27. Unexpected Traps

752 23 28
                                    


Third Person's POV

Naglabasan na ang mga estudyante ng Section Nobility sa classroom nila nang sandaling magbukas na ito. Ramdam nilang lahat ang pag-asa at tuwa. Dahil sa wakas, ay makaaalis na rin sila ng paaran nila. Ngunit nagkakamali silang lahat. Dahil imbis na pag-asa ang kanilang matagpuan, ay mga nakamamatay na patibong ang kanilang pagdadaanan, bago makarating sa kanilang paroroonan. Ang makalabas ng kanilang mala-impyerno ngayong paaralan.

"Walang tatakbo!" Sigaw ng gurong-tagapayo na si Miss Katarina sa mga estudyante niya.

Alam niya kasing magtatakbuhan ang mga ito pagkalabas. Kaya naman, gumagawa na siya ng paraan upang maiwasan ito. Dahil nababatid niya na may mangyayaring masama sa mga ito, oras na kumilos ang mga ito agad-agad. Kilala niya ang nagbago nang si Miss Laura. Kaya alam niya, na hindi sila pe-pwedeng kumilos ng basta-basta. Sigurado siyang nasa paligid lamang ito. Nakamasid lamang ito sa at pinagmamasdan ang kilos ng bawat isa sa kanila.

"Ayoko na dito! Aalis na ko!"

Nanlaki bigla ang mga mata ni Miss Katarina nang makita niyang tumakbo ang isa sa mga estudyante niya na si Cheska. Kasabay nito, ay ang pagtakbo naman ng iba pa niyang mga estudyante.

"Wag kayong tumakbo! Wag kayong aalis!" Sigaw niya. Ngunit tila mga bingi ang mga estudyante niya. Tuloy-tuloy pa rin ang mga ito sa pagtakbo.

Tarantang-taranta siya. Hindi niya alam kung papaano mapababalik ang mga estudyante niyang nagtakbuhan na. Hindi maganda ang kutob niya. Tila ba mayroong mangyayari na hindi maganda. Nakasisiguro siya sa bagay na iyon. Kaninang kanina pa nang nasa loob pa lang sila ng classroom nila. Hanggang ngayon, ay hindi pa rin ito mawaglit-waglit sa isip niya. Labis na labis talaga siyang nag-aalala. Para rin naman ito sa ikabubuti at ikaliligtas nila.

"Aaahh!!!!"

"Tulong!!!"

"Aray!!!"

"Ma'aam!!!"

Napatingin bigla si Miss Katarina sa mga estudyante niya nang marinig niyang magsigawan ang mga ito. Nagimbal siya nang makitang kalunos-lunos na ang kalagayan o nangyari sa mga ito. Mayroong kalas-kalas na ang katawan. Mayroong inipit sa pader at nagkadurog-durog ang mga laman. Mayroong tanggal ang isang binti at isang kamay.

Ang pinaka-matindi, ay nang makita niya ang estudyante niyang babae habang tumatako. Bigla na lamang kasi itong napugutan ng ulo matapos mapatid sa isang sinulid. May biglang lumitaw na kutsilyo sa may bandang leeg nito. Kaya naman, ito ang kaawa-awang nangyari sa kanya.

"Wag kayong magpadalos-dalos ng kilos! Maraming mga patibong ang nagkalat! Mag-iingat kayong lahat!" Pagpapaalala niya sa mga estudyante niya.

"Miss Katarina! Iligtas niyo po kami!" pagmamakaawa ng isang estudyante niya sa kanya. Nagsipag-gaya naman ang iba pa.

Napaluha naman siya bigla dahil don. Alam naman niya na wala siyang magagawa upang iligtas ang mga ito. Ordinaryo lang siya. Wala siyang kapangyarihan. Hindi na mababago yon. Dito na magtatapos ang buhay niya. Maging ng mga estudyante niya. At natitiyak niya, na ito'y nalalapit na.

"Pakiusap... Iligtas niyo po kami," bulong niya kasabay ang pagpikit ng kanyang mga mata.



Dorothy's POV

"Itigil na natin 'to! Ayokong magpatayan tayo!" Naiiyak na sigaw ko kay Augustus habang naglalabanan kaming dalawa maging ang mga opposite namin.

Ayaw ko ng ganito. Nahihirapan na ako. Hindi ko kayang tagalan ang sariling kalaban ang isa sa mga taong malapit sa akin. Gusto ko nang mahinto ito. Ngunit, paano? Gayong matatapos lamang ito kapag isa na lang ang natira sa aming magkakaklase.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon