

"Sisimulan ko na." Boses niya iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Kilalang-kilala ko ang boses niya.

"Kami ang tatapos," sagot ko tsaka tumalikod. Nakita ko silang nakangiting dalawa habang hawak ng isa'y isang patalim at ang isa naman ay lubid. Mga walang kwenta. Siguradong kami na ang mananalo nito.

Binaril ko sa braso ang isa sa kanila. Tumama iyon at may nakita akong mga dugo. Mga dugong biglang nagpapawala ng awa ko sa kanila. Tila nasiyahan ako ng mga sandaling iyon at muli ko silang pinaputukan ng baril. Leche lang dahil naiwasan nila.

"Bwisit ka talaga. Wag mong sayangin ang bala," dinig kong sabi ng opposite ko. Naramdaman ko naman ang biglang pananakit ng tagiliran ko dahil sa tama ng saksak. Ang raming dugo. Pero, okay lang. Hindi ko naman kahinaan yan. Sa katunayan, yan pa ang nagpapalakas sakin kaya parang nag-iba ang timpla ko ngayon. Pambihira. Ano ba itong nangyayari sakin?

"Tapusin na natin 'to," bulong ko at kinasa ang baril.



Clyde's POV

Ang hirap paniwalaan ang mga nakikita ko ngayon. Si Chloe ba talaga ito? Parang hindi. Hindi ganyan ang Chloe na kilala ko. Malayong-malayo. Mabait iyon at talaga namang madaldal. Kumpara mo rito na puno ng galit at nanlilisik ang mga mata habang nakatingin samin. Napalunok tuloy ako.

Kayanin ko kaya?

"Kapag natalo nila tayo, sisihin mo ang sarili mo." Nilingon ko ang opposite ko at tinitigan siya ng matalim. Bwisit. Iniinis pa niya ako. Walanghiya.

"Tigilan mo nga 'ko. Hindi ka na nakakatuwa." Hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kutsilyo sa kanang kamay ko.

Nakahanda na ako sa mga maaaring mangyari. Kung mamamatay, mamamatay. Kung hindi, hangad ko na si Chloe ang manalo sa larong ito. Sa lahat, siya ang pinaka-deserving. Marami pa siyang pangarap na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad. Naikwento niya sakin ang mga iyon dati pa. Sariwa pa rin sakin ang ala-alang iyon. Gusto daw niya maging reporter. Gusto daw niya maging dj. Gusto daw niyang maging isang chef. Gusto daw niya maging magaling na performer. At kung anu-ano pa. Siya lang ang babaeng nakilala ko na alam kung ano ang landas na tatahakin niya. Marahil ay isa iyon sa mga dahilan kaya nagustuhan ko siya. Oo, gusto ko siya.

Rumehistro ang ngisi sa mga labi nila nang pagmasdan ko sila. Gusto kong mainis nang sobra dahil sa ginawa niya ngunit napipigilan ako ng nararamdaman ko. Parang hindi ko kaya. Nasasaktan ako. Hindi totoo ang nararamdaman ko para kay Shanna. Isang malaking joke na naging kami. Laro lang iyon. Ngunit itong kay Chloe, seryoso ako. Siya talaga ang babaeng gusto ko.

Hindi talaga ako masama. Napipilitan lang akong gawin ang mga bagay na ito dahil sa bwisit na Laura na iyon. Hayop talaga siya kahit kailan!

"Mahal na mahal kita, Chloe," bulong ko at sinaksak ang aking sarili sa may bandang puso habang nakangiti sa kanya.

Gagawin ko ang lahat para sa'yo. Ikaw ang mananalo sa larong ito. Sinisiguro ko yan.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon