33. Demon Side

420 12 0
                                    


Mayumi's POV

Sa larong ito, hindi ako matatalo. Hindi ako mamamatay at walang sinoman ang maaaring pumatay sakin. Uunahan ko sila. Hindi nila ako madadaig. Aalisin ko muna ang takot na nararamdanan ko at hahayaang balutin ng kasamaan ang buo kong pagkatao. Ito lang ang tanging paraan upang ako ang tanghaling panalo.

Ito ang magpapanalo sakin.

"Sumuko ka na!" Sigaw sakin ni Hailey. Ilang dipa lang ang layo nila samin ng opposite niya at naiirita talaga ako kapag nakikita sila. Doble ang inis na nararamdaman ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang lahat ng kalandiang ginawa niya. Kung papaano niya nasulot ang boyfriend kong si Neil nang hindi ko man lang namamalayan. Pinagkatiwalaan ko siya. Kinukwento ko lahat sa kanya na hindi ko naike-kwento kina Chloe at Bianca.

Kumportable kasi ako sa kanya. Sa kanya ko lang nasasabi ang mga bagay na hindi ko masabi sa iba. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi kami ganon katagal na magkakilala pero may kung ano sa loob ko na nagsasabing matagal ko na siyang kilala.

Naguguluhan ako.

"Papatayin kitang malandi ka!" Inirapan ko siya at hinanda ko na ang sarili ko. Nakita kong naghanda na rin ang opposite ko at ang opposite niya.

Lalabanan ko na sila.

"Tsk. Wala ka lang kwentang girlfriend. Palibhasa, hindi ka magaling sa kama!" At isang nakakalokong pagtawa ang ginawa ng dalawa.

Nagsimula na naman akong mairita. Nakakabwisit ka talagang Hailey Gundal ka! Lalaslasin ko yang lalamunan mong hayop ka! Tatanggalin ko ang kati diyan sa katawan mo!

Puny*ta!

"Higad," bulong ko.

Batid kong narinig niya ang bulong ko dahil nagsalubong ang mga kilay niya. Naiinis na siya. Nakakatawa talaga. Ang dali niyang inisin. Gagamitin ko yan para mas madali ko siyang matapos. Kailangan niyang mamatay anoman ang mangyari. Isa lang saming dalawa ang mabubuhay. Mamamaalam ang isa habang isa'y patuloy pa rin sa pakikipaglaban para sa kalayaan.

"Papatayin kita!"

Sumugod na kami ng opposite ko. Galit na galit ako at siya'y pana'y ang ngisi. Binuwelo ko ang mga hawak kong shuriken at ibinato ko iyon kina Hailey. Nakita kong ibinato naman ng opposite ko ang boomerang na hawak niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil nailagan nila ang mga pag-atake namin. Natigilan kami sa pagsugod at pinagmasdan sila. Bigla akong nawala sa sarili ko sa di malamang dahilan. Napapitlag ako nang makitang bumalik ang boomerang samin ng opposite ko.

Naramdaman ko na lang ito na dumaan sa leeg ko.

"Boba."



Ivanna's POV

Pinagmasdan ko ang lalaking nasa harapan namin ngayon ng opposite ko. Kyle Ray Flinns. Ang gwapo. Kaso tanga. Nakakatawang ni hindi man lang nila kami napansin ng opposite ko. Sabagay, kahinaan niya nga pala iyon. Hindi siya marunong makiramdam. Pero infairness sa opposite niya dahil napansin kong nahalata nito kami na papalapit sa kanila. Malas niya lang dahil naunahan na siya agad ng opposite ko.

Isa pang tanga.

"Ang gwapo niya." Kinikilig pa siya talaga. Leche. Hindi iyan ang gusto kong maramdaman niya ngayon. Gusto ko inis. Gusto ko galit siya. Hindi pe-pwede sakin yan. Mapapahamak ako kapag ganyan siya kabait.

Totoo ngang kabaliktaran ko siya.

"Oh, bakit ganyan ka sakin makatingin?" Tanong niya sakin. Pinapalungkot niya ang mukha niya sa harapan ko. Tsk. Palibhasa nakita na niya kung gaano ako kasama. Paniguradong naririndi na siya sa sermon ko dahil kanina pa ako inis sa kanya.

Kung pwede ko lang siyang patayin ginawa ko na. Ang kaso, hindi pwede. Mamamatay ako kapag pinatay ko siya. Bwisit. Lecheng Miss Laura 'yon! Siya ang may kasalanan nito e!

Lagot siya sakin.

"Tigilan mo nga yan! Nakakairita ka!" Inirapan ko siya't hinila ang braso niya.

May balak pa talaga siyang hawakan ang mga bihag namin. Awang-awa na siya base sa nakikita ko sa kanyang mga mata. Masama ito. Hindi ako tatagal sa laro kung ganito lang rin naman ang magiging kakampi ko.

Mahina at Maawain. Ugali ng isang talunan. Gaya na lang ng nasa harapan ko ngayon. Ngunit kanina, kahanga-hanga ang pinakita niya. May kademonyohan rin palang taglay ang lalaking ito. Minamanipula niya ang opposite niya dahil masunurin ito. Ito ang gagamitin niya para patayin kami. Pambihira. Walang kadating-dating. Halatang naduduwag siya.

"Hoy! Tigilan mo sabi yan e!"

Hinawakan ko ulit ang opposite ko sa braso at hinila nang hawakan na naman niya si Kyle. Nakakapikon na talaga. Kanina pa ako naaasar sa kanya. Sarap niya kalbuhin, bruha siya!

Nagising na rin ang dalawa.

"Sh*t, ang sakit ng ulo ko," sabi ng opposite niya. Pana'y ang himas nito sa ulo nito.

"A-anong nangyari?" Papungas-pungas naman siya ng mata.

Nanlaki ang kanilang mga mata nang makita na nila kami. Napangisi ako habang nakatitig sila. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Kinatatakutan ka. Wala silang maaaring gawin kungdi ang magmakaawa sa'yo na palayain mo na lang sila. Well, wala sa plano ko ang bagay na 'yon. Ang goal ko is patayin siya.

Sagabal lang siya sa mga plano ko.

"Hayop ka, Ivanna!" Psh. May gana pa talaga siyang sigawan ako? Ang kapal niya. Gusto na yata niyang mamatay.

"Walanghiya ka!" Nakisali pa talaga 'tong isa. Pambihira. Nakakaloka sila. Wala ba silang balak magmakaawa sakin?

"Pakawalan na lang natin sila." Tss. Walang kwenta talaga 'tong opposite ko na ito. Pinapairal na naman niya ang katangahan niya. Hindi yata niya naiisip na kapag pinakawalan namin itong bihag namin, ay kami naman ang papatayin nito.

Napaka-boba!

"Just shut up, okay? Let me handle this. Ang dapat mo lang gawin ay sundin lahat ng sasabihin ko. Or else..." Tinitigan ko siya ng masama at ngumisi ako.

Napatango nalang siya.

"Good. So, let's start."

Napahalakhak ako nang makitang takot na takot na agad sila. Take note, hindi pa ako nag-uumpisa na pahirapan sila. Nakakatawa talaga. Ang dali nilang takutin. I admit. Nag-eenjoy na nga ako sa larong ito.

"Ivanna..."

Napalunok ako nang mariin dahil sa narinig ko. Hindi ako maaaring magkamali. Boses niya iyon. Kinakabahan na ako.

"Tapos ka na."

Sunod-sunod na saksak sa balikat ang natanggap ko. Wala na akong ibang nagawa pa at pumikit na lang. Hanggang sa unti-unti akong manghina at matumba sa sahig kaharap ang opposite ko. Ilang segundo lang at naglaho rin siya na tila isang bula.

Nabaling ang tingin ko sa kanila. Duguan na ang uniporme nila at may kaunting sugat sila sa mukha. Napamura ako sa isip ko bago tuluyang manlabo ang paningin ko.

Hayop ka, Austin.

The OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon