Jake's POV
Isang pagbuwelo ang ginawa namin ng opposite ko habang palapit kina Augustus. Ngunit tila yata natunugan nila kami dahil nang sandaling atakihin na namin sila ng mga hawak naming sandata'y nakailag sila at ang masaklap pa ay naihagis ko ang aking hawak. Sandali akong napalingon sa opposite ko at halos mabaliw ako nang pati pala siya'y wala na ring hawak na kahit na ano. Isang malaking pagkakamali. Paano na kami nito? Paano na namin sila lalabanan? Bwisit. Mukhang kailangan ko na yatang tanggapin ang kamatayan ko. Wala na kaming laban sa kanila. Dito na ba magtatapos ang karera ko sa laro?
"Paano na yan? Mukhang tapos na kayo," wika ng isa sa kanila. Siya ang pumatay kay Shanna gamit ang fourfinger niya. Hindi ako maaaring magkamali.
"Wala na kayong lugar sa larong ito. Mamamatay na kayo." Tinitigan kami ng isa pa. May hawak naman itong sumpak.
Napalunok ako bigla. Nakamamatay ang weapon na iyon. Sandaling tamaan ako no'n ay tiyak na kamatayan agad ang babagsakan ko. Hindi. Hindi 'to pwede! Kailangan naming makatakas! Kailangan naming manalo! Kailangan namin silang talunin, ngunit paano?! Walanghiya! Talong-talo na kami sa mga bagay na nasa kanila.
"Hindi. Hindi mo kami matatalo," mariing pagkakasabi ng opposite ko habang may tila kinakalikot sa bulsa ng pantalon niya. Napaisip tuloy ako kung ano 'yon. Magagamit kaya namin iyon para pabagsakin itong dalawa?
"At paano mo nasabi?"
Ngumisi ang opposite ko at dahan-dahang nilabas sa bulsa niya ang isang... granada? Itinago niya ito sa kanyang likod upang hindi mapansin ng dalawa. Hindi ko inaasahang magkakaroon siya ng ganon. Akala ko talaga ay wala nang pag-asa para madaig ang mga ito ngunit nang dahil sa alas na hawak niya, mukhang kami pa ang mananalo.
"Oh bakit ka tumatawa?" Kinakabahang tanong ng isa sa kanila nang magsimulang tumawa ang opposite ko. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at nakisabay na ako sa kanya. Tumawa kami ng tumawa habang inis na inis na itong dalawa samin. Ang tatalim ng bawat pagtitig nila na siyang lalong nagpapalakas sa mga tawa namin.
Mga hangal. Tapos na kayo. sabi ko sa aking isip.
Nang huminto kami sa pagtawa, ay sinimulan nang kalikutin ng opposite ko ang granada. Mukhang pinapagana na niya ito. Binaling ko agad sa iba ang tingin ko para di nila mapansin ang ginagawa ng kabaliktaran ko. Nang matapos siya'y tumingin siya sakin. Nginitian niya ako at sabay kaming tumingin sa dalawang talunan.
"Mga talunan," bulong ng opposite ko at hinagis ang hawak niyang granada sa dalawa.
Nagulat ako ng husto nang bigla siyang tumakbo. Wala akong choice kaya tumakbo na rin ako. Hindi na ko nagabalang tumingin pa sa likuran at baka mas lalo lang akong kabahan. Nakalayo kami agad. Dumiretso kami sa mismong building ng school upang doon magtago sa likod ng pader. Kasabay nun, ay isang malakas na pagsabog ang naganap!
Nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas! Ligtas na ako sa kamatayan dahil wala na si Augustus. Konting tiis na lang at mananalo na rin ako sa laro. Dapat ako ang manalo.
Hnggang sa isang nakakabinging ingay ang narinig ko. At sigurado ako, galing iyon sa posas na nakakunekta sakin sa opposite ko. Kinabahan ako ng matindi. Nagkatinginan kami at sabay pa kaming napalunok. Sa sobrang pagkataranta ay nagtatatakbo kami sa direksyon kung saan naganap ang pagsabog.
"Tapos rin tayo," bulong ko bago makitang umilaw ang pulang buton na nasa posas.
Isang pagsabog na naman ang naganap!
Miss Laura's POV
Napangisi ako nang makarinig ng dalawang magkasunod na pagsabog. Sigurado akong isa sa mga iyon sa mga natitirang kalahok sa laro. Kahit na ayaw kong gawin ang bagay na iyon, ay ginawa ko pa rin. Kasalanan ito ng mga estudyante sa Section Acrick at ng adviser nilang si Mr. de Rama. Kung hindi namatay ang mga ito sa loob ng klase pa lamang ay paniguradong buhay pa sa mga sandaling ito ang isa sa mga kalahok. Ngunit hindi. Dahil lumabag sa rules ang mga taga-section Acrick. Kaya ito ang naging kabayaran.
Wala na si Jake sa laro.
"Kailan kaya kita muling makakaharap?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan ang garapong nakapatong sa ibabaw ng mesa sa harap ng klase.
Ilang segundong katahimikan. Maya-maya'y napaatras ako nang kusang gumalaw ang garapon kahit hindi ko ito ginagalaw o wala akong ginagawang kahit na ano. Kinabahan ako. Natatakot. Nataranta rin at baka tuluyan na akong mawala. Ang itim na usok na nasa loob ng garapon ang tanging kahinaan ko.
"Hindi! Akin na ang katawang ito ngayon!" Parang baliw na nagsisisigaw ako sa loob ng klase habang nakatingin sa garapong gumagalaw.
Napaatras ako nang napaatras hanggang sa naibato ko sa sobrang taranta ang kahoy na upuan. Hindi ito tumama sa garapon ngunit tumama iyon sa board sa harap. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Nakakainis. Bakit takot na takot ako sa nangyayari? Gumagalaw lang naman ang garapon. Hindi ko kailangang matakot. Hindi siya makakalabas doon hangga't walang nagbubukas.
Kailangan kong kumalma.
Third Person's POV
Naalimpungatan ang gurong-tagapayong si Mr. Ventura mula sa kanyang pagtulog. Papungas-pungas siyang bumangon sa pagkakahiga at ganon na lang ang gimbal niya nang makitang walang malay ang mga estudyante niya. Nasa loob sila ngayon ng klase nila. Ang Section Raxus.
Sa sobrang taranta niya sa sitwasyon nila'y ginising niya isa-isa ang mga estudyante niya. Mabilis na nagkamalay ang mga ito. Takang-taka ang mga ito na nakatingin sa kanya at nagtatanong kung bakit nasa loob sila ng klase nila.
"Hindi ko alam. Nagising na lang ako at... nakakulong na tayo dito," wika niya habang nakatingin sa kanya ang mga estudyante niya.
Wala siyang maibatong matinong sagot sa mga ito. Hindi niya alam kung ano ba ang nangyari. Napaidlip ang tulog niya. Wala siyang kahit na anong ideya kung papaano sila napunta sa sitwasyon nila ngayon. Lahat sila, walang alam. Mga inosente sa larong nagaganap.
"Kailangan nating makalabas dito," wika niya sabay tingin sa pinto ng klase nila.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang magbukas ito. Gulat na gulat at di siya makapaniwala. Papaano nangyari yon? Hindi nila alam. Imbis na magmadaling lumabas ay mas pinili nilang wag magmadali. Hindi sila sigurado ngunit pakiramdam nila'y mapanganib sa labas. At tama sila! Maraming patibong ang nagkalat. Kailangan nilang magingat ngayon para manatiling buhay.
"Aaaaahhhhhh!!" Takot na takot na sigaw ng estudyanteng si Aubrey nang makita ang sandamakmak na patay na estudyante sa daraanan nila.
Nang makita rin ito ng iba'y nagsimula nang mataranta ang lahat. Marami agad ang umiyak at natakot. Iniisip na huling araw na nila ngayon dahil mamamatay rin sila gaya ng nakikita nila.
"Hindi! Ayoko pang mamatay!" Sigaw naman ni Janna habang sapu-sapo ang dibdib niya. Nakaakbay sa kanya ang boyfriend niyang si Bill at tila naiiyak na rin ito dahil nahahawa ito sa kanya.
Nanatiling tahimik at kalmado si Mr. Ventura sa lagay ng mga estudyante niya. Hindi niya kailangang matakot. Wala siyang dapat na katakutan. Ang kailangan niyang gawin ay magisip ng paraan kung papaano makakalabas. Ngunit bago iyon, kailangan muna nilang makadaan sa daanang ito kung saan maraming patay na estudyante galing sa ibang section ang nagkalat. Ngunit paano?
"Alam ko na," bulong niya kasabay ang isang pagngisi.
BINABASA MO ANG
The Opposite
Horror"Iligtas at protektahan mo siya hangga't kaya mo. Dahil ang buhay niya, ay buhay mo. Kaya kung sakaling mamatay siya, ikamamatay mo."- Miss Laura.