"Accept yourself, love yourself, and keep moving forward. If you want to fly, you have to give up what weighs you down."
-Roy T. Bennett.
Chin POV
Isang mahaba-habang pagpupulong ang nangyari na inabot nang alas-kuwatro ng hapon.
Sumasakit narin 'ata ang leeg ko at maging ang mga kasukasuhan. Ghad, hindi na maikakailang nagkakaedad na nga ako!
Mag-dalawampu't walong taong gulang na ako at nalalapit narin pala ang kaarawan ko.
May makakaalala naman kaya? Kahit nga si... Ghad, erase! Kahit ang isang iyon ay nevermind!
Ang masaklap sa lahat ay sa sobrang yaman ni daddy ngunit wala man lang akong natatandaang binigyan niya ako na kahit na isang birthday party. Lagi lang akong nasa kuwarto at nagmumukmok habang hinihintay na matapos ang araw.
Lonely is the night lagi ang birthday ko maging ang buong buhay ko.
"CEO ikukuha ko po kayo ng maiinom!?" nag-aalalang sabi ni Sharol Tuazon, ang aking PA, kaya natauhan ako.
"No, thank you!" blangkong napatingin na ako sa kawalan.
Napatango na lamang siya saka tahimik na sumunod sa akin.
Nang biglang tumunog ang kanyang phone.
"I'm sorry CEO, hindi ko po na-silent mode!" naghihiyang sabi pa niya.
"I don't mind Sha! Sagutin mo na baka importante. Hindi naman ako katulad ni daddy. Go on!" utos ko pa sa kanya.
"Salamat po!" nahihiyang dahan-dahan na niyang inilabas ang phone sa kanyang side pocket.
Nagpatiuna na akong lumakad.
Maya-maya'y nasa likuran ko na naman si Sharol.
"Sha," basag ko sa katahimikang naghahari sa pagitan namin.
Hindi ako palakuwento ngunit parang gusto ko siyang kausapin.
"Yes po CEO?" malambing na sagot naman niya.
"Ilang taon ka na dito sa kompanya?" ang paunang tanong ko.
"Labing limang taon po ako sa Mondragon Empire. Pagkatapos ay magtatlong taon po dito sa Chinx Enterprise. Bakit niyo po naitanong CEO? Kinakabahan tuloy ako dahil parang may nagawa akong pagkakamali?" ang nanliliit na tugon niya saka napababa pa ng tingin.
Bahagyang napangiti na lamang ako saka napalingi. Labing walong taon narin palang nakaikot lang ang buhay niya dito sa kompanya.
Ako nga ay mag-tatatlong taon pa nga lang pero naiinip na ako dito. Naiisip ko naring umalis ng Chinx Enterprise. Kitams pangalan ko pa talaga ang ipinangalan ni daddy pero kahit isang duling na piso ay wala akong nakukuha dito.
Pero si Sharol, halos doble na ng edad niya ang paninilbihan sa kompanya ni daddy ay hindi parin ba siya nababagot? Napatingin na ako sa kanya, "Wala naman Sha, naisip ko lang kung nakakapagbakasyon ka pa ba sa inyo? I mean, nakakasama mo pa ba ang pamilya mo?"
Hindi naman siya nakapagsalita pa, na tila binuhusan ng malamig na tubig.
"Hindi kita sinisisante Sha kung iyon ang iniisip mo! Tinatanong ko lang kung nakakapagbakasyon ka pa ba. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mong magbakasyon." mahina at kalmado paring sabi ko.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa hitsura niya. Siguro nga ay nakatatak parin sa isip niya ang patakaran sa kompanya. Mahigpit na pinagbabawal ang uma-absent. Bawal ang mag-leave. Bawal din ang ma-le-late sa pumasok. Tanging linggo lamang ang pahinga ng mga empleyado.
![](https://img.wattpad.com/cover/86250990-288-k967083.jpg)
BINABASA MO ANG
You're Mine!
RomantikBook3: You're Mine! (Completed!) by NyllelaineNyeNight Si Dianne Suarez ang naging Substitute Bride ni Jimmy Monteverdi ng tumanggi ang kapatid niyang si Thesa na magpakasal dito. Mapapaamo naman kaya niya si Cooled Devil Creature? Matutunan kaya...