Chapter 32 - her Dad's sentiment

2K 35 2
                                        

"Only I can change my life. No one can do it for me."

- Carol Burnett

.

Mark POV

Ilang ulit na akong tinagayan ni Mr. Caesar Suarez sa aking kupita ng alak ngunit hindi ko parin nakukuha ang kanyang naging desisyon.

Plano nga 'ata niyang lasingin muna ako pero nagkakamali siya dahil mataas ang alcohol tolerance ko.

Napangiti pa ako habang sunud-sunod naring nakikipagsabayan sa kanya sa pag-inom.

"Sa kanilang tatlo si Thesa talaga ang may paninindigan. Kapag sinabi niya, hindi na iyon mababali pa." napasandal pa siya sa kanyang upuan at matamang tumingin sa akin.
"...kaya hindi ako makapaniwalang nabago mo ang pananaw niya sa pagpapakasal dahil iniisip ko na ngang magpakamatandang dalaga siya." patuloy pa niya habang iniinom ang alak sa kanyang kupita.

Napangiti naman ako nang maalala ang mga pinagsasabi sa akin ni Thesa noong nagtatangka pa nga lang akong manligaw. "...'yong magiging single for life ho bang sinasabi niya?" ngiting sambit ko.

Napatawa naman siya kaya naging kampante na ako. Dito nga 'ata nakuha ni Thesa ang pagiging cooled at ang hindi madaling pagtitiwala sa isang tao.

"Kaya ko siya ipinagkasundong ipakasal..." sambit pa niya.

"Pambayad utang ho!?" nagdadalawang sabi ko.

Napalingi-lingi pa siya. "Isang arranged marriage. Kahit may katigasan talaga ang ulo ni Thesa ay hangad ko lang ang magkaroon siya ng isang pamilya." seryosong sagot niya at napatingin pa siya sa kawalan.

"Wala sa kanilang tatlo ang nagpakita ng interest sa kompanya. Hindi puwede..." patuloy pa niya at napatingin na naman siya sa akin. "Alam kong maraming kapintasan si Jimmy pero napakagaling niya pagdating sa pamamalakad ng mga negosyo at may kapangyarihan siya pagdating sa pamumuno."

Napasang-ayon naman ako sa sinabi niya. Ever since talaga ay magaling si Jimmy kahit noong college days. Mapa-academic, sports at maging sa leadership ay awardee din ito.

Kaya gusto niyang ipakasal roon si Thesa.

"Ang Sunriser ang pinambayad ko utang sa mga Monteverdi." amin narin niya.

Napatango naman ako saka bahagyang napaayos sa pagkakaupo. Nilalaro ko sa aking palad ang kupita.

Hindi sinasadyang nasagi ng paningin ko ang isang canvass na nasa walling.

Napako na roon ang atensiyon ko.

Nakita kong nakapinta roon ang buong pamilya Suarez. Nababalot ng ngiti ang mga mukha nila.

Nasa gitna ang mag-asawang magkahawak pa ang kamay.

Sa kaliwa ni Mr. Caesar Suarez nakatayo si Jason, nakaputing suit at may hawak na microscope habang naka-gloves ang mga kamay.

Sa kanan ni Mr. Caesar nandoon ang kanyang maybahay na si Mrs. Trinidad, nasa kanan niyon si Thesa, na naka-hardhat habang may hawak na tube ng mga plano sa kaliwang kamay at ang kanan niya'y nakaakbay naman kay Dianne.

Si Dianne naman ay nakasuot ng laboratory gown at naka-transparent clear glasses habang nakahawak ang kamay sa hardhat ni Thesa.

"Hanggang ngayon ay masama parin ang loob sa akin ni Thesa dahil sa painting na ito." basag niya sa katahimikang naghari sa pagitan namin. "Inaakala niyang tuluyan ko na itong sinunog..."

You're Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon